Chapter 44
Cassidy Pov
"Dammit, love! What the hell are you wearing!" Ang unang mga salitang binitawan ni Tyson matapos di kami magkita ng halos apat na araw. Talagang ang suot kong army green na loose t-shirt at short shorts ko pa ang pinuna niya.
Alam kong manipis ang suot kong damit ngayon. Alam kong barefooted akong tumakbo dito sa helipad pero di ako nakaramdam ng lamig sa katawan, hindi rin ako nakaramdam ng sakit sa paa ko nang tumakbo ako dito. Mas nag-uupaw sa puso ko ang galak at pananabik sa kanyang pagsunod dito.
I flinched when Tyson held my arms and rubbed his rough and warm hands there.
"Fuck! Are you feeling cold, love?" tanong niya sa akin.
Napahikbi ako at tinapon ko ang katawan ko sa kanya. Napaungol siya sa biglaang pagyakap ko at puwersa pero agad niya namang niyakap ang kamay sa baywang ko. I tiptoed para lang mayakap ko siya. And as if he knows na nahihirapan ako because of our big difference in height, he lowered his body.
I put my face on the nook of his neck and wailed.
"Love," nanlalambing na saad ni Tyson at itutulak sana ako kaso hinigpitan ko ang pagkakayakap ng kamay ko sa leeg niya. I tightly locked my arms around neck.
"Love, please stop crying," he begged, but I sobbed even more.
He murmurs some curses and rubs my back.
After a minute or so ay bumitaw na rin ako sa pagkakayakap sa kanya at aabutin ko na sana ang pisngi niya kaso nilingon niya si Nico sa tabi na naka-post doon kasama ang iilang mga tauhan ni Tyson na may kanya-kanyang dalang armas.
"Nico," tawag ni Tyson kay Nico at agad namang lumapit si Nico kay Tyson.
Patuloy sa pag-agos ang luha ko dahil mukhang wala lang kay Tyson na umalis kami doon sa bahay niya na walang paalam. Hindi niya ba ako na-miss? Ang mga anak namin? Galit ba siya?
"Don," si Nico. Tumingin si Nico sa akin at tipid akong nginitian. Hindi ko magawang ngumiti at patuloy lang sa pag-iyak. Ewan ko naging iyakin na ako ng sobra.
"Take off your coat and give it to me, as well as your socks." Utos ni Tyson na walang pag-aalinlangan namang sinunod ni Nico.
Natira kay Nico ang manipis niyang long sleeves na puti tapos iyong medyas niya ay binigay niya rin kay Tyson.
Bumalik si Nate sa puwesto niya at muli akong binalingan ni Tyson. Tinitigan niya ako sa mukha ng ilang saglit at walang imik na pinasuot sa akin ang coat ni Nico. Nang masuot ko iyong coat ni Nico na malaki sa akin ay wala imik na naman siyang umupo at inangat ang paa ko para maisuot sa akin ang medyas ni Nico na obvious na malaki rin sa paa ko.
Mapahawak ako sa umiigting niyang balikat. Yumuko ako at sunod-sunod na luha ang nagsilabasan sa mga mata ko habang tinitingnan ko siya.
"H-hindi mo ako na-miss?" mahina kong usal at napatigil si Tyson sa pagpapa-suot sa akin noong medyas. Pero kalaunan ay tahimik siyang nagpatuloy doon.
Inangat ni Tyson ang ulo niya sa akin habang naka-upo pa rin siya doon sa harap ko.
"You didn't miss me... us," I said, and I wiped my tears.
BINABASA MO ANG
The Mafia Lord's Pet|✔
Romance[BxB | MPREG | R18] 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗘𝘁𝗹𝘂𝘅 𝗢𝗖 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗰. Cassidy: I love him but it's not enough for me to be a martyr. Tyson: I don't love him but why am I chasing after him? *** One rendezvous and abysmal nig...