Chapter 7
Cassidy Pov
Soft, warm and relaxing smell... no a luxury smell. Pagkagising ko iyan agad ang una kong napansin. Nagising ako sa napakalaking kama na kulay puti. May dalawang malalaking unan at napakalambot. Ang makapal na kumot ay nakapatong sa akin hanggang sa may dibdiban ko. Napaka-kapal noong kumot ngunit di iyon mabigat sa katawan.
Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko. Ngayon lang ako nakahiga at nakatulog sa ganitong klase na higaan. Dati kasi may kutson naman kami pero di naman iyon kalakihan at di rin masyadong malambot di tulad nitong hinihigaan ko ngayon. Walang sakit sa katawan ako ngayon na nagising.
Dahan-dahan akong bumangon at tinapak ko ang paa ko sa sahig. Napatingin ako sa paa ko nang maramdaman ko na parang malambot iyon at mabalahibo. Carpeted pala. Nakasuot lang ako ng isang itim na tee shirt at at ilalim ay boxer na. Naibaba ko ang hem noong tee shirt dahil hanggang sa gitna lang iyon noong hita ko. Bigla akong kinabahan dahil baka may nangyari habang wala akong malay pero wala namang masakit sa katawan ko. Especially that part of my body.
I sighed in relief.
Muli akong humakbang at pumunta doon sa napakataas na bintana. Ang ganitong bintana ay nakikita ko lang sa mga palabas sa ibang bansa. Napakalaki noong bintana at ang kurtina ay napakahaba rin. Nang makalapit ako doon at napahawak sa kurtina. Napaisip ako kung paano kaya ito nilalabhan. Ang bintana na nilapitan ko ay siya lang nagbibigay ng liwanag sa silid na kinaroroonan ko. Ang liwanag na nanggagaling sa labas lang ang nagsisilbing ilaw sa napakalaking silid at tumatama ang sinag nang araw na tumatagos sa bintana na gawa sa salamain sa mismong kama na pinanggalingan ko.
Napatingin ako sa labas dahil transparent naman iyon. Napahawak ako sa glass dahil nakita ko na may fountain sa labas. Sa ibaba may fountain doon. Tapos may nakakamangha na landscaping pa at ang laki ng bakod! Aliw na aliw ako doon sa tanawin sa labas. At sa pagkamangha ko doon ay muntik ko nang makalimutan ang nangyari sa akin bago ako mawalan ng malay.
Agad na bumuhos sa akin ang nangyari sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla iyong nagwala. Halos mamatay na ako. Akala ko talaga mamamatay na ako sa mga oras na iyon.
Si tatay? Sina Auntie, Gretel at Aileen hinahanap kaya nila ako? Nag-aalala kaya sila sa akin? Ni-report na kaya nila ako sa pulis dahil nawawala ako? Ang trabaho ko? Si Justin?
Naibagsak ko ang mata ko sa paa ko na malinis na kagaya sa katawan ko na malinis na rin. Nakakalungkot isipin na mukhang wala man lang nag-aalala sa akin kahit na isang tao. Siguro si tatay pero malabo naman na alam niya na nawawala na ako. Na hindi na ako nakauwi sa amin. Malabo rin na ipahanap ako o hanapin man lang nila Auntie Tanya at pati na nang mga pinsan ko.
Pagtalikod ko upang bumalik na sana sa kama ay tamang-tama naman na bumukas iyong pintuan. Napako ang mata ko doon. Napatingin ako sa unang tao na pumasok.
Naka-two piece suit siya saka nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa ng kanyang pantalon. Hindi mahirap na identify o ilarawan ang kulay ng kanyang suot dahil puro naman iyon itim. From his upper to his lower clad it's all black.
Hindi ko na natuloy ang plano kong pagtungo sa kama dahil parang dumikit na ang paa ko sa sahig.
"Are you well?" aniya. His rough and husky voice send thousand of volts strike to my heart and as an aftermath my it automatically beat like I ran a thousand of miles.
"I guess you are well since you went off from the bed." Dagdag niya.
Biglang bumukas ang ilaw at napatakip ako sa mata ko dahil sa liwanag na dala noon. Nang makabawi ako ay inalis ko naman ang kamay ko saka ko iyon itinago sa likod ko at lihim kong pinipisil iyon. Para sana ibsan ang lakas ng pintig sa puso ko.
BINABASA MO ANG
The Mafia Lord's Pet|✔
Romance[BxB | MPREG | R18] 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗘𝘁𝗹𝘂𝘅 𝗢𝗖 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗰. Cassidy: I love him but it's not enough for me to be a martyr. Tyson: I don't love him but why am I chasing after him? *** One rendezvous and abysmal nig...