CHAPTER 33

53.3K 1.8K 325
                                    

Dedicated to: UndeniablyHuman
___________________________________

Chapter 33




Cassidy Pov

"Yehey!!" sigaw nilang tatlo. Si Zhuri at Zen ay di mapigilang magtalon-talon doon sa malaking kama ni Tyson habang si Zyrho naman ay malapad ang ngiti sa ama na nakaupo ngayon sa kanyang wheelchair.

"S-sigurado ka ba Tyson? May... pagkakulit ang mga bata. Tapos ikaw kailangan ng pahinga lalo ng paa mo." wika ko sa likod ni Tyson.

Ako kasi ang nagtutulak sa kanyang wheelchair at nasa likod niya ako ngayon.

He turned his head on my direction, craning his neck to see me. He flashed a smile.

Napalunok ako at iniling ko ang ulo ko. Naalala ko na naman kasi ang nangyari kanina sa CR. Kung paano sumagi ang daliri ko sa umbok niya. Naman. Kung makaasta ako ay parang teenager. Para namang di... di ko iyon nahawakan dati.

Kaso matagal na iyon.

Natikman mo pa nga.

Mga bulong sa utak ko.

Napailing-iling ulit ako sa ulo ko dahil sa mga pumapasok na kung ano-ano doon.


"It's okay. Mabuti nga na nandidito kayo ng mga anak natin, Cass. I feel relieved and at the same time happy because we're in one roof." saad niya sa akin.

"P-p-pero iniisip ko ang pag-aaral nila Tyson..."

"They can attend a homeschooling program.That's the best option we can acquire for our children now, Cass. I didn't know who was behind the ambush, and I also didn't know who was behind the recent incident. So it is much safer when you are here with our children. I hope you understand me, Cass." saad ni Tyson at biglang hinawakan ang kamay ko na nakahawak doon sa tulakan ng kanyang wheelchair.

Hilaw akong ngumiti kay Tyson saka mabilis kong binawi ang kamay ko. Ngumiti naman siya sa akin na di kita ang kanyang ngipin.

Umamin na sa akin si Tyson. Sinabi na niya sa akin na... mahal niya ako. Humingi na rin siya ng tawad sa akin. Tinanggap ko na ang mga apologies. Tinanggap ko na siya sa buhay ko-sa buhay namin ng mga anak ko. Dahan-dahan ko ng natatanggap na ito na talaga ang magiging buhay ko-namin. Si Tyson ang ama ng nga anak ko. Di ko siya maiiwasan. Tulad na lang ngayon. Gusto ng mga bata na dito na muna sila kasi gusto nilang makita at maalagaan ang ama. Ora-orada naman na pumayag si Tyson sa sinabi ng mga bata.

Tanggap ko na nabibilang talaga si Tyson sa buhay ko. Siguro nga noon nakaalis ako sa dati niyang bahay. Nakatakas ako sa demonyong si Tyson noon. Pero may iniwan naman siya sa akin na magkokonekta ng mga buhay namin ulit. Akala ko noon di ko na siya makikita. Akala ko malaya na ako. Akala ko tapos na. Akala ko wala ng Tyson Greg Maranzano na papasok ulit sa buhay ko. Ngunit nandidito na naman ako. Nandidito na naman ulit si Tyson sa buhay ko. At ngayon kasama na sa buhay namin ang mga anak namin. Di na lang siya at ako dahil may nga anak na kami. At ito nga ako nirarason ang mga bata. Ginagawang rason ang sitwasyon namin para may ipangdahilan ako kung bakit tinanggap ko ulit si Tyson. Ginawa kong rason ang sitwasyon namin para ipangdahilan kung bakit ko tinanggap ang mga paghingi ng tawad sa akin ni Tyson. Pero itong nararamdaman ko ang pwede bang irason ko bang idiin dito ang sitwasyon namin? Sa nararamdaman ko ngayon kay Tyson na unti-unting nabubuhay ulit irarason ko pa rin ba ang nga anak namin? Itong nararamdaman ko kay Tyson ngayon... ayaw ko. Di ko ito gusto. Ayaw ko na. Ayaw ko nang bumalik pa sa dati. Pero anong magagawa ko? Anong magagawa ko kung di ko naman mapipigilan? Tapos ito. Titira pa kami sa iisang bahay.

 The Mafia Lord's Pet|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon