CHAPTER 37

50.7K 1.5K 506
                                    

This chapter is dedicated to all my reader/s. Enjoy reading everyone! 🥰😘
_______________________________________

Chapter 37

Cassidy Pov

"Hello po, Auntie." Nanggilid ang luha ko nang makita ko si Auntie Tanya sa screen ng cell phone. Si Auntie naman ay agad na umiyak nang makita ako. Kinaway- kaway ni auntie ang kanyang kamay sa screen habang umaagos ang luha niya.

Hindi maganda ang relasyon namin noon ni Auntie Tanya at ng mga pinsan ko. Pero mahal ko pa rin sila at sila nalang iyong natitirang pamilya ko dito sa mundo maliban sa sarili kong pamilya. Noong nasa Sagada ako ay di ko rin maiwasang di sila alalahanin. Akala ko talaga ay lumipad sila sa ibang bansa dahil may afam nga si Aileen.

Di ko lubos maisip na magagawa ni Raven ito sa akin, sa pamilya ko. Akala ko noon ang bait niya. Akala ko iba siya iyon pala ay lilinlangin lang din ako. Siya pala ang may pasimuno noong sunog sa presinto. Siya ang dahilan kung bakit wala na ang tatay ko. Tapos muntik pang madamay sina auntie Tanya sa kanyang kabaliwan. Atsaka talaga namang naloko niya ako. Nauwi pa iyon sa pagkamuhi ni Tyson sa akin.

"Cassidy, miss na miss na kita pamangkin." Patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ni auntie kaya pati ako ay naiyak na rin.

Nanikip ang dibdib ko sa pangungulila ko kay Auntie.

"Miss na miss na rin kita auntie at pati na po sina Gretel at Aileen."

Humingos si Auntie.

"Ayos ka lang ba dyan sa bahay ni Don? Ang mga apo ako?"

Tumango ako kay Auntie. "Ayos lang po ako dito, auntie. At ang mga anak ko naman po ay maayos lang din."

"Gusto kitang puntahan dyan ngayon, Cass. Gusto kitang mayakap. Miss na miss talaga kita... at si Kuya Travis... pero wala na siya."

"Miss ko na rin po si Tatay, auntie."

"Cassidy, gusto kong humingi ng tawad sayo kasi wala ako sa mga panahon na kailangan mo ako, noong panahon na kailangan mo ng pamilya, masasandalan. Wala ako. Patawarin mo sana ang auntie Cass sa mga pagkukulang ko. At..." napahagulgol si Auntie. "wala ako sa libing ni Kuya. Wala ako sa tabi mo noon Cass. Wala kami. Sana mapatawad mo ako at maintindihan."

"Alam ko po auntie. Alam ko na po ang dahilan kung bakit di kayo nakapunta. Oo po. Inisip ko noon na wala kayong paki sa akin dahil di man lang kayo nagpakita sa libing ni tatay pero ngayon naintindihan ko na auntie. Naiintindihan ko na po lahat."

Humaba ang video call namin ni Auntie. Nagkuwento siya sa buhay niya doon sa Palawan. Sinabi niya rin kung gaano siya ka-thankful kay Tyson. Sa tulong ni Tyson sa kanila at ang pagbigay nito ng pangkabuhayan sa kanila doon. Wala sina Gretel at Aileen dahil nag-aasikaso daw sa mga bisita doon sa resort.

Napalingon ako sa pintuan nang bumukas iyon at nag-uunahan ang mga anak ko sa pagsampa sa kama. Sumunod naman si Tyson na nginitian ako. Gumanti rin ako ng ngiti sa kanya.

"Papadad, sino po siya." napatingin ako kay Zenver na nasa tabi ko na at nakatingin sa screen.

Nakita kong nanlaki ang mata ni Auntie at napatakip sa kanyang bibig gamit ang kanyang kamay.

 The Mafia Lord's Pet|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon