39

397 16 3
                                    

* P H E N E L O P E *

As usual, hindi na naman niya ko kinausap. I'm seriously getting pissed and stress. Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganyan. Like what the fuck. Bakit hindi niya sabihin sakin kung may mali akong ginawa. Bakit ganito pa. Bakit kailangan pa niya ko tratuhin ng ganito!?

I'm originally strong pero ngayon? Sobrang nanghihina na ko. Nakakapanghina yung ginagawa niya sakin. Nakakasawa na ako yung naghahabol sa kaniya at parang tangang nagtatanong kung ano bang nangyayare kung ano bang mali o ano. Nagmumukha akong tanga!

I tried to explain to him na hindi ako uminom na kaya amoy alak ako dahil na rin yung mga kasama ko umiinom. Pero anong sinabi niya? Tigilan ko siya dahil pagod siya. Naiinis ako. Nabibwisit ako. Naiirita ko. Naiiyak ako. Tangina.

Today is his birthday. Ngayong araw na 'to dapat ko sasabihin sakaniya ang tungkol sa anak namin. I tried to ask him what he wants for his day but as usual, he answered he's busy. Lagi na lang siyang busy. Nakakatanga talaga. He even said na una na kong kumain at wag na siyang antayin. Wag na rin daw ako mageffort magprepare dahil wala rin naman daw kwenta. I was hurt. Damn hurt.

I understand na busy siya dahil nga inaayos niya yung problema niya sa company niya pero tama ba na tratuhin niya ko ng ganito? This is so damn hurts.

Plus this, I'm having difficulty with my pregnancy. I'm having spotting again. Alam kong normal 'to pero hindi ko maiwasang hindi kabahan. Nakakabother pa rin kasi. Everynight nagkakaroon ako ng cramps sa may puson which I guess parte lang din nung spotting.

Sana pala sinabi ko na ng mas maaga sa kaniya 'no? Siguro hindi ako mag-isang nahihirapan ngayon. Nakakatanga naman. Haha.

Kahit medyo nanghihina ako ay tumayo ako at pumuntang CR. I sat on the bowl. I observe the blood on my underwear. I-it's like a normal period. Mas madami na siya unlike the other days. And it's bright red.

Damn. Kinakabahan ako. Shit.

I quickly fix myself. Hindi ako makakalma. I honestly want to cry right now dahil sa sobrang kaba. Please... no just no.

I grab my bag and phone. I dialled his number. After few rings he answered. "E-Evans..."

"Chrystal, I'm busy."

"Please ngayon lang. I need you." Halos manginig na yung boses ko dahil sa kaba ko. Nararamdaman ko na ring unti-unting nagfoform sa gilid ng mata ko yung luha ko.

"Mamaya tayo mag-usap. Nasa meeting ako."

"No, Evans! Pleas—" Naputol ako sa pagsasalita ng babaan niya ko. Pwede na ba kong umiyak? Inis kong tinapon yung cellphone ko.

"Fuck! Your child is in danger mas pinili mo pa yang meeting mo!?" Tears start to race down. Hindi ako makakalma. Kinakabahan ako. Damn.

Nagsuot ako ng sapatos at lumabas. Wala na kong paki kung mukha akong batang umiiyak ngayon. Kailangan kong makapunta sa ospital. I need to save my child. Kailangan kong malaman na ligtas yung anak ko.

"Elo."

"Niel! Niel please samahan mo ko sa ospital. Please!"

Hinawakan niya ko sa balikat ko. "Bakit? May masakit ba sayo!?"

"Niel, yung anak ko. Please, samahan mo ko." Umiiyak na pagmamakaawa ko sa kaniya.

"O-oo. Sasamahan kita. Let's go." Tumango ako at sumunod sa kaniya. Hindi pa rin ako makakalma at patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Hindi pwede. Hindi pwedeng mawala ang anak ko sakin. Hindi pwede.

Agad kaming sumakay sa kotse. He held my hand. "Calm down. Okay lang siya. Kumalma ka then tell me what happened."

Sinunod ko yung sinabi niya. I calm myself first saka ko sinabi lahat lahat ng nangyari. Hindi ko mapigilang hindi maiyak habang nagsasalita. "Niel, hindi ko alam mangyayari kung mawala siya. Niel please."

"Walang mawawala. It's going to be fine. Kumalma ka. Walang nangyaring masama sa kaniya. Ayos lang siya. Okay?"

Alam kong hindi ako nagdadasal. Alam kong masama akong tao. But please, let it be safe. I'm begging you.

Tuluyan na kong nanghina nang makarating kami ng ospital. Niel carry me dahil unti unti na kong nahihilo.

Please, Baby, please be safe.

---

* N A T H A N I E L *

I bit my lip. Kinakabahan ako. Elo is still there. Ineexamine pa rin siya hanggang ngayon.

Hindi ko alam kung magiging masaya ako o hindi kung sakaling wala na yung bata. I already promised na hindi ko na sila guguluhin pero after hearing that their child is in danger? Nagbago na ata yung isip ko.

The very first moment na nakita ko siya, I already fell. Nahulog agad ako sa kaniya. Siguro bonus na lang yung features niya pero nagustuhan ko talaga siya by her attitude. She's too adorable. May pagkamaldita siya oo, pero despite that she's really cute. Kaya nga nakaramdam ako ng inis nang magbago siya. Pero kahit ganun wala ni katiting ang nabawas sa nararamdaman ko. Mas minahal ko pa na ata siya eh.

Alam kong mali 'tong nararamdan ko. Alam kong hindi pwede pero anong magagawa ko? I just fell in love. Hindi ko naman makokontrol at matuturuan ang puso ko, diba?

Napaangat ako ng ulo nang makitang may tumigil na babae sa harap ko. Doktora siya pero hindi siya yung doctor na nag-asikaso kay Elo. Sino ba 'to?

"Why?" I asked. Tinignan ko yung embroided name sa coat niya. Dr. Bianca Flores. Bianca Flores? San ko ba narinig yung pangalan na yun?

"Hi."

"Do you need something?" Darektang tanong ko. Ewan ko ba pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa babaeng 'to.

"Ang sungit mo naman."

"Kung wala kang kailan—"

"Ikaw. Ikaw at ng tulong mo ang kailangan ko."

"Ha?"

"I know you like that girl and I can help you to get her." Napakunot ako ng noo. Is she crazy? "I'm not crazy. Seryoso ako."

"Really? Parang hindi." Tumayo na ko. "If you'll excuse me, Doctora." Tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad.

"If you help me to get Gabrielle Yu, I can help you too to get Phenelope Richards." Napatigil ako dun sa sinabi niya. Oh. Naalala ko na siya. Siya yung best friend kuno nung Kang na yun.

Humarap ako sa kaniya at nakita kong naglalakad siya papalapit sakin. "Hindi naman mahirap. All you have to do... is go with the flow. Deal?" Then she lend her arm.

Should I or not? I should. "Deal."

[HyukStal] Opposite = LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon