31

460 19 2
                                    

Month passed. Anong nagbago? Bukod sa nangyaring aksidente kay Leigh, pagkawala ng memorya niya, pagbabago ni Leigh at pag-alis ni Summer ng bansa wala na. Nakakabaliw pala ang ganito. Hindi pa sakin mismo nangyari ah? Paano kung sakin na? Haha.


Nakahiga lang ako ngayon. Masakit kasi yung puson ko. Oo, meron ako. Medyo nakakadisappoint. Akala ko kasi buntis na ko eh. Nagsusuka at nagkecrave na kasi ako but then suddenly, nagkatagos ako. Actually kanina lang. There's a part of me na nadisappoint, meron ding natuwa. Ewan ang gulo.


Gusto kong tumayo at kumilos pero sobrang sakit talaga ng puson ko. Parang iba eh. Iba yung sakit niya kumpara dun sa monthly kong nararamdaman. I'm so exhausted. Ni hindi ako makagalaw sa sobrang sakit. Ang lamig pa ng pawis ko at para kong nasusuka.


Wala si Evans ngayon dito sa bahay. Nagpaalam siya saking buong araw siyang busy dahil may inaasikaso siya sa company. Medyo bumaba ata yung sales nila kaya namomoblema siya. He even forgot to bring his phone sa sobrang pagmamadali niya eh.


Kahit nanghihina ako ay tumayo ako saka pumunta sa cr. Hindi naman ganun kalakas ang flow pero sobrang sakit talaga. Para nga lang dots eh. Aish. Ano bang nangyayari sakin? Tss.


I look myself at the mirror. Sobrang putla ko. Wala na ngang color yung labi ko halos eh. Pawis na pawis pa ko. Malakas naman yung aircom, bakit pawis na pawis ako? Tsk.


Lumabas na ko at pumunta sa kusina. Nagugutom na ko eh. Bakit ba? Saka baka naman may pain reliever dito si Evans. I badly need one.


Napangiti ako nang may makitang nakahandang pagkain sa mesa. He never forget to prepare food for me pero yung phone niya nakakalimutan niya. Baliw talaga. Haha.


Kumain na agad ako dahil nagwawala na ang mga nilalang sa tyan ko. Syempre, masarap. Asawa ko kaya nagprepare nito. Ahem. Proud wife here! Haha.


Pagtapos ko kumain ay nag-umpisa na kong maghanap ng pain reliever. But sad to say, wala. Hindi ko naman kayang lumabas dahil nanghihina nga ako sa sobrang sakit. Wala rin naman akong matatawagan dahil lahat sila busy. Si Rae busy sa boutique niya. Si Candice as ibang planeta ata. Yung Kang Girls naman paniguradong naggagala yun. Yung boys naman busy sa companya. Hay.


Tutulog na nga muna ko. Baka sakaling mawala yung sakit. Hay buhay. Bakit ba ko babae.


---


Nagising ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Damn. Para kong nabugbog ng sampung tao sa sakit. Tinignan ko yung orasan, halos isang oras lang pala ko nakatulog. Fuck. Ang sakit.


Evans, please umuwi ka na.


Should I go to hospital? Pero hindi ko na kayang magdrive! Tumawag kaya ko ng ambulance? But damn! I don't know their number! Argh. I feel like dying. Hindi normal 'to.


Pinilit kong tumayo kahit hindi ko kaya. I grab my bag and put on the shoes. Wala na kong paki kung anong itsura ko. I badly need to go to hospital.


Kahit nanghihina ko ay lumabas ako at pumunta sa elevator. I quickly pressed the down button. Saktong pagpindot ko naman ay siyang bukas nito.


B-bakit siya yung dumating? Bakit di si Evans?


"Elo! What happened to you?" Nandidilim na yung paningin ko pero pinilit kong tumayo pa rin. Kumapit ako sakaniya dahil feeling ko bumabaliktad na yung mundo ko. "Elo! Damn! Huy! Okay ka lang ba!?"


Gusto ko siyang sagutin pero nanghihina na talaga ko. Mas hinigpitan ko yung hawak ko sakaniya. "Ho... hospital..." and there, everything gone black.

[HyukStal] Opposite = LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon