4

831 31 4
                                    

* G A B R I E L L E *



Agad akong nagpaalam kay Chrystal-I know she hates being called Chrystal but that's what I want so deal with it- nang makatanggap ako ng text galing kay Bianca. Hay. Bat na naman kaya naglalasing yun? Tsk.



I immediately go to her the moment I arrived to the bar. Nakatungo lang siya habang hawak pa yung basong may laman pa. Nilapitan ko siya at inakbayan. "Bianca."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Hi Ariel!" Nakangiting bati niya sakin. Napansin kong namamaga yung mata niya. I cupped her cheeks. "Did you cry?" She nod like a kid. "Bakit?"



Binitawan niya yung baso at niyakap ako. "Ang duga duga mo. Bat ka naman nagpakasal agad!? Sabi mo ako papakasalan mo! Bat ka nagpakasal sa iba? Ang duga mo!" Hindi ko alam pero napatawa na lang ako. Hanggang ngayon iniisip pa rin niyang papakasalan ko siya? Haha.



"Bianca, we're just 6 when I told you that. Laro lang yun! Ang kulit mo talaga." Ginulo ko yung buhok niya. Pinalo naman niya yung kamay ko saka pinunasan yung muka niyang basa.



"Shut up! You still promised! Sino ba yang pinakasalan mo? Is she pretty!?"



"No. Sobrang ganda lang." Kinagat niya yung labi niya at pinagpapalo palo ako. Kinuha ko yung panyo ko at pinunasan yung muka niya. Umupo ako sa katabing stool niya para maging magkapantay kame.



"Don't worry, you're still my Baby Bianca kahit kasal na ko. Hindi pa rin kita papabayaan okay?" Para siyang batang tumango habang nakapout. She's really cute. Bianca Louise Flores is my childhood friend, para na siyang kapatid ko. We grew up together at talagang mapagkakamalang may relasyon kami dahil sa pagkasweet namin sa isa't isa. We're always like this. But of course, I should give a distance now, I have Chrystal already.



Binayaran ko na lahat ng ininom niya saka ko siya inalalayan palabas ng bar. "Wait me here, kukunin ko lang yung kotse. Okay?" I kiss her forehead then I go to get my car. 



Hinubad ko yung jacket ko at isinuot yun sakaniya saka siya inalalayang pumasok sa kotse. "Sleep."



"Ayoko. Ariel, mahal mo ba yung pinakasalan mo?" Napatingin ako sa kaniya habang inaayos yung seat belt ko. "Hindi pa."


"Pa? So may possiblity?"


"Yeah. Malake." I start the engine then we go. It's true. Alam ko sa sarili kong malaki ang posiblidad na mahulog ako kay Chrystal. She's too adorable not to fell in love with.



Natahimik na si Bianca pagtapos nun. I'm aware that Bianca has feelings for me and I'm so sorry for it dahil kapatid lang talaga ang turing ko sa kaniya.



Pagdating sa bahay niya ay agad ko siyang iniakyat sa kwarto niya. Nakatulog na kase siya. Madami dami siguro ang nainom nito. Hindi naman to madaling malasing eh.



Umupo ako sa tabi nya at hinawa ang mga buhok na tumatakip sa muka niya. "Mahahanap mo din ang iyo Bianca." Lumapit ako sa noo niya at hinalikan yun. That's how I express my care by kissing someone in the forehead. Minsan nga nasasabihan na ko nung tatlong ugok na manyak eh pero syempre alam naman nila kung ano totoo. Haha.



Inayos ko yung kumot niya saka ako umalis. Dumaretso ako sa supermarket para bumili ng mga pagkain. Baka gutom na iyon. Pagtapos kong mamili ay umuwi na ko. 



Papasok na sana ako sa unit ko ng bigla akong tawagin ng nakatira sa harap ng unit ko. "Kang."



"Oh, bakit?" Close ba kame nito? Bat 'di ko matandaan?



"You're lucky. She's beautiful."



"Ha?"



"You're wife, I mean." Napakunot ang noo ko. Pano niya nalaman? At bakit nakakaramdaman ako ng inis nang sabihan niyang maganda si Chrystal!? Aish. Umaatake na naman pagiging territorial ko.



Hindi ko na siya sinagot at pumasok na ko. Nagulat ako ng makitang sobrang gulo ng sala. "What the." May mga chips na nakakalat may natapon din na softdrink sa carpet tas yung mga pillow nakakalat pati yung jacket at sapatos na gamit niya kanina nakakalat din. 



Napangiwi na lang ako. Asan ba yun? "Chrystal!" Tawag ko pero walang sumagot. Pumasok ako sa music room ko pero walang tao dun, ganun din sa kwarto pero may nakaiwan na note dun sa study table ko.



Pumunta pala siya sa bahay ng Richards. And what? Sorry for the mess? Start of my miserable life? Haha. So she's testing me ha? Makikita natin Phenelope Chrystal Richards.



"Makikita natin kung makakaya mo talagang gawing miserable ang buhay ko."

[HyukStal] Opposite = LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon