Chapter 38
Cassidy Pov
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko at panay ang sulyap ko sa pintuan, sa labas ng bintana, at sa malaking wall clock na nandidito sa salas ng beach house ni Tyson. Ang lakas ng tahip ng puso ko at pinagpapawisan na ng malamig ang kamay ko. Hindi pa nga nawala ang kaba ko kanina dahil sa pag-atake ng kung sino sa bahay ni Tyson at heto't nadagdagan pa dahil hanggang ngayon ay wala pa rin sina Tyson. Ang huli lang naming pag-uusap ay iyong pinatakas niya kami nang mga anak niya kasama sina Nico at Nate. Naiwan siya doon sa bahay kasama si Pike. Hindi ko na naman kailangan pang sabihin kung ano ang ginawagawa nila dahil malamang nakipagbarilan din sila doon sa umatake.
Tumayo ako at kagat-kagat ang kuko habang nagmamartsa sa salas. Alas dos na nang madaling araw pero wala pa rin si Tyson. Naiiyak na ako sa pag-aalala sa kanya at kay Pike. Marami pa akong gustong sabihin sa kanya. Gusto ko pang sabihin sa kanya ang sagot ko doon sa tanong niya.
"Mr. Barromeo, maupo muna po kayo." saad ni Nico sa akin.
Si Nico ay nandidito sa loob samantalang si Nate naman ay nasa labas at nagro-roving. Silang dalawa pinasama ni Tyson sa amin ng mga anak niya.
"Nico wala ka bang matawagan doon para makumusta natin sila. Nag-aalala ako kay Tyson."
Dismayadong umiling si Nico sa akin.
"Kung meron man din akong matawagan doon Mr. Barromeo alam ko rin naman po na hindi nila iyon masasagot lalo na't may lumusob sa bahay." wika niya.
"P-pwede naman siguro 'no? Na bumalik si Nate doon para malaman natin ang stiwasyon nila?" pagsusumano ko.
Bumuntong hininga si Nico. "Hindi 'yan pwedeng gawin ni kuya Mr. Barromeo. Ang utos ni Don ay dalhin kayo dito at bantayan at protektahan. Hindi kami maaaring gumawa ng hakbang na di alam o utos ni Don."
Lalong nalugmok ang balikat ko.
"P-pero Nic--"
"Pasensya na rin po, Mr. Barromeo. Ginagawa lang namin ang ano man ang utos sa amin."
Tumango ako sa kay Nico saka bumalik sa kinauupuan ko at pinagsiklop ang kamay ko saka nagdasal na sana ayos lang sila doon sa bahay. Sana ligtas lang sila.
Napatingala ako sa ikalawang palapag ng beach house kung saan ang mga silid at kung saan din natutulog ang mga bata. Umiiyak din sila. Nag-aalala rin sila sa ama nila at sa kanilang papa Pike. Masaya pa ako kanina. Akala ko ayos na lahat pero sa isang iglap ay kinuha lang ang lahat nang iyon. Naalala ko ang huling pag-uusap namin ni Tyson kanina.
"Nico, Nate bring my family to my beach house in Batangas. I will trust my family's welfare in your hands." bilin ni Tyson sa magkapatid. Nandidito kami ngayon sa underground ng bahay na hindi ko alam na mayroon pala nito. Ang underground ay parang gawa siya sa mga bato at ang bawat sulok ay may mga ilaw. Sa dingding din ay may mga armas na naka sabit.
Tumigil ng ilang saglit ang pagpapaulan ng bala sa bahay kaya kinuha ni Tyson ang pagkakataong iyon na dalhin ako isang silid kong saan din ang hagdanan patungo sa underground ng bahay. Doon ko rin naabutan si Pike, Nate, at Nico na karga ang mga anak ko. Si Zenver at Zhuri ay umiiyak. Si Zyrho naman ay nagpupumiglas sa kamay ni Pike na makawala dahil hinahanap kaming dalawa ni Tyson. At nang makita nila kami ni Tyson ay saka lang tumahan ang mga bata.
BINABASA MO ANG
The Mafia Lord's Pet|✔
Romance[BxB | MPREG | R18] 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗘𝘁𝗹𝘂𝘅 𝗢𝗖 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗰. Cassidy: I love him but it's not enough for me to be a martyr. Tyson: I don't love him but why am I chasing after him? *** One rendezvous and abysmal nig...