* P H E N E L O P E *
Wasted. I feel so wasted right now. Sobrang nanlalambot ako habang yung luha ko patuloy lang sa pagbagsak.
Napahawak ako sa tyan ko. My baby...
3 days... 3 days nang patay ang anak ko sa tyan ko. Napakatanga ko para di ko malaman yun. Ang tanga tanga ko. Napakapabaya ko.
Simula pa lang sinabi na saking mahina na ang hawak ng bata kaya iwasan ko ang stress dahil malaki ang possibility na malaglag ito. At ito na nga, nangyari na. Napakatanga ko. Napakairresponsable ko. Nang dahil sa kabobohang taglay ko nawala ang anak ko.
"Anak, kumain ka na. Lalo kang manghihina niyan kagabi ka pa hindi kumakain."
"Ayoko." Ayoko nang kumain. Ayoko nang gunalaw. Gusto ko nang mamatay.
Naramdaman kong niyakap ako ni Mommy saka pinunasan yung luha ko. "Alam kong masakit, Anak. Pero tanggapin na lang natin. Siguro, hindi pa talaga oras na magkaanak ka."
"No, Mom. Tanga kasi ako eh. Ang bobo bobo ko kasi kaya nawala ang anak ko sakin. Napakatanga ko kasi, Mommy."
She tighten her hug on me. I can hear her sniffs too. "Hindi ka tanga, Anak. Hindi lang talaga 'to ang tamang oras." Hinarap ko si Mommy at niyakap siya. I cry and cry as hard as I can.
Gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko. Gusto kong iiyak lahat ng luha ko. I'm so stupid. Bakit... ba kasi napakatanga ko?
After hours of crying, I finally get to rest my eyes. Nakatingin lang ako sa pinto. Alam kong hindi siya dadating pero wala namang masama kung aasa ako diba? Siguro naman may paki pa rin siya sakin.
Napabalingkwas ako nang bumukas yung pinto pero agad din naman akong nakaramdam ng dissappointment. "Elo."
"Oh Niel."
"Hindi ka pa rin ba kumakain?" I avoid his gaze. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng inis sa kaniya.
"Wala akong gana."
"Elo naman."
"Ano?"
"Kahit konti naman kumain ka—"
Kinuha ko yung paper bag na ipinatong niya sa kama ko at tinapon yun. "AYOKO NGA DIBA!? PWEDE BA!? TIGILAN NIYO NGA KO! Hindi ko kailangan ng awa niyo!"
Lumapit siya sakin at niyakap ako. I tried to get away from his hug pero mas hinigpitan lang niya ito. "Hindi kita kinakaawaan. Nag-aalala ako sayo. Please Elo. Kumain ka na."
Tinanggal ko yung yakap niya sakin. "Ayoko. Wala akong gana."
Hindi ako nagiinarte. Wala talaga kong gana. Ni hindi nga ko nakakaramdam ng gutom eh. I tried to eat some biscuits pero wala talaga. Hindi siya tinatanggap ng tyan ko.
"Pumunta ba siya?" Tanong ko kay Niel.
"Si Yu?" I nod. "Yeah. Nung isang gabi. Nung dinala kita dito." Pumunta pala siya. So alam na niya?
I turn my head right. Ayan na naman yung luha ko walang tigil na naman sa pagtulo. Hindi dapat ganito eh. We were supposed to be happy by now. Dapat nung araw na yun ko sasabihin sa kaniya na magkakaanak na kami eh. Dapat... dapat surprise eh. Pero bakit ganito yung nangyari? Diba dapat by now ayos na kami. Dapat nag-iisip na kami ng pangalan pero bakit ganito? Bakit yung... yung regalo ko sakaniya nawala?
Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Niel at pinunasan yung luha ko. "I'm sorry, Elo."
"Ha?"
"Wala. Wag ka mag-alala, Elo. Aalagaan kita. Magiging okay din ang lahat."
---
* N A T H A N I E L *
I caressed her hair as I stare at her face. Buti at nakatulog na siya. Simula nung naraspa siya hindi siya tumigil sa pag-iyak. Nagdesisyon na rin yung parents niyang palagyan siya ng dextrose dahil nga ayaw niyang kumain.
Consience is killing me. Alam kong pagnalaman ni Elo lahat ng ginawa o sinabi ko, magagalit siya sakin. Nakokonsensya ko pero hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng saya ngayong alam kong maghihiwalay na sila ni Yu.
"Mapapasakin ka na, Elo. Akin lang."
---
* P H E N E L O P E *
Sa isang linggo kong pagsstay sa ospital hindi ko siya nakita. Gwen and his Mom visited and comfort me pero siya? Miski anino niya wala.
Nakadischarge na ko. We're on our way to Jung's house. Dun daw muna ko magstay para maalagaan nila ko. I insist at first pero wala rin akong nagawa.
"Baby, do you want something?"
"I want Evans."
"P-pero Bab—"
"I said I want Evans! Gusto ko nang umuwi dun sa bahay namin! I want to ta—"
"PHENELOPE RICHARDS I SAID YOU CAN'T! Uuwi ka dun para ano!? Para gaguhin niya!? Para tratuhin kang parang hangin!? Hindi. Hindi ka uuwi dun!" Napatigil ako sa pagtatantrums ko nang sumigaw si Daddy. Nagulat ako dahil ito ang unang beses na sigawan niya ko. He never yell at me. Dad is a happy person hindi siya nagagalit pero ngayon... galit na galit siya.
Hanggang sa makarating kami sa bahay ay wala nang nagsalita samin. Different thoughts are running to my head. Mababaliw na ata ko.
Nakaupo lang ako sa kama ko staring at my ring. Okay pa naman tayo diba? Magiging okay pa tayo.
BINABASA MO ANG
[HyukStal] Opposite = Love
Teen FictionPhenelope Richards the "Richards'-spoiled-brat-troublemaker" Princess meets Gabrielle Yu the "Yu's-very-good" Prince. Can they prove that opposite attracts? Can they make Opposite = Love? Let's see.