52

548 25 2
                                    

* K R Y S T A L *


Another month had passed pero hindi na katulad ng dati na boring. My life has gotten happier. Let's say, medyo move on na ko? Haha! Ewan basra ang alam ko iniwan ko na sa likod ko lahat ng masasakit na memories.


Let's  say, nagising na ulit si Phenelope. Ang spoiled brat trouble maker princess ng Richards. Haha. Natuto na din akong magpatawad. At lahat ng yun, pasalamat ko sa baliw na lalaking katabi ko ngayon. No other than, Gabrielle Wu.


Nagkaayos na rin kami ng parents ko. They said sorry at pinatawad ko naman sila. After all, kahit ano namang mangyari sila pa rin naman ang parents ko eh. Maayos na maayos na ang relasyon namin ngayon. Hindi na rin sila nakikii-nterfere sa mga business ko. Hinayaan na nila ko. Also, magkakasama na ulit kami sa bahay though minsan di ako nakakauwi dun dahil na rin sa bonding namin ni Gab.


Speaking of him. Ano na ang relasyon namin? Hmmm... Ganun pa rin. Haha! Andun pa rin kami sa ligawan stage. Oh diba pabebe haha. Pero sa totoo lang, kung titignan kami ngayon parang kami na talaga. Everytime we're having interview yun ang laging tinatanong samin. Syempre hindi namin sinasagot. Haha. It's secret! Haha.


We're on our way back to Philippines now. In 5 days kasi birthday na ni Lola kaya ito sapilitan ako pinauwi ng dalawa kong pinsan dahil kailangan daw naming magplano. At ito ngang lalaking nasa tabi ko ngayon ayaw ako payagang umuwi mag-isa saka gusto daw niya magpakilala ng personal kay Lola. Napakilala ko na kasi siya dati but via skype lang, eh ito sadyang maarte gusto sa personal din daw. Haha. Saka request na din ni Lola, nagustuhan ata siya eh.


Even kay Leigh at Daddy, pasado na daw siya. Haha. They're actually close, I mean Dad and him. Since di pa niya namimeet si Leigh sa personal. Pero nasabi na rin ni Leigh na gusto niya si Gabrielle WU para sakin. Ahn ha? Hindi Kang.


Speaking of Kang. Ayos na kami ni Gwendolin, ganun din sa parents at cousins nila. Actually, Gwen is currently working as my co-model. Haha. Maganda naman si Gwen. Also  malaki ang potential niya maging super model din. Kaya hindi ako magdalawang isip na ipasok siya sa modelling industry. Kung tungkol naman sa Kuya niya. Hindi na niya ulit minention sa harap ko yun. Kaya wala na kong balita sa kaniya.


Oo, alam ko 100% mamimeet ko siya. Ang hindi ko lang alam ay kung maapektuhan pa rin ako. Haha. Hindi ko itatanggi kahit si Gabrielle ang madalas ko nang kasama hindi ko pa rin maiiwasang isipin siya. Hindi sila nagkakalayo ng ugali ni Gabrielle, para nga silang iisa eh. Ang pagkakaiba lang ay yung nakikipag sabayan ng asaran at murahan sakin si Gab, yun lang. The rest... magkaparehang magkapareha na sila.


Oo, nakamove on na ko but honestly hindi ko alam kung totoo yun. Hindi ko alam kung totally over na ko sa kaniya. I loved him so much. Kaya hindi ganun kadali yun. But I hope and I wish na sana hindi ako maapektuhan the moment I saw him. Sana talaga...


Napabalik ako sa wisyo nang pisilin niya yung kamay ko. "Ano na namang iniisip mo?"


"W-wala. Iniisip ko lang kung anong ireregalo ko kay Lola."


Halos mapasigaw ako ng pitikin niya yung ilong ko. Aish. Nag-eenjoy na talaga siya sa pananakit sakin ah!? "Alam kong hindi si Lola ang iniisip mo! Iniisip mo siya no? Tss. Sabi naman sayo diba? Wag ka lang papaapekto at magiging okay ka na. Saka, you don't have to worry. Andito naman ang gwapong tulad ko sa tabi mo eh! Hahahahaha!" Tinanggal ko yung pagkakaakbay niya sakin saka siya binatukan.


"Ang hangin mo! Letse ka!"


"Ikaw din naman ah!? Lagi mo pa ngang sinasabi ang ganda ganda ko. Ang sexy sexy ko! May abs ako! Sikat ako! Blablabla!" Napatawa na lang ako habang pinapanood siya sa pagiimitate sakin. Baliw talaga 'to! Haha!


"Bakit hindi ba totoo lahat ng sinasabi ko? Hindi ba ko maganda? Di ba ko sexy? Wala ba ko—"


"Joke nga lang. Sabi ko nga totoo lahat ng sinasabi mo eh."


"Buti na yung nagkakaintindihan tayo! Haha!" Kinurot ko yung pisngi niya. Malaki talaga pasasalamat ko sa lokong 'to. Kung di siguro siya dumating sa buhay ko hanggang ngayon hatreds pa rin ang nararamdaman ko.


---


* G A B R I E L L E   W U *


I look at her sleeping and peaceful face. Nakarating na kami ngayon dito sa hotel at ito nga natutulog na ang mabait. Hays. Napakapeaceful talaga ng mukha nito pag tulog, pag gising kasi hindi eh. Hahaha! Joke lang. Pag gising kasi siya lady siya pag tulog siya she's like a baby.


I caressed her hair. Alam ko malapit na siyang mawala sa tabi ko. Kasi alam ko, dadating na yung tunay na may-ari sakaniya. Yung tunay na mahal niya. Nakakabitter mang aminin pero yun yung totoo eh.


Halata namang mahal pa rin niya yun kaya hindi niya ko masagot. Halatang halata. Actually, tuwing tulog siya? I hear her calling Evans which I think the guy who hurt her but— also, love her. Hindi lang isa. Lagi. Lagi yun tuwing natutulog siya sa tabi ko.


Inangat ko yung ulo niya at ipinatong sa braso ko. I hug her tight. Naramdaman kong gumalaw siya pero hindi ko yun pinansin at niyakap ko lang siya. "Bakit?" Antok niya tanong.


I just shook my head saka siya hinalikan sa noo. "Wala. Gusto ko lang ifeel na nasa tabi kita."


"Para namang mawawala ako." Napangiti ako ng mapait nang maramdaman kong yumakap siya pabalik. Totoo naman eh, diba iiwan mo din ako?


"Phenelope."


"Hmm? Inaantok na ko." Reklamo niya. Haha.


"Sige tulog ka na." Naramdaman kong tumango siya.


Nag-antay na muna ako ng ilang minuto pa bago ako nagsalita. "I'll do my best na tuparin yung pangako ko. Kahit masakit... ihahanda ko na yung sarili ko. I'll let you go. Ay, hindi ka nga pala akin. Haha. Basta, Phenelope... kung san ka masaya, dun ako. Kahit kapalit pa nun, sakit. Okay lang." Medyo bumaba ako at unti unting nilapit yung labi ko sa labi niya. "Ganun kita kamahal na kahit masakit saking ibigay ka sa iba, gagawin ko. Mapasaya ka lang."

[HyukStal] Opposite = LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon