* G A B R I E L L E *
I punched the wall as hard as I can. Kung pwede nga lang sirain 'to ay nagawa ko na. Ramdam na ramdam ko na yung hapdi ng kamao ko pero tama lang sakin 'to. Hindi, kulang pa nga 'to eh.
Napakatanga ko. Sa lahat ng pagkakamali ko ito ang pinakapinagsisisihan ko. Hindi ko dapat ginawa yun. Oo, galit ako pero kanina parang nawala ako sa sarili ko. Para bang nagdilim na lang yung paningin ko at nagawa ko na lang yun.
Galit ako sa kaniya dahil sa ginawa niya. Pero mas galit ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko. It keeps on repeating on my ears. How she begs. How she calls my name. You're so damn stupid, Gabrielle. Fucking stupid.
Umupo ako at sumandal sa pader. Gusto kong iuntog yung ulo ko hanggang sa magdugo 'to at makalimutan ko na lahat.
Tears are non-stop from falling. Alam kong wala akong karapatan umiyak pero tangna naguguluhan talaga ako. Natatanga na ko. Hindi ko na alam kung ano pang mararamdaman ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Para na kong mababaliw sa sobrang lito.
Nasasaktan ako. Physically, emotionally and mentally. Pero alam kong mas nasasaktan siya, si Chrystal. Bakit ko ba kasi ginawa yun!?
Oo, gusto kong layuan ako ni Chrystal pero bakit ganito? Ang sakit. Fuck this life.
Tumayo ako at kinuha ang wallet, cellphone at susi ko. Alam kong mukha kong tanga ngayon but I badly need them. My brothers.
"CNBar now." I hung up the phone. They are the people that I need tge most in times like this. Kailangan ko ata ng sapak nila para natauhan ako.
Pagdating ko ay agad akong pumasok at dumaretso sa may counter. "The usual." I ordered. I buried my wet face on my palms. Wala akong pakealam kung magmukha kong tanga na umiiyak dito habang sila nagpapakawild dun sa dance floor. I badly need to let this out. Baka kung anong mangyari at sumabog na lang ako dito.
Narinig kong tumigil yung tugtog kaya napuno ng reklamo ang buong bar. "Sorry to say but we're close tonight. You can refund your entrance fee at the counter outside. Thank you." That's Jackson.
Nang maramdaman kong wala nang tao sa paligid ko ay iniangat ko na yung ulo ko. "Bring us hard drinks here. Also yung mga tables iset aside niyo."
"Bakit po, Sir?"
"Sumunod ka na lang! Tss! Sirain ko buhay mo jan eh!" Aish. Ang ingay talaga ng lokong 'to. Napatingin ako sa kaniya nang tinapik niya ko sa balikat. "Sige lang. Uminom ka lang. Mamaya tayo mag-uusap pag dating nung dalawa. Libre na lahat ng iinumin mo."
"Wala naman akong balak magbayad eh."
"Aba talagang- pinasara ko yung bar ko para sa-"
"Pwede ba Jackson Alexander Lopez!? Manahimik ka!? Tsk!" Pagalit ni Winter pagkaupo niya.
"Ganiyan kayo sakin ha!? Matapos niyong gamiti-"
"Isang salita, isang sapak. Mananahimik ka sasapakin kita?" Banta ni Adrian pagkapasok niya. Napatawa naman ako nang makita kong nanahimik si Jackson. Mukhang gago.
"Oh anong drama ngayon?" Sabi ni Winter habang nagsasalin ng alak sa baso niya.
"Pag narinig mo. Paniguradong papatayin mo ko." Agad naman siya napalingon at tinapunan ako ng masamang tingin.
"What the fuck!? It is Phenelope!?" I sigh then nod. Lumapit siya sakin at kwinelyuhan ako. I'm expecting this. Alam ko mamaya pagtapos kong magkwento mas grabe pa ang gagawin niya sakin. Malamang Gabrielle, si Phenelope yun eh. Isa sa pinakamahalagang babae sa buhay niya.
"Bro, kalma. Alamin muna natin yung nangyare." Sabi ni Adrian habang inilalayo nila ni Jackson sakin si Winter.
"Kwento, Yu." Sinalinan niya ko ng alak sa baso. Kinuha ko yung baso at ininom lahat ng laman nun. Ipinatong ko yung siko ko sa mesa at ibinaon sa palad ko yung mata ko.
Ready your body, Gabrielle. Ready to die specially to Winter.
I told them everything. I didn't let any single detail out and like what expected... bugbog ang natamo ko.
"Putangina ka, Yu! Hindi ko man maalala kung paano naging kayo o paano kayo naoarating sa ganitong punto pero tangina! Pinagkatiwalaan kitang gago ka! Pinagkatiwala ko si Phenelope sayo kasi akala ko aalagaan mo siya pero putangina ganito pa ginawa mo!?" Tatlo, apat, lima, sampu at marami pang suntok ang natanggap ko mula sa kanilang tatlo. Tama Gabrielle Yu. You fucking deserve it.
I can feel blood, sweat and tears mixing together right now. I look so pathetic. "Kulang pa yan, gago ka. Pero tama na muna yan dahil ayaw ka naman naming patayin. Pero tangina talaga Gab! Hindi ko makita yung rason kung bakit mo pinagbintangan si Phenelope ng ganun eh."
"Doctor told me that. Also, I saw it my two own eyes. Nakita ko yung box ng pills sa bag niya."
"Aish! Totoo nga! Wala ka nga talagang mata! Hindi ko alam kung bobo ka o tanga na parang si Jackson pero sigurado ka ba ha!? Porket ba may nakita kang abortion pills dun sa bag niya ininom niya agad yun? Porket ba sinabi ng iba na nagpaabort siya, totoo na yun? Gabrielle, hindi lahat ng nakikita at naririnig mo tama. Aish! Nahawa ka na ata sa katangahan ni Jackson eh!"
"Putangina, Adrian. Ako na naman nakita mo hayup ka."
Tumayo ako at pinunasan yung nagdudugo kong labi. "She said it. Ayaw niya pa magkaanak dahil gusto pa niyang magmodel. Sinabi niya yun sa harap ko at kung gusto naman talaga niya ituloy yun sasabihin niya agad s-"
"May balak ka ba talagang kuhanin ang trono ni Jackson sa pagiging tanga ha, Gabrielle?" Lumapit na naman sakin si Winter at kwinelyuhan ako. "Hindi ka lang tanga, bobo ka pa. Hindi namin sasabihin sayo yung totoong nangyari. Alamin mo. Pero isa lang ang sasabihin ko sayo, Yu." Naramdaman kong lalong humigpit yung hawak niya sa kwelyo ko. "Mali lahat ng alam mo. At ito ang tandaan mo, simula ngayon hindi na kita hahayaang lumapit kay Phenelope kahit na kaibigan pa kita. Tandaan mo yan." Binitawan niya ko saka naglakad palabas.
Mali ang alam ko?
BINABASA MO ANG
[HyukStal] Opposite = Love
Teen FictionPhenelope Richards the "Richards'-spoiled-brat-troublemaker" Princess meets Gabrielle Yu the "Yu's-very-good" Prince. Can they prove that opposite attracts? Can they make Opposite = Love? Let's see.