Special Chapter♡

594 20 14
                                    

A little gift for all GabriElophe Shippers~♡ Thank you for reading Opposite = Love♡

---

* G A B R I E L L E *

I grab all the bags and put it on the back seat. Nang maiayos ko na yung mga yun ay bumalik na ulit ako sa loob para tawagin si Chrystal. "'My, let's go."

She look at me and gave me a beautiful smile. Lumapit siya sa kambal na karga karga ngayon nila Gab at Gwen. "Twins, behave okay? 'Wag matigas ang ulo kina Mama Gwen at Papa Gab okay?" Paalala niya.

Lumapit na din ako at hinalikan yung dalawa. "Walang mag-aaway, ha? Makinig kina Mama."

"Yes po, Mommy and Daddy!" I pat their heads. Tinapik ko si Gab. "Kayo na munang bahala ha?"

"Oo naman. Wag na kayong mag-alala. Hinding hindi namin papabayaan 'tong makukulit na 'to." Sagot ni Gab nang maibaba niya si Phil.

"Tama! Kaya kayong dalawa, just enjoy your anniversary, okay? Kami nang bahala sa kambal!" Pagsang-ayon naman ni Gwen. Napakunot ako ng noo nang lumapit siya kay Chrystal habang nakangiti ng nakakaloko. She held her hands. "Ate, kailangan pagbalik mo may laman na ulit yan ha? Boy or girl will do— aray Kuya!"

"Ang dami mong alam. Kasal ka na. Bakit hindi na lang ikaw ang gumawa?"

"Busy pa kami ni Gab my loves eh! Saka 3 years old na yung twins! Pwede nang sundan!" Napailing na lang ako sa kakulitan ng kapatid kong 'to. Hay talaga. Buti na lang talaga natatagal pa ni Gab ugali ng baliw na 'to eh.

"Nag-aaway na naman kayo! Hay nako. Lika na nga! Malate pa tayo!" Masungit na sigaw samin ni Chrystal. "Twins! Mom and Dad will go now!"

"Okay, Mom and Dad! Take care!"

"Thank you!" I kissed and hug my twins once again saka kami tuluyang lumabas. I open the door for my queen saka siya sumakay. I quickly go to the other side.

"Haaaay. Gonna miss those two." Napatingin ako kay Chrystal at nakita kong nakatingin siya sa Twins na kasalukuyang kumakaway kaway samin.

I caressed her hair kaya napatingin siya sakin. "They will surely their beautiful Mommy, too." Iniayos ko yung seatbelt niya. "Saka ikaw naman nagrequest nito ah? Haha."

"Of course, it's our anniversary dapat tayo lang. Pero... mamimiss ko talaga sila eh. Haaay." Napatawa na lang ako. Bipolar as ever. Haha. Ginulo ko yung buhok niya saka inistart yung engine.

I held her hand as I start driving. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti tuwing pumapasok sa isip ko yung mga pag-aaway namin dati, yung pagsisigawan namin at yung pagsasabi niya ng favorite niyang line na I will make your life miserable! Haha.

Ilan beses nga ba niyang isinigaw sakin yun? Haha. Pero tignan mo naman, imbis na maging miserable yung buhay ko, naging mas maganda pa yun dahil sa kaniya— sa kanila ng mga anak namin.

Iniangat ko yung kamay niya saka hinalikan yun. "Bakit?"

"Nothing. Masaya lang ako."

[HyukStal] Opposite = LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon