Chapter 20
Cassidy Pov
Present...
"Papadad, why does that man keep staring at our house?" turo ni Zhu kay Tyson mula sa bintana. Nakaluhod si Zhu sa upuan isang sofa na gawa sa kahoy. Nakahawak siya sa frame noong bintana habang tinitingnan si Tyson doon sa labas na naiinitan ng araw.
May kotse naman siya bakit di siya pumapasok doon? Bakit kailangan pa niyang magpakita sa mga anak ko na nagbibilad doon? Para ano? Para kaawaan ko siya? Para makisimpatya ang mga anak ko sa kanya doon.
Akala ko noong tinaboy ko siya kagabi ay umalis na siya. Narinig ko kasi ang pag-andar ng sasakyan kaya nakahinga ako nang maluwag doon at nakatulog naman kahit papaano. Pero nang magising kami kinabukasan ay nandun na naman siya sa labas ng bahay. Talagang nakatingin siya sa bahay namin at hanggang mag tanghali ay nanatili siya doon. Pati nga iyong mga tao na dumadaan sa daan ay nililingon na siya doon.
Di naman sa tinitingnan ko siya. Syempre naglilinis ako nang bahay at dinidiligan ko ang mga bulaklak ni Owell kaya nahahagip siya nang mata ko.
"The handsome man from last night, baby sister?" pagtatanong naman ni Zen kay Zhu na nakatingin pa rin sa labas ng bintana.
Lumingon si Zhu saglit sa kay Zen at tinanguan niya ito. "Yes, kuya. Look, oh." At talagang tinuro pa ni Zhu ang bulto ni Tyson sa labas.
Nakuryuso ang malambot kong anak kaya gumaya siya kay Zhu. Sumilip din siya doon sa bintana uoang makita si Tyson sa labas.
Bumuntong hininga ako at nilapag ko ang niluto kong camote cue para sa kanila. Gumagawa kasi sila ng assignments nila dahil sabado naman ngayon.
"Umalis kayo d'yan anak. Kumain muna kayo." saad ko.
Si Zyrho naman na nagd-drawing doon sa sketch book na binili ko sa kanya ay tumayo at lumapit doon sa maliit na mesa sa maliit din namin na sala. Niligpit ko ang kinalat nilang papel, lapis, notebook, coloring book, at iyong kinagigiliwan nilang laruin tatlo na Word Search book.
"Zen, Zhuri. Come here. Let's eat." pag-anyaya nang anak kong si Zyhro sa mga kapatid niya.
Napahinga naman ako nang malalim nang sila doon at sinaluhan si Zy sa pagkain. Itinabi ko ang mga kinalat nila at umupo sa sofa.
"Papadad, open your mouth." Ngumiti ako at binuka ko ang bibig ko nang bigla akong subuan ng anak kong si Zenver ng kamote.
"You should eat a lot papadad. You're soooo skinnyyyy." komento naman ni Zenver nang nginunguya ko na ang kamote.
"Skinny ba si papadad?"
"Oo papadad." sabay nilang sagot sa akin..
"You're skinny papadad because you take good care of us. We are three papadad, and you are alone taking care of us. Papadad always prioritizes us before himself. That's why you are skinny. So, you must eat a lot po, papadad." Naluluha ako habang sinasabi iyon ni Zyhro. Totoong payat ako pero mas pumayat ata ako ngayon kumapara noon.
Hindi madali ang mag-alaga ng tatlong anak na mag-isa. Kung nagkakasakit ang isa mahihirapan akong paghati-hati ang oras ko sa pagtatrabaho at sa pag-aalaga sa kanila. Kaya kahit na binubuhos ko na ang lahat ng pwedeng gawin ng usang magulang sa kanila. Alam ko. Aminado ako na marami din akong pagkukulang sa mga anak lalo na sa mga pinansyal.
"Papadad, hindi po ba natin papakainin iyong mister sa labas?" mayamaya ay tanong ni Zenver sa akin habang sinusubuan niya ako.
Natikom ko ang bibig ko sa tanong ni Zenver. Aanyayahan si Tyson na kumain dito? Pagkatapos ko siyang itaboy kagabi? Saka kumakain ba iyon ng ganito?
BINABASA MO ANG
The Mafia Lord's Pet|✔
Romance[BxB | MPREG | R18] 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗘𝘁𝗹𝘂𝘅 𝗢𝗖 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗰. Cassidy: I love him but it's not enough for me to be a martyr. Tyson: I don't love him but why am I chasing after him? *** One rendezvous and abysmal nig...