CHAPTER 3

75.6K 2.1K 790
                                    

Chapter 3


Cassidy Pov

Ang kamay ko na nangangatal ay kanina ko pa pinipigilang sampalin ang pagmumukha ni Tyson. Matatalas na tingin ang binibigay ko sa kanya at siya naman ay malalamig na sinusuklian ang mga titig ko sa kanya.  Humakbang siya papalapit sa akin pero ako ay nanatili na kinatatayuan ko. Natatakot ako. Kumakalog ang kalamnan ko dahil sa takot ko kay Tyson pero di ako nagpatinag. Alam ko kung ano ang kaya niyang gawin. Alam ko kung gaano ka laki ang kapangyarihan niya kumpara sa akin. Alam ko kung ano ang pwede niyang gawin gamit ang di mabilang na pera niya para sa lang sa mga anak ko pero sa abot sa makakaya ko di ko pababayaan ang mga anak ko.

Okay na. Ayos na. Ayos na kami nang mga anak ko dito. Nabuhay na kami dito ng payak. Tahimik. Walang gulo at malayong-malayo sa buhay na mayroon siya. Ayaw ko na lumaki ang anak ko sa parehong paligid niya. Ayaw kongumaki ang anak ko na kagaya sa kanya. Pero bakit ngayon na ayos na ako. At nagagawa ko nang maging masaya nang walang inaalala ay nandidito na naman siya. Bakit ba lagi akong hinahabol ng takot ko? Ngunit talaga bang ayos na ako? O nagpapanggap na naman akong ayos lang.

"Cass..." ulat niya at hinawakan ang balikat ko pero agad akong napaigtad sa paglapat ng kamay niya sa akin.

Napaatras ako at napahawak sa lamesa sa likod ko. Hindi pa rin nawawala ang takot at kaba ko sa mga kamay niya. Tumulo ang luha ko sa di inaasahang pagkakataon. Sa anim na taon na hindi ko siya nakita akala ko nawala na lahat ng pasakit na hinigay niya sa akin. Akala ko maayos na ako. Lahat pala ng mga iyon ay akala ko lang. Iyong matapang na ako. Iyong masayahin na ako. Iyong walang inaalala na ako. Lahat ng iyon ay patikim lang pala sa akin. Nanginginig pa rin ako sa mga hawak niya. Inilayo ni Tyson ang kamay niya sa akin nang makita niya ang gulat at takot ko doon.

"U-umalis ka na." Ulit ko na naman.

"I said I will not." Malalim niyang saad.

"Tyson. Pakiusap ayos na ako. Ayos na ako sa mga anak ko. Pakiusap lumayo ka na. Hindi... hindi kita kailangan. Hindi ka kailangan ng mga anak ko."  Nakikiusap kong wika sa kanya. Pinalis ko ang luha sa mga mata ko.


"I'm not fine with it, Cass. What will you do if I'm not fine with it?" Sabi niya sa di nagbabagong tinig. Iyong boses niya na parang walang paki sa paligid niya. Sarili niya pa rin ang iniisip niya. Makasarili ka pa rin Tyson. Sa mga nagdaang taon di ka pa rin nagbabago. Kagaya ng mukha niya ang ugali rin niya ay di nagbago.


"Nakalimutan mo na ba sinabi mo noon sa akin na ipakuha ang bata sa tiyan ko? Kung pinakuha ko iyon? May tatlong bata kaya akong kasama ngayon? May pupuntahan ka kaya ngayon dito?"


"I knew my mistake. I'm not thinking right when I said it to you six years ago. I'm startled. I don't know what to do. I don't know that you're a bearer that shocked me then you said that you're pregnant. I cannot accept it-"


"Eh, anong ginagawa mo dito ngayon? Bakit nandidito ka sa harapan ko kung di mo pala matanggap Tyson Maranzano?!" Patuloy ko sa kanya ko kanyang sinabi.


"I regreted. I regret why I said those things."

I bitterly laugh at his foolishness.

"It's too late, Tyson. Your regrets was way too late. It took you six years to finally realized your actions." I said and turn my back to pick up the glasses of milk for my babies.

"I don't want to forced you Cass pero kung ganito ka hindi ako titingin lang at walang gagawin. I also want my children."

Muli kong nailapag ang tray ng gatas sa mesa nang marinig ko ang sinabi niya. Hinarap ko ulit siya.

 The Mafia Lord's Pet|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon