CHAPTER 17

49.3K 1.4K 235
                                    

Chapter 17




Cassidy Pov

Sa kabila ng sikat ng araw dahil tanghaling tapat na di ko iyon iniintindi. Patuloy lang sa paglabas ang luha ko habang nakatingin doon sa presintong nasusunog at kasalukuyang inaapula ng mga bombero ang apoy na tumutupok doon. Di ko maintindihan kung bakit nagkasunog doon.

Habang nakatingin ako doon na unti-unti nang naapula ang apoy. Ipinagdadasal ko na sana hindi kasali si Tatay doon. Na sana ay nasa maayos na siyang kalagayan. Pero di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nangangatal ang labi ko, ang buo kong katawan. Di ko na napapansin ang mga taong nakikiusisa doon sa sunog at mga taong nagpa-panic at may ibang sumisigaw.

Kasama ko si Tyson na pumunta dito. Wala akong breakfast o kahit na anong kinain dahil nang malaman ko ang balita ay agad akong nakiusap kay Tyson na pupunta ako dito. Mabilis naman siyang pumayag at sumama pa nga siya. At pagdating dito ay naging abala rin siya at may tinatawagan din siya sa telepono niya nang iwan ko siya kanina sa sasakyan. Di ko alam kung sino at ano iyong pinag-uusapan nila dahil ang utak ko ay lumilipad na sa ibang dimensyon.

Nang maapula na ang apoy ay ay mga rescuers at may mga bombero na rin na nag-inspection at iyong ibang mga bilanggo na nakaligtas ay nilagay nila sa silda na di nasali sa sunog. May parte lang kasi ng silda ang nasunog. Ilang minuto ang lumipas at may mga rescuers na na lumalabas galing sa nasunog na silda at may dalang mga bangkay na di na nakikilala dahil sunog na ang mga ito.

Habang pinagmamasdan ko iyon ay di ko rin makita ang Tatay ko doon sa mga nakaligtas na mga bilanggo na nililipat nila ng silda. Mas kumabog ang dibdib ko at tumulo na naman ang luha.

Di ko na mapigilan at lumapit na ako doon sa isang pulis. "S-sir, T-travis Barromeo po. G-gusto ko lang po i-check kung a-ayos lang ba ang Tatay ko. Paki-check naman po k-kung n-nandyan ba ang Tatay ko sa mga nakaligtas."

"Saglit lang sir. I-c-check ko."

Kinagat ko ang labi ko at tumango. Nakatutok lang ako sa pulis habang nagp-flip siya doon sa parang log book.

Nang sinabi niyang wala doon ay nakiusap ako sa kanya na icheck ulit at kahit na naiinis na siya sa akin ay ch-in-eck niya naman ulit kaso wala talaga.

"Sir, wala po talagang nakalista dito na Travis Barromeo. Doon sa kasama ko sir tanungin niyo din baka doon nakalista sa kanya."

Dalawang beses akong tumango sa kanya at lumipat ako sa isa pang pulis na nagc-check sa mga bilanggong nakaligtas at di nasali sa sunog. Pero nang tanungin ko siya ay wala rin daw Travis Barromeo doon sa log book niya. Ipinacheck ko pa talaga nang isang beses kaso wala rin talaga.

Hinawakan ko ang kamay ng pulis at umiiyak na nakiusap sa kanya na icheck ulit kung kasali ba sa naligtas ang Tatay ko kaso. Tinulak niya kang ako at napaatras.

Mabuti na lang at may nakahawak sa akin kaya di ako natumba.

"Fuck! Don't you fucking dare push him!" napatingin ako sa taong nakasangga sa akin.

Susugurin na sana ni Tyson iyong pulis na tumulak sa akin nang hawakan ko ang long sleeve niya. Nagtatagis ang bagang at nanlilisik ang mata ni Tyson nang bumaling siya sa akin. Humawak ako nang mahigpit doon sa long sleeve niya at yumuko. Kanina pa ako iyak nang iyak pero hanggang ngayon ay di pa rin natutuyuan ang mata ko.

"Tyson. I-iyong Tatay ko? H-hindi naman siya kasali d-doon sa mga nasunog na bangkay, d-diba?" I was tugging Tyson's black kong sleeves. Gusto kong sabihin niya sa akin na hindi nadamay ang Tatay Travis ko doon sa pagsunog.

 The Mafia Lord's Pet|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon