18

628 27 4
                                    

* P H E N E L O P E *


Dahil nga sa bwisit na lalaki na yun na hindi marunong tumupad ng promise niyang sasamahan niya ko sa shoot ko ngayon, ang kasama ko tuloy ngayon ay itong si Niel. Though, comfortable ako with him, hindi pa rin mawala yung inis ko sakaniya.


That was the very first time na pinagtaasan niya ko ng boses! At oo inaamin ko, nasaktan ako dagil sinabi niyang nakakainis ako. I wasn't expecting that. He told me na kahit gaano pa ko kademonyita hindi niya ko susukuan pero kanina halos kainin niya ko ng buo.


Aish bwisit talaga yung babaeng yun! Kakalbuhin ko talaga siya! Tsk!


"Elo, maawa ka dyan sa baso. Mababasag na oh." Napatingin ako sa hawak ko baso at dun ko lang narealize na sobrang higpit na pala ng hawak ko dun. "Want more?"


"Yes, please." He nod and pour another drink for me. Tapos na nga pala yung shoot ko at nandito kami sa bar ni Jackson— malamang umiinom.


"Selosa ka pala."


"Ha?"


"Kahit 'di mo sabihin, halatang halatang nagseselos ka."


"I'm not." Simpleng sagot ko saka ininom lahat ng nasa shot glass ko. "Bakit naman ako magseselos? Ano ba siya sakin? He's just a nobody."


Kinuha ko yung bote ng liquor saka sinalinan ko yung baso ko. "A nobody. Edi kampihan niya yung babaeng yun. Wala naman akong paki eh." Tulad ng ginawa ko kanina ay tinungga ko yung liquor sa baso ko.


"Sana pala, nobody na lang din ako."


Agad akong napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya, "H-ha?"


"So you'll in love with me, too."


"I-inlove!? You're crazy! Hindi ako inlove sa lokong yun 'no! Saka ano bang sinasabi m—!?"


I was taken aback when he got closer to me. "H-hoy—"


"I like you, Elo." Ewan ko ba pero biglang bumilis yung tibok ng puso ko habang sinasabi niya yun at nakatitig sa mata ko. "Sayang lang dahil naunahan ako. Sana ako yung nobody mo ngayon."


"N-Niel." Nilayo niya yung mukha niya sa mukha ko. Kinuha niya yung bote saka sinalinan yung glass niya at tinungga yun.


Napahawak ako sa dibdib ko. It's not the first time na may nagconfess sakin pero first time kong kabahan ng ganito habang mag nagtatapat sakin. Parehas na parehas 'to nung inamin ni Yu sakin na nagseselos siya. A-anong ibig sabihin nito?


"Hindi naman kayo seryosong kasal diba?" Humarap siya sakin at nginitian ako. "Can you give this fool a chance?"


"Niel..."


"Please Elo? Let me get closer with you."


"Okay. Hindi na kita pagbabawalang kausapin siya. Just promise me that you will not get too close."


Napatayo ako nang biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Yu. You will not get too close.


"Elo?"


"A-ano. Medyo nahihilo na ko. I want to go home. Let's go." Hinawakan ko yung braso niya at hinila siya papalabas ng bar.


Hindi naman talaga ko madaling malasing. I have high alcohol tolerance at kayang kayang kong uminom ng kahit ilang alak it's just— Aish! Of all moments, bakit ngayon pa pumasok sa isip ko yun!? Stupid man kind.


Sumakay na ko agad sa kotse niya at ganun din naman siya. Argh! This is so awkward!


Buong byahe tahimik lang kami. Nang makarating kami sa parking lot ng condominium ay dun lang ako nagsalita. "Kahit hindi seryoso 'to, I'm still married with him. Yes, I know I look stupid for not knowing my own feelings pero... ewan. This is all first time to me. Lahat 'to bago sakin. I can't promise to give what you want, Niel. But... But I can give you friendship instead!" I try to sound more cheerful kahit mukha kong tanga. Aish. Sa lahat lahat ng nireject ko sakaniya ko nahirapan.


He's good looking. Sobrang gwapo nga niya eh. He's also kind and friendly. Sa sobrang komportable kong kasama siya, I even invite him to my shoot and let him watched me. I even open up to him. Pero— kaibigan lang eh.


"It's getting late, Elo. Tara. Baka hinihintay ka na ng asawa mo."


"Are you angry?"


"Nope. Just hurt. Mahaba pa naman ang panahon, I can still change your mind. Pwede pang maglevel up yang friendship na inooffer mo." He gave me his boyish smile. Tsk. Bakit ba pag ngumingiti din siya nawawala rin mata niya? Para siyang si Yu. Tsk!


"Let's go up."


"Yeah." Lumabas na ko ng kotse niya at ganun din siya pero parang wrong move ata yung ginawa kong paglabas agad dahil saktong pagbaba ko ay paglabas nung dalawa pests.


"Oh, magkasama pala kayo." Walang emosyong sabi niya paglapit niya samin. Napatingin ako sa kotseng katabi ng kotse ni Niel. Pfft. Kanya pala 'to.


"Obviously. He fulfill someone's promise kasi eh." Tinalikuran ko na sila at hinila papasok si Niel sa building. Hindi sadyang napatingin ako sa kanila habang nag-aantay ako ng elevator at nakita kong hinalikan na naman niya yung peste niyang best friend. Wow ha. Promises are really meant to be broken.


Pipindutin ko na sana yung close button nang harangin niya yung pinto saka siya pumasok. Bwisit sana naipit na lang siya. Tsk!


Hanggang sa nakarating kami sa floor namin ay walang naimik. Kahit tahimik lang siya ay sobrang nakakaramdam ako ng inis at parang gusto ko siyang isprayan ng pesticide sa mata. Aish.


Habang naglalakad kami papuntang unit namin ay nasa likod ko lang siya. Nang nasa harap na kami ng unit namin ay hindi muna ko pumasok.


"Hey, Niel. I just get to think about it, pumapayag na pala ko." Nakangiting sabi ko kay Niel.


"Ha?"


"Narealize ko na tama pala yung sinabi mong hindi seryoso 'to. So there, I'm giving you a chance. Saka pala..." Lumapit ako sa kaniya and give him a peck on cheeks. "Thank you for fulfilling someone's promise. See you tomorrow." I waved at him saka ako tumalikod at pumasok sa unit.


You want war? I'll give you war. Baka nakakalimutan mo, I'm Phenelope Chrystal Ricards, Richards' spoiled brat trouble maker Princess. Your develish wife, Mr. Gabriell Evans Yu.

[HyukStal] Opposite = LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon