* P H E N E L O P E *
Buong araw kakwentuhan ko yung pito. Ni hindi nga makalapit si Evans sakin dahil nilalayo ako ni Gwen. Ang kulit talaga nilang magkapatid!
Napag-alaman ko rin na si Evans lang pala ang lalaki sa magpipinsan. Amazing right? Haha! Lahat ng kapatid ng Daddy niya ay lalaki rin kaya raw siguro puro babae naman ang ibinigay sakanila. Bukod sa nag-iisang lalaki ay siya rin ang panganay sa Apo ng Yu kaya ganun na lang ang takot nung anim sa kaniya— oo, anim lang dahil hindi naman takot si Gwen sa kaniya. Hahaha!
Nandito kami ngayong walo sa kwarto ni Gwen habang si Evans naman andun sa kwarto niya. Bawal raw siya dito dahil Girls' Quality Time daw 'to. Kawawang Evans, walang palag sa kapatid niya. Haha.
"Matagal na bang magbest friend si Evans at Bianca?" Halos pabulong kong tanong. Bakit ba. Nacucurious ako eh!
"Yeah. Simula pagkabata magbest friends na sila. Pero ayoko dun! Maldita kaya yun!"
"Maldita?"
"Oo! Napakamaldita nun! 'Di ko makakalimutan yung barbie kong kinalbo niya dahil daw naiinis siya sakin! Tss! Siya kalbuhin ko jan eh!!" Hindi ko mapigilang hindi matawa sa reaction ni Karol habang nagkwekwento.
"Nako Ate! Lumayo ka dun sa babaeng yun! May pagkasatan ang ugali nun eh!" Alam ko. Hahaha. "Tss. Wag ka mag-alala Ate. Pag ginalaw ka nung bruhang yun ako gaganti sa kaniya!" Napangiti naman ako dahil dun sa sinabi ni Gwen.
Ilang oras pa lang kami magkakasama pero sobrang dami ko nang alam tungkol sa kanilang lahat. Ang dadaldal eh. Haha.
"May isa pa pala akong tanong, kung pwede."
"Ask us anything, Ate! Kami bahala sagutin lahat!"
Napangiti naman ako saka ako umayos ng upo. "What was his ex like?"
"Ah yun...?" Nagkatinginan sila lahat na para bang nagsasabihan na siya na ang magsabi.
"Ay, wag na pala. Okay lang."
"No, Phen. Ako na sasagot. Since ako lang naman ata nakakaalala dun sa bruhang yun. Hahaha." Sagot ni Ate Karol. "Anyway, yung ex niya na yun, siya lang ang naging girlfriend ni Ariel, well, si Bianca feelingera lang pero never mind na siya, bruha naman siya." Napatawa kami lahat sa way ng pagsasalita ni Ate. Halatang inis siya kay Fuglyducking haha. Kakampi ko nga sila.
"So, ano naaaa dun sa ex ni Kuya Ariel!"
"Ah, oo nga pala. So yun, parehas silang nerd. Naalala nyo naman siguro kung gaao kakapal ang salamin ni Ariel diba? Haha. Actually yung ex niya hindi naman ganun kanerd. Outcast kasi yun, medyo mahina kasi yung katawan niya at parang tatlong ubo na lang. Ganun. Haha. Nagdedate sila sa library, weird diba? Pero, mahahalata mo naman na mahal nila isa't-isa kahit ganun sila pero yun nga bigla na lang silang naghiwalay then nawala si ex. Boom."
BINABASA MO ANG
[HyukStal] Opposite = Love
Teen FictionPhenelope Richards the "Richards'-spoiled-brat-troublemaker" Princess meets Gabrielle Yu the "Yu's-very-good" Prince. Can they prove that opposite attracts? Can they make Opposite = Love? Let's see.