Dedicated to: alvinkhier
____________________________Chapter 27
Cassidy Pov
"Pumayag ka?!" Pasigaw na tanong ni Owell sa akin matapos kong ikuwento sa kanya ang naging usapan ni Tyson noong nakaraang linggo.
"Kaibigan lang naman, Owell. Saka wala naman sigurong masama doon." saad ko sa kanyang habang nagkukusot sa damit.
Nandito kaming dalawa ni Owell sa likod ng bahay at naglalaba. Ang mga bata ay nanonood lang ng palabas sa sala. Nakagawian ko na nanaglalaba tuwing sabado dahil sa linggo sa simbahan kami at bonding na rin. At ngayon tinulungan ako ni Owell dahil medyo marami-rami ang labahan ko ngayon.
At sa paglalaba namin ay nakwento ko sa kanya iyong usapan namin ni Tyson pati na rin iyong paghingi ng tawad ni Tyson sa akin. Talagang nagulat ako doon. Hindi ko inaasahan ang paghingi ni Tyson ng tawad sa akin. Sa oras na iyon parang ibang Tyson ang kaharap ko, ang yumakap sa akin. Ramdam ko kasi ang tapat niya. Ang taos-puso niyang paghingi ng tawad sa akin.
Simula rin n'ong araw na iyon tuwing sinusundo niya ang mga bata dito sa bahay ay bumabati na siya sa akin. Binabati na niya ako ng may ngiti sa labi niya kahit na may pag-aalinlangan iyon. Nagpapaalam na siya kapag aalis siya. Kumakataok na siya sa pintuan kapag papasok siya sa bahay. At inaalok niya rin ako nang sakay patungo sa trabaho ko pero tinatanggihan ko. At kahit na lagi siyang nakakatanggap ng tanggi sa akin tuwing inaalok niya ako. Araw-araw pa rin niya akong inaalok kapag nahatid na namin ang mga bata sa school.
"Ihatid na kita sa trabaho mo." Ganyan lagi ang saad niya sa akin kapag nakababa na kami ng mga bata sa kotse niya.
"Hindi na. Salamat." At lagi namang ganyan ang nakukuha niyang sagot sa akin.
Nakakapanibago. Nakakabigla ang pag iba ng pakikitungo ni Tyson sa akin. Siguro dahil sinabi niya sa akin na pwede ba kaming maging kaibigan at pinayagan ko naman siya kaya siguro ganoon na ang pakikitungo niya sa akin.
Lagi pa rin siyang tahimik. Ang ugali niya talaga at ang pakikitungo sa akin ang sa tingin ko ay sobrang nagbago. Sa mga bata naman ay sinasali na siya sa mga kwento nito. Si Zenver talaga ang masasabi ko na close na niya. Umuupo na kasi si Zenver sa hita niya at kinikwentuhan siya nito. Tapos sinasali naman ni Zenver ang dalawa niyang kapatid na tumatango lang. Mukhang mahihirapan talaga si Tyson kina Zyrho at Zhuri matigas kasi ang ulo ni Zhuri at hindi madaling naniniwala. Si Zyrho naman nagmana kay Tyson kaya dapat intindihin ni Tyson ang anak niyang iyon.
"Alam mo ba kung ano ang kasunod n'yan Cass?" Biglang tanong sa akin ni Owell.
"Anong kasunod?" Takang tanong ko sa kanya.
Napatigil siya sa b-brush sa isang pantalon at pairap na tumingin sa akin. Nilagay niya sa kanyang magkabilang tuhod ang kanyang kamay.
"Ano ka ba Cass. Hindi mo talaga G?"
"Ang alin ba?"
"Ayst! Syempre ngayon gusto kang maging kaibigan n'yang si Maranzano-"
"O, tapos?" Pagpuputol ko sa kanya.
"Ayst! Sympre sunod n'yan gusto ka nang maging nobyo! O baka diretso asawa na. Kasal na." sagot niya at kinuha ang brush na ginamit kanina at bumalik sa ginawa.
Ako naman ang napatigil at napatingin kay Owell na parang galit na nagb-brush doon sa pantalon.
"Posible ba 'yan?" Nausal ko.
BINABASA MO ANG
The Mafia Lord's Pet|✔
Romance[BxB | MPREG | R18] 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗘𝘁𝗹𝘂𝘅 𝗢𝗖 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗰. Cassidy: I love him but it's not enough for me to be a martyr. Tyson: I don't love him but why am I chasing after him? *** One rendezvous and abysmal nig...