Omg! Nag-38k+ na tayo dito guys! Huhuness. Salamat po talaga. Maraming salamat sa mga votes at comments ninyo guys. Binasa ko sila nakaka-motivate. Enjoy Reading po!
__________________Chapter 31
Cassidy Pov
Tyson was murmuring some things, but I could not understand what he was saying. Hindi dahil nagsasalita siya gamit ang ibang lengguwahe. Kung hindi dahil wala ang utak ko sa kanyang mga sinasabi. Ang utak ko ang ay parang naiwan pa doon kanina sa daan. Parang naririnig ko pa sa tainga ko ang mga palitan ng bala ni Tyson sa mga nakasunod sa amin.
Seconds after seconds, ang mga bala na tumatama sa sasakyan ni Tyson. Nararamdamn namin iyon kasi ang lalakas ng impact noon sa sasakyan. Sina Zhu at Zen ay napapayakap na lang sa baywang ko sa tuwing nararamdaman namin ang mga balang tumatama."Try dodging the bullets, son, if you can."
"Yeah, dad."
Humigpit ang pagkakayakap ko kina Zhuri at Zenver nang magsimulang magpagiwang-giwang ang takbo ng kotse namin. Hindi ko magawang iangat ang tingin ko kung ano ang ginagawa ng anak kong si Zyrho kasi natatakot ako. Hindi ko alam kung saan nakukuha ni Zyrho ang kanyang lakas ng loob na manehu-in ang sasakyan habang may nagbabaril sa likod namin. Hindi pa nakakasakay at nakakahawak ng sasakyan si Zyrho hanggang ngayon at di ko alam kung papaano niya ito nalalaman. Puro lang naman siya basa ng libro at nood ng cartoons.
"Dad, there's a curve line ahead where you can aim their car tires along the way." rinig kong saad ni Zyrho sa ama ngunit ako ay nanatiling nakayuko at nakikinig lang sa paligid namin. Nanginginig na pati ang mga kalamnan ko. Para akong sinasakal at nasusuka na ako at nahihilo na rin pero mas iniisip ko ang mga panginginig ng dalawa kong anak na sina Zhuri at Zenver. Kung ganito ang nararamdaman ko ngayon paano na kaya sila?
"P-papadad."
"Papadad, I'm scared. I-i'm scared, Papadad."
Mga bulong nina Zhuri at Zenver. Tanging yakap at halik lang sa noo nila ang nagagawa sa todong panginginig ko na rin. Hindi na ako nakakapagsalita sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung kailangan matatapos ang barilan na ito.
"Thanks, son." Narinig kong saad ni Tyson saka sunod kong narinig ang kasa ng baril.
Sa ilang narinig kong putok ng baril ay may narinig akong malakas na pagsabog. Parang sabog ng isang malaking bagay dahil pati ang sasakyan namin ay umalog.
"Ahhhh!!" sabay na sigaw nina Zhuri at Zen.
"Good aim and timing, Dad. Serve them." ani pa ni Zyrho na parang wala lang sa kanya ang nangyaring pagsabog sa likuran namin. Hindi ko man natonohan ang panginginig kahit konti sa boses ni Zyrho.
"Change lane, son." instruct ni Tyson.
"On it, dad."
Inangat ko nang konti ng ulo ko upang masilip kung ayos lang ba si Zyrho doon sa harap at nakita kong seryoso at may kampante sa mukha ng anak ko at nakikita ko rin na... masaya siya sa ginagawang iyon. Parang sanay na sanay siya doon sa pag-ikot-ikot niya doon sa steering wheel. Nasilip ko rin si Tyson na nakikipagbarilan doon sa kalaban sa likod mula doon sa nakabukas na bintana. Hanggang sa narinig ko na naman ang sunog na pagsabog ng sasakyan sa likuran.
Wala na ang mga anak ko dito sa loob ng sasakyan. Hindi ko namalayan na wala na pala sila. Hindi ko alam kung kusa ba silang lumabas sa sasakyan o binuhat ba sila ni Tyson. At ako naman ay maiwan na mag-isa dito sa sasakyan hindi ko maigalaw ang paa ko. Hindi ko iyon magawang iangat kahit na konti sa lakas ng nanginginig no'n. Nararamdaman ko rin ang nginig sa baba ko at ang walang tigil na kakalabas ng malamig na pawis sa palad ko.
BINABASA MO ANG
The Mafia Lord's Pet|✔
Romance[BxB | MPREG | R18] 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗘𝘁𝗹𝘂𝘅 𝗢𝗖 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗰. Cassidy: I love him but it's not enough for me to be a martyr. Tyson: I don't love him but why am I chasing after him? *** One rendezvous and abysmal nig...