Chapter 1
Cassidy Pov
"Papadad, papadad, please wake uupppp." wika ng isang boses na araw-araw kong naririnig at kasabay nun ang pagyugyog sa tiyan ko.
"You shut up. Can't you see papadad's sleeping wait til he wake up. Such a baby." sunod kong narinig ang pag-alma ng isang batang boses pero kung makapagsalita ay parang kilaki-laking tao.
"Then why you two shut your mouth. You're wakening papadad." napangiti ako ng marinig ko ang boses ng prinsesa ko.
Sanay na ako na ganito ka iingay ang mga bubwit ko. Para silang alarm clock ko araw-araw. Nagigising kasi sa kaingayan nilang tatlo. Umagang-umaga ay nagpapalitan na silang tatlo ng mga salita. Nauuna naman kasi silang nagigising sa akin.
"Ohhmm," umungol ako at pina artehan ko iyon na para bang nagising talaga ako sa kaingayan nila. Kanina pa naman gising ang diwa ko pero hindi pa ako gumigising sa sobrang pagod ng katawan ko.
"Oww! Look papadad is awake!" maarte namang saad ng pangalawang lalaki ko. "Papadad?" puno niya pa.
"You know what kuya if you want to pee then pee in the comfort room. You're a big boy na." wika ng babae kong anak.
"But I want papadad." narinig ko ang ingos nitong anak ko. "But I'm not peeing anyway."
"What the hell!!! Will-"
"Oppss, gising na ako. GOOD MORNING mga babies!" anang ko kaagad bago pa matapos ng panganay ko ang sasabihin niya. Mahabagin! Ang lakas ng magmura ng anak ko sa edad niyang limang taon. Nakaka-istress na.
Hindi ko naman alam kung saan niya natututunan ang magmura ng ganyan. Dahil sa school alam ko namang hindi nagtuturo ang guro nila na magmura sila. Well, dito sa bahay may mga mura nga dahil sa kasama ko dito pero hindi ingles at hindi rin namin pinaparinig sa bata. Pero itong panganay ko makakaanak ata ako dahil sa murang edad niya ay nagmumura na.
"WAAHHHHH!!!! PAPADAD!" sabay nilang sigaw saka ako inatake ng yakap at halik. Napangiti ako. Ganito naman sila araw-araw pero hindi talaga ako nagsasawa. Makukulit, maiingay, masusungit, may mataray, may seryoso at matatalino ang mga anak ko kahit na ganyan sila mahal na mahal ko ang mga ito. Sila ang tunay kong kayamanan sa mundong ito. Hindi ko mai-imagine ang buhay ko kung wala sila. Kaya wala akong pagsisi kahit kailan na hindi ko sila pina-abort noon. Ang mga anghel na ito ang magbigay ng panibagong buhay sa akin. Kumayod ako ng husto para sa kanila para mabuhay ko silang tatlo kahit na mag-isa lang ako.
"Wahhh, uhuhuhuhuhu..." agad na umalis ang kamay ng dalawang lalaki kong anak sa akin ng marinig nila ang iyak ng kapatid nila.
"What are you acting for?" tamad na wika ng panganay ko sabay ikot sa mata niyang kagaya sa ama niya.
"Look kuya papadad is crying because we choke him." turo pa ng prinsesa ko sa akin.
Napahawak naman ako sa pisngi ko. Ako man ay nagulat din ng basa nga ang pisngi ko dahil sa luha. Di ko man lang namalayan ang pagtulo ng luha ko.
"Oh my!" maarteng anang ng pangalawa ko.
"Are... are you okay, papadad? Did we really choke you?" tanong ng panganay ko.
Pinunasan ko ang luha ko saka ngumiti sa kanila. Naka-frog sit silang tatlo sa harap ko. "Masaya lang si papa saka hindi n'yo ako nasakal."
Si Zyrho na panganay ko ay bumuntong hininga na parang alam niya na iyong sasabihin ko. Ang sumunod naman sa kanya na si Zenver ay maarteng ngumuso. Samantalang ang pinakabunso at nag-iisang prinsesa sa kanila na si Zhuri ay nagpupunas ng kanyang luha. Akmang tutulungan ko si Zhuri punasan ang luha niya ng tulungan siya ni Zenver at Zyrho na punasan ang luha ng kapatid nila. Nag-aaway, nag-aagawan sa laruan, at nagbabangayan silang tatlo pero ramdam mo iyong bond nilang tatlo. Iyong pagmamahal nila sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
The Mafia Lord's Pet|✔
Romance[BxB | MPREG | R18] 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗘𝘁𝗹𝘂𝘅 𝗢𝗖 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗰. Cassidy: I love him but it's not enough for me to be a martyr. Tyson: I don't love him but why am I chasing after him? *** One rendezvous and abysmal nig...