Gideon's POV
"Boss Chef! Ikaw na talaga ang pinaka the best actor na nakilala ko! Nag-workshop ka ba sa Star Magic?? Huh?!"
Matipid na lang akong nangisi sa tinuring ni Brando at umiling.
"Walang acting dun Brands." sincerong sagot ko.
"Boss Chef!" pamewang nya. "Nakita nyo ang asawa nyo na kaholding hands ang bestfriend nyo tapos nginitian nyo?! At walang acting dun?!"
"Nope." ngiti ko sa kanya.
"Seriously Boss chef!!" sabunot nya sa buhok nya. "Malala ka na!!"
"Teka nga." sita ko sa kanya. "Eh ikaw nga tong wagas makabati sa kanila eh!"
"Ay yun ang acting Boss!" pitik nya. "Gusto kong ipamukha kela Mam Contessa na walang bitter sa atin!! Na walang umiyak sa ginawa nila! At hinding hindi nila mararamdaman na nanalo sila!"
Ngumiti na lang ulit ako sa mga pagtatalak ni Brando.
Kinabukasan pagkakalas sa akin ni Contessa ay nagtapat ako sa mga tao ko. Tutal sila naman ang orihinal na pamilya namin ni Contessa, sinabi ko na pinalaya ko na ang babae.
Sure they got frustrated, but I told them that its the best way for us to heal and be okay.
Dumiretso ako sa kusina at naabutan ang staff ko na nagkukumpulan sa isang gilid. Para silang may staff meeting.
"Oy, ano bang-"
"Boss Chef!" abante ni Benjo. "Pasapak lang kay Seth, sige na! Kahit isa lang! Nang malaman nya ang kahayupang ginawa nya kay Mam Contessa!"
Napabuntong hininga na lang ako at napailing. "Guys stop-"
"Boss Gideon!" abante naman ng security ko. "Pahampas lang ng baseball bat sa ilong ni Seth! Sige na! Feel ko yun yung asset nya eh! Kahit isa lang din! Siguro pag natabingi ko na yun, iiwan na sya ni Mam Contessa!"
Napakunot ang noo ko. "Wait, what? Hey guys please, awat-"
"Hindi!" sabat naman ng isa sa mga waitresses ko. "Feel ko yung panga at cheekbones nya ang asset eh! Perfect sa contour bes, shit! I could already die!" aniya na halos tumili na.
Seriously, nagsalubong na lang ang kilay ko. Alam ba nilang nandito ako? Parang may sariling mundo na sila eh!
"Ano ba kayo." abante naman ng isa sa mga lalaking chef ko. "Tusukin nyo yang mata! Masyadong hot tumingin!"
Hell? bulong ko sa utak ko. Lalaki ka oy, paano mo nasabi yan! Kelan ka pa nalinya sa lahi ni Brando!
"No guys." sabat ng tagalinis. "Yung buhok nya, god, slick back! OMG!"
Sus. Napailing na lang ako at napahawak sa sintido ko. Parang gusto kong kunin ang sandok ko at pagpepektusan sila.
"FYI guys." singit ni Brando. "Yung abs nya. Walang duda. Yun ang perfect sa kanya."
Nak ng tupa. Salubong na salubong na talaga ang kilay ko sa mga pinagsasabi nila. Akala ko ba galit sila? Eh bat parang pinupuri nila?
BINABASA MO ANG
THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)
General FictionOras na para ang mga lalaki naman ang ma-batter. Lagi na lang mga babae ang nagkaka-black eye at nasasabunutan. Joke! Haha! Paalala: Hindi ginawa tong storyang to para ispoof ang karamihan sa mga storya ngayon tungkol sa Battered Wife. The word "Bat...