CHAPTER 15

52.2K 1.5K 504
                                    

Chapter 15




Cassidy Pov

Alam ko na naman na naging parausan na ako ni Tyson. Tanggap ko na iyon. Pero gusto ko rin naman ang ginawa ni Tyson sa akin. Di iyon naging labag sa loob ko dahil gusto ko naman. Sa mga ginawa ni Tyson sa akin. Di ko naman naramdaman na isa akong parausan lang. Oo nga't mapusok si Tyson sa akin pero maingat naman siya sa katawan ko-sa akin.

Di ko naramdaman na habang nag-iisang katawan kami ni Tyson na isa ako sa mga puta niya. Di ko naramdaman na isa akong gamit lang na parausan ni Tyson. Cause, I can feel his care when we're having sex even tho' he was rough.

Kung ganoon si Tyson sa nakaraan niya... siguro iba ako? Iwan ko di ko na alam.

Naguguhulan na ako. Sinasabi ko lang ba ito dahil di ko kayang tanggapin na ganoon si Tyson? Dahil ba iniisip ko na mabait parin si Tyson kahit papaano... kaya ayaw itong tanggalin ng utak ko? Iniisip ko lang ba ito dahil... gusto ko na siya?

Nawala saglit ang utak ko. Naging blanko ang utak ko at di ko na alam kung ano ang nangyari sa paligid ko hanggang sa maramdaman ko na lang na may bibig nang naglalakbay sa leeg ko. Doon lang bumalik ang lahat. Bumalik ang lumilipad kong utak dahil doon. Saka ko nakita si Kiert na hinahalikan na ang leeg ko.

Napahawak ako sa balikat ni Kiert at pilit ko siyang tinutulak kaso mas malakas siya kumpara sa akin. Naiiyak ako dahil hindi ko siya magawang itulak gamit ang lakas ko. Pilit kong pumipiglas sa kanya ngunit humigpit lang ang pagkakahawak niya sa akin. Hawak niya ang bibig ko kaya di ako nakasigaw.

Umiimpit na ako dito sa ilalim niya. Hindi ko man lang namalayan na nahiga na pala ako dito.

"Ahhmmpp!!!" gusto kong sumigaw ng saklolo dahil nandidiri ako sa ginagawa ni Kiert sa katawan ko. Nandidiri ako sa ginagawa niya. Hindi ko gusto ang ginagawa niya sa akin.

Tumigil ako sa kakapiglas sa kanya ng maubos na ang lakas ko. Hinayaan ko lang siya sa gagawin niya sa akin habang dumadaloy ang presko kong luha.

Sobra-sobra na ito. Labis na itong pinagdadaanan ko dito. Ayoko na. Kung ito man ang naging kapalit sa kagustuhan kong mabuhay sana pala namatay na lang ako. Sana pinatay na lang ako. Sana mawala na lang ako.

Ang bibig ni Kiert na sana collar ay biglang nawala nang may narinig akong isang hampas. Tunog ng isang katawan na hinampas.

"You're really asking for your death!"

Napatingin ako kay Kiert na nasa ground na at duguan ang gilid ng ulo. Nakaluhod siya doon, hawak ang ulo niyang may dugo. Di ko alam kung papaano siya nakarating doon. Sa tabi ko at nakatayo na si Tyson at nakatutok ang isang M4A1 rifle kay Kiert na nasa ground.

"Don. Kaya pala baliw na baliw ka dyan sa bago mong puta kasi- AHHH!!" naputol si Kiert sa isang sigaw nang biglang barilin ni Tyson ay hita ni Kiert.

Napasiksik ako sa katawan ko doon sa gilid at tinakpan ko ang tainga ko. Mababaliw ako dito. Iniling-iling ko ang ulo ko. Hindi ako magtatagal dito at mababaliw ako.

"You talk so much! I already said, that what's my property is always mine. ALONE! I made myself clear and loud ahead, but you didn't listen. I once forgive you but I'm not generous enough to give you a second chance, fucker!" nagtatagis na ang bagang ni Tyson sa galit. Kahit na nasa likuran na ako at nakaupo ramdam ko ang galit niya. Galit na hindi ko maarok kung hanggang saan.

"G-ganun mo ba ka espesyal iyang binatang iyan sayo Don? Dahil ba magaling din iyan? Dahil ba... URGHH!!!" napatigil ulit si Kiert dahil binaril na naman siya ni Tyson sa balikat niya.

 The Mafia Lord's Pet|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon