CHAPTER 35

54.4K 1.6K 394
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


The Maranzano Triplets. <3

___________________________________________________________________________________

Chapter 35





Cassidy Pov

Sa halos isang buwan naming pananatili dito sa bahay ni Tyson ay nakasanayan ko na na magising na katabi si Tyson at ang mga anak namin. Minsan katabi si Tyson. Minsan si Zyrho naman ang katabi ni Tyson. Ewan ko sa mga bata kahit na may mga kanya-kanya silang mga kwarto ay gusto nila doon sa kama ni Tyson. Sa mga gabing nasa iisang kama kami ni Tyson at kahit na magkatabi kami. Napansin ko na di na ako nakakaramdam ng takot. Di na ako nakakaramdam ng panginginig. Wala na ang pangamba ko. Sa katunayan nga ay kalmado na ako. Naging panatag na ang loob ko kahit na nandyan sa tabi ko si Tyson.

Kaya ko siguro nararamdaman iyon kasi nasanay na ako. At nakikita ko naman dito sa bahay na kahit na nandodoon pa rin sa mukha ni Tyson ang pagkaseryoso at parang laging galit ay kalmado na siya. Hindi na siya iyong Tyson na nakilala ko na mainitin ang ulo at madaling magalit. Naging pasensyoso na si Tyson.

Idagdag pa iyong mga kwento sa akin nina Nate at Nico tungkol kay Tyson. Ewan ko pero humanga ako doon. Akala ko lang kasi puro lang siya kasamaan. Iyon kasi ang unang impression ko sa kanya. Kasi naman hindi maganda ang first encounter naming dalawa. Tapos kinidnap pa ako. Noon nga na hindi mabuti sa akin si Tyson at tanging sa kama lang niya ako naalala o di kaya'y gusto niyang galawin ako saka lang kami nagkakasama at sa mga ganoong pangyayari nagiging maayos ang pakikitungo niya sa akin. Tumibok pa rin ang puso ko sa kanya kahit na ganoon ang turing niya sa akin. Hinayaan ko noon ang sarili ko na mahulog sa kanya sa kabila no'n.

At ngayon, nandidito na naman ako. Nandidito na naman ako sa nararamdaman ko kay Tyson. Nahuhulog na naman ako-hindi mas nahulog pala ako. Iyan pala ang tama. Kasi noong nahulog ako sa kanya noon di na naman ako naka-ahon doon. Tapos ngayon mas lumalim na ang pagkahulog ko.

 The Mafia Lord's Pet|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon