Last Chapter

796 26 4
                                    

* P H E N E L O P E *

5 months already passed. Oo, ganun talaga kabilis ang oras pag masaya ka. Haha. Ay hindi pala ko masaya ngayon. Naiirita kasi ako! Ito naman kasing Evans na 'to tulog ng tulog!

"Hoy Evaaaaaans!!!" Gising ko sa kaniya. Aish.

"Ano ba yun? Chrystal, ala una na ng umaga."

"Alam koooo! Pero kasi nagugutom ako."

"Gutom ka na naman?" Umayos siya ng upo saka kinuha yung salamin niya at sinuot yun. Ay ang gwapooooo! "Ano bang gusto mong kainin?"

"Hmmm... hotdog!"

"Seriously?"

"Yes. Gusto ko ng hotdog!" Napakunot ako ng noo nang makita kong nagsmirk siya. Napalaki ako ng mata nang iihiga niya ko saka siya pumatong sakin at tinanggal yung t-shirt niya.

"Yun lang pala. Kakatapos lang natin kanina ah? Pero kung gusto mo. Sige. Dapat kanina mo pa sinab—"

"Ya! Ano bang iniisip mo!" Inis ko siyang tinulak saka binato sakaniya yung t-shirt niya. "Hindi yung iyo! Yung literal na hotdog gusto ko! Yung may cheese sa loob!"

"Malay ko ba! Ayusin mo kasi! Tss."

"Pervert. Magluto ka na sige na." Sinipa ko yung butt niya. Humiga ako saka tumingin sa kisame naming may nakadikit na mga glow in the dark na stars.

Hindi ko na lang mapigilan mapangiti tuwing naalala ko kung gaano ko kamahal ni Evans. Argh. Ang swerte ko. Haha.

I close my eyes and slowly... I fell asleep.

* G A B R I E L L E *

Tss. Malay ko ba. Makahotdog naman kasi siya wagas eh. Tsk!

Tulad nga ng utos ng mahal kong reyna ay nagluto na ko. Buti na lang talaga meron pa ditong hotdog kundi baka napatakbo na naman ako sa convinience store ng wala sa oras.

Paano ba naman kasi nung isang araw, nagutom siya ng ganitong oras din. Gusto daw niya ng seafood ramen. Sa kamalasan ng buhay wala na kaming stock. Kaya ayun ngumawa siya. Literal na ngumawa kaya no choice kundi tumakbo ako papuntang store! Ang nakakahiya pa. Nakaboxer at sando lang ako nun habang nakapambahay na tsinelas. Oh diba? Ang saya!

Matapos kong iluto yung hotdog ay inilagay ko na yun sa plato at dinala sa kwarto pero pagdating ko? Ayun, tulog na tulog na ang baliw.

Inilapag ko sa table yung plato saka ako tumabi sakaniya at pinitik ng mahina yung noo niya. "Baliw ka talaga kahit kelan. Paluto luto ka tas tutulugan mo ko? Tss. Kung hindi lang talaga kita mahal eh. Eh kaso mahal kita kaya okay lang. Sleep well, My Queen." Inangat ko yung ulo saka ipinatong yun sa dibdib ko. Agad naman akong napangiti ng yakapin na naman niya ko kasama ng binti niya. Haha. I'm a human pillow again. Sanayan lang yan.

I caressed her hair and kiss her head. "I love you so much, Phenelope Chrystal Yu."

---

* P H E N E L O P E *

Kinabukasan ay nagdesisyon kaming pumunta ng OB-Gyne. Ayokong umasa pero wala namang mawawala diba? Saka lahat ng 'to, naranasan ko noon. Malay natin diba?

"What ever the result is. Hindi ka malulungkot. Promise?"

"Promise." Tinanguan niya ko saka kami lumabas ng kotse. He held my hand saka kami naglakad papasok ng clinic. Pinaalalahanan niya kong wag akong kakabahan pero siya 'tong malamig ang kamay. Hahaha.

[HyukStal] Opposite = LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon