CHAPTER 43

39.3K 1.3K 131
                                    

Chapter 43


Cassidy Pov

"E, putang inang ama pala iyon, e. Dapat sana sinabi mo sa akin na ganoon ang nangyari Cass para naman mamura at makatikim sa akin ang matandang iyon!" nag-aalburutong untag ni Owell matapos kong i-kwento sa kanya ang buong nangyari doon sa beach house ni Tyson.

It's been two days since we left in Tyson's beach house without his knowledge. Oo. Nakita nga kami ni Pike na umalis sa bahay but we were not able to talk to one another even sila ni Owell ay di sila nakapag-usap dahil konting galaw lang ni Pike noong oras na iyon ay idini-diin ang muzzle noong baril sa kanyang sentido.

It was really scary and traumatizing. Hindi ko alam kung papaano ko maiaalis sa mga utak ng mga anak ko ang mga ganoong senaryo. Ang babata pa nila para makakita ng ganoong klaseng bagay. Ang bata pa nila para makaranas ng mga ganitong klaseng bagay. Noong in-ambush kami saksi rin ang mga bata. Noong may sumugod sa bahay ni Tyson nandun din sila. Tapos noong isang araw nakita nila ang Papa Pike nila at ang mga big kuya nila na may nakatutok na baril sa mga ulo nito at nakadapa sa lupa.

Zen and Zhuri was silently crying because they were worried and scared for their Papa Pike at sa mga big kuya nila. They keep on begging and telling me na magsumbong sa daddy nila but I cannot. I don't want to put my angels life on stake. And while Zen and Zhuri was begging me, I saw how Zyhro throw hateful and deadful stare at Senior Enrico's men in black. I was afraid that Zyrho would be like Tyson... before. I don't want Zyrho to grow up and instill hatred in his head and heart but I saw the other day. It was like I saw Tyson in his eyes. It was like I was looking at mini Tyson. I didn't saw fear, nervousness nor  shock in his eyes. It was like he already know what was happening around him.

Siguro di ko na talaga mapipigilan iyon. Nananalaytay sa dugo ni Zyrho ang dugo ni Tyson. At noon paman alam ko nang iba si Zyrho sa mga magkakapatid. Noon pa man nakikita ko na si Tyson sa kanya. The way he act and behave was like his daddy—his father, Tyson. Ang kinakatakutan ko lang ay ang lumaki siyang kagaya sa daddy niya noon.

Kung hindi ko nga siya sinabihan na susundan kami ng daddy niya dito sa Palawan ay di nawala ang galit sa mga mata niya. I also assure him na walang gagawing masama ang mga taong nakita nila sa kanilang papa Pike at mga big kuya nila.

"Wala tayong laban doon, Owell. Saka, iyong... i-iyong mga anak ko. Ayaw kung isugal ang buhay nila. A-alam mo naman Owell n-na sila ang buhay k-ko. A-ayaw kong m-may mangyaring masama sa kanila, Owell." nangatal ang labi ko saka sunod na tumulo ang mga luha ko.

Sa dalawang araw na nandidito kami sa Palawan kung nasaan sila Auntie Tanya ay wala akong ginawa kung hindi ang magdasal at umiyak. Laking pasasalamat ko lang na laging inaakupa nina Aileen at Gretel ang mga anak ko dahilan na di nila ako nakikitang umiiyak. Sa dalawang araw na walang Tyson sa tabi ko ay di ako masyadong nakakatulog. Nagigising ako sa konting kaluskos at na-aalerto sa mga dumadating dito.

I really miss him. I really really miss my love. I feel like every hour that passed was like a month. Halos mabaliw na ako kakaisip kay Tyson. Ewan ko. Pinapatay yata ako sa mga oras na lumilipas na di ko siya nakikita.

"Papaano si Tyson, Cass?" natanong Owell.

Napahilamos ako sa mukha ko at humagulhol na naman. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko saka doon ako umiyak nang umiyak. I was hoping na makita niya ang sulat ko sa bedside table namin at ang telepono ko na may recording doon.

I left a note and a recording for him. This time, umalis ako sa bahay niya pero nag-iwan ako nang sulat at recording. Nilagay ko sa sulat ko kung saan kami ngayon at sinulat ko rin doon na sana pakinggan niya ang recording ko doon bago siya magalit sa ginawa kong desisyon. Doon sa recording sinabi ko na sa kanya lahat ng gusto kong sabihin. Binuhos ko na lahat ng mga salitang mahal at importante doon. I just hope and pray na makita niya ang sulat at mapakinggan niya ang recording ko. Sana.

 The Mafia Lord's Pet|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon