Gideon's POV
Di ako masyadong nakatulog kakaisip sa nangyari sa amin ni Contessa kagabi. Bukod dun, hiyang hiya pa ko kay Seth. Akalain nyo? Nakiusap ako ng isang karumaldumal na bagay?!
Walanjo! hampas ko sa noo. Para akong lasing!!
Tumunog na ang alarm kaya awtomatikong nagising si Contessa. She opened her eyes and I instantly met them.
"Good Morning Mahal!" bati ko ngunit bumalik sya sa pagtaklob ng kumot sa mukha. Halos madurog ang puso ko sa ginawa nya.
"Contessa naman eh.." yakap at halik ko sa ulo nyang balot na balot ng kumot. "Sorry naaa.. babawi ako, pramis.." dugtong ko pero nanatili syang nakataklob.
Napabuntong hininga na lang ako hanggang sa makaisip ng paraan. Sinundot ko ang tagiliran ni Contessa dahil alam kong dun sya bibigay.
"Gideon!" saway nya sabay bangon.
"Kaw kasi eh, di mo ko pinapansin!" pahayag ko sabay sundot ulit.
"Sige! Isa pa!" panakot nya ngunit sinundot ko pa din.
"I hate you!" hiyaw nya.
"I hate you pala ha!!" sagot ko sabay kiliti na sa magkabilang bewang nya. Tawa na sya ng tawa at di na makahinga.
"Stop!! Joke lang! Papansinin na kita!!" tili nya sa wakas kaya tinigilan ko na.
"And?" seryoso kong titig sa mga mata nya.
"And I take back what I said." aniya sabay titig din sa mga mata ko. She traced my nose and cheeks with her fingers too.
"I love you so much. Mahal na mahal.." bulong nya kaya napangiti ako.
Lumapit ako at humalik sa labi nya.
"Ako din. mahal na mahal..." sambit ko. We kissed and the alarm rang again. Natauhan kami at nagmadaling kumilos para sa pagpasok sa trabaho.
Mag-syota pa lang kami ni Contessa, nakapagpatayo na kami ng isang restaurant. It started out as simple but it grew into fine dining.
Dati pareho kaming pumapasok. I do the cooking while Contessa do the baking. Im the executive chef while Contessa is the Pastry Chef and master of creating Patisserie.
Two months ago she stopped working at the restaurant and instead, she decided to bake at home. Pinipick up na lang ang mga gawa nya at dinedeliver sa restaurant. Also, tumatanggap na din siya ng online orders.
Bakit nya ginawa yon? Sabi nya hinahanda daw nya ang sarili nya sa pagiging housewife. Aww ang cute hindi ba?
"Oh mag-ingat sa apoy, always keep the kitchen clean and most of all--
"
"Wag sasama sa mga gimik ni Seth!" sabat ko. "Alam ko na yan Mahal!" pisil ko sa ilong nya.
"Masisisi mo ba ko? Galaero kasi yang kaibigan mo!" sipat nya kaya nangisi ako.
Paanong hindi magiging galaero si Seth? Seth is a runaway rich kid. His family owns this large Oil Company. Sa sobrang katigasan ng ulo, naglayas.
Ang sabi nya, Ang hirap maging mayaman. Ano daw? Mahirap na mayaman?
I met Seth in my last year of College. Kasama ang grupo ng Food Critics, they tried to rate my restaurant and Seth is their photographer there.
BINABASA MO ANG
THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)
General FictionOras na para ang mga lalaki naman ang ma-batter. Lagi na lang mga babae ang nagkaka-black eye at nasasabunutan. Joke! Haha! Paalala: Hindi ginawa tong storyang to para ispoof ang karamihan sa mga storya ngayon tungkol sa Battered Wife. The word "Bat...