CHAPTER 6

57.1K 1.7K 127
                                    

Chapter 6





Cassidy Pov

Nang gabing iyon hindi ko alam kung papaano ako nakarating sa bahay. Lutang akong nakarating sa bahay at hindi ko nararamdamaan ang mga paa ko nang makarating ako. Sanhi sa sobrang takot at kaba. Nataranta ako. Nagpanic ako nang marinig ko na paparating na ang mga pulis doon dahil may nangyayaring transaksyon ng droga. Tapos iyong dala ko pa pala ay droga pala iyon.

Alam ko na naman na hindi talaga mabuti ang kutob sa mga nangyari nang gabing iyon pero ipinagpatuloy ko pa rin. Nasilaw ako sa laki ng tip kaya ako tumuka agad. Pero tingnan mo na ang nangyayari sa akin. Dalawang araw na simula nang mangyari ang insidinting iyon pero hanggang ngayon nandidito pa rin ang takot at kaba ko.

Ultimo paglabas ko nang bahay at pagpasok ko sa trabaho ay kinakabahan na ako. Nababaliw na ata ko dahil pakiramdam ko parang mga mata na nakasunod sa mga ginagawa ko. Iwan ko kung meron ba o sadyang paranoid na ako.

Kinabukasan matapos ang insidinting iyon ay binalita agad sa TV na may nangyaring sunog sa Black Spade at doon pa talaga sa top floor ang nasunog. Masama na kung masama pero ipinagdadasal ko na sana kasali na ang lalaking iyon sa nasunog. Dahil kung hindi baka magsumbong iyon sa pulis tapos hulihin ako.

Napailing ako sa naiisip ko. Magtatrabaho naman ako nang maayos tapos magagaya pa ako sa tatay ko? Si Justin naman ay walang kaalam alam sa nangyari kung ano ang nangyari sa akin nang gabing iyon.

"Cass, okay ka ba talaga?"

Napaigtad ako nang hawakan ni Raven ang kamay ko na nasa mesa. Inaya niya akong magkape ngayon at sumama naman ako sa kanya dahil pakiramdam ko kailangan ko ring lumabas. Pulis si Raven at kinakabahan din ako dahil baka may naka-disguise na mga pulis din sa paligid at bigla akong hulihin kapag may nasabi lang akong mali. Ninenerbyos na talaga ako.

"O-oo... ayos lang ako, Raven." sagot ko sa kanya saka binawi ang kamay ko.

Tumayo ako. Napasunod naman ang mata ni Raven sa akin.

"Uuwi ka na?"

Ilang beses akong tumango sa kanya at isinukbit ko na ang bag ko. Didiretso na ako sa bar.

"Ihahatid na kita." alok niya sa akin.

"Hindi na Raven kaya ko na... saka malapit lang naman ang bar mula dito."

Tipid niya akong binigyan ng ngiti. "Okay."

"Sige alis na ako at salamat ulit sa pagpapahiram n'ong jacket mo."

Isinuli ko na rin kasi sa kanya iyong jacket niya dati na nadala ko sa bahay. Pagdating sa bar ay nagkita kami ni Justin pero di kami nakapag-usap. Ayaw ko kasi na magtanong siya sa akin. Kung bakit ako nawala ng gabing iyon bigla. Siguro di rin ako hinanap ng boss nila dahil sa nangyari. Buong oras sa trabaho ko ay nagawa ko naman ng maayos trabaho ko kahit na lumilipad ang utak ko.

"Cass," paglabas ko sa bar ay may humawak sa braso ko.

Napalingon ako at nakita ko si Justin. Binitawan niya ang braso ko.

"Nag-alala ako sayo. Di kasi kita mahanap noong linggo sa Black Spade tapos nagkasunog pa. Akala ko may nangyari nang masama sayo."

Napatingin ako sa sementong kinatatayuan namin.

"Justin, talaga bang server lang trabaho mo nang gabing iyon?"

Kinunutan ako ng noo ni Justin.

 The Mafia Lord's Pet|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon