* P H E N E L O P E *
Natigilan ako nang bigla niya kong sampalin. "You piece of shit! Hindi mo ba alam na halos ikamatay ni Ariel 'to!! I know you're the one who push him to eat chicken dahil alam kong hindi mo kasing tanga si Ariel para kumain siya ng ikamamatay niya! He's so unfortunate having a wife like you! He doesn't deserve to be your husband! He'll die in your hands. Wala kang kwenta. As his best friend, ayokong maulit 'to. So I'll make sure ilalayo ko siya sayo." She go back inside after she said all those sharp words to me.
Hindi ko na napigilang hindi mapaiyak. Gusto kong manlaban pero alam ko namang tama lahat ng sinabi niya eh. Ako naman talaga may kasalanan kung bakit nangyari kay Evan— Yu 'to eh. I'm so useless.
Hindi na muna ako pumasok at pinakalma ko muna yung sarili ko. Asan yung tapang ko? Haha. Nakakatawa talaga. Kung kelan kailangan ko wala. Mukhang tanga nakakainis.
"Here." Nagulat ako ng may biglang panyong lumitaw sa harap ko. Iniangat ko yung tingin ko at nakita ko siyang nakangiti sakin. Hindi ko kinuha yung panyo niya at umiwas ako ng tingin.
"Chrystal." Para akong bata ngayong lalong umiiyak dahil pilit niyang pinapaangat yung mukha ko.
Naramdaman kong dinampi niya yung panyo niya sa mukha ko at sinimulang punasan yung luha ko. "Bakit ka ba umiiyak? Kung sinisisi mo yung sarili mo sa nangyari, wala kang kasalanan. It's my fault for not informing you. Please, stop crying." Naiinis ako! Bakit ba sobrang bait niya!?
Nagulat ako ng bigla niya kong yakapin. Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng puso ko. He caressed the back of my head. "Stop crying. Uubusin lang 'tong gamot then we'll go home, ha? Wag ka nang umiyak. Wala ka namang kasalanan eh."
"Y-you almost die because of me."
"Hahaha. But look, I'm alive, hugging you and talking with you right now." Kinalas niya yung yakap at tinignan ako sa mata. "Smile now. You're prettier with your smile on. Please? Just think that this is part of your plan."
"Ha?"
"Making my life miserable?"
"Ah. Haha."
"Ayan, ngumiti ka na. Wag ka nang umiyak ulit ha? We'll go home. Saglit na lang 'to." I nod.
Lalo kong narealize na sobrang magkaiba kami. We're a total opposite. Siguro kung sakin nangyari 'to? Maybe galit na galit na ko sa kaniya ngayon. Pero siya, hindi. He even comfort and take care of me.
"Sorry." Oo, nagsorry ako. Isang Phenelope Richards nagsorry. Hay.
"It's nothing. Okay na naman ako eh." He smiles at me and pat my head. Tinignan ko yung nakaturok sa kamay niya. I know how painful it is. Naranasan ko na 'tong nangyari sakaniya.
Kinuha ko yung kamay niya at hinalikan yun. Halata namang nagulat siya kaya binigyan ko siya ng ngiti. "My Mom used to do that pag nasasaktan ako. She said that it will help to ease pain."
"It's true. Nawala nga yung sakit. But hey Chrystal."
"What?"
"My lips are hurting too. Aren't you going to kiss it too?"
Napalunok ako dun sa sinabi niya. Aish this man. "U-umayos ka nga! Tsk! Pakainin kita ng isang buong buhay na manok eh! Tsk!" Tumayo ako at lumayo sa kaniya. Argh!! I can feel my face burning again.
---
* B I A N C A *
Hindi ko mapigilang hindi masaktan by seeing them so happy together. Ariel looks so devoted to her. Ano bang meron sa babaeng yun na wala sakin?
Nakita kong naglakas paalis yung babae. Look how bratty she is. Susundan na sana siya ni Ariel nang hawakan ko siya. "Ariel."
"Oh Bianca. I mean Doctor Flores."
"Loko. How's your feeling?"
"Gotten better. Thank you nga pala, Bianca." He pat my head and give me his beautiful smile. Like what he always do, lumapit siya sakin at hinalikan yung noo ko. "I owe you again."
"Yeah right. Kaya kailangan mo talaga bumawi sakin!"
"I will. Doctor Flores, hindi pa ba ko pwedeng umuwi. Inaantok na ko eh." He childishly said to me. Nginitian ko naman siya.
"Pwede na po. Just make sure, hindi na mauulit 'to." Kumuha ako ng mga gamit saka tinanggal yung gamot na nakakabit sakaniya.
"Thank you, Doctor Florea."
"You're always welcome, Mr. Yu." Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.
Akin ka pa din sa huli, Gabrielle Evans Yu. Akin lang.
BINABASA MO ANG
[HyukStal] Opposite = Love
Teen FictionPhenelope Richards the "Richards'-spoiled-brat-troublemaker" Princess meets Gabrielle Yu the "Yu's-very-good" Prince. Can they prove that opposite attracts? Can they make Opposite = Love? Let's see.