Chapter 2

16 3 0
                                    

Adelaide POV

Ngayon ang araw ng moving up ceremony namin sa junior high school.Di ako makapaniwalang magiging senior high school na ako next year.

"Adelaide"

Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko, akala ko si Aiden.Nagkamali ata ako ng pandinig.

"Ano yon Mark?"

"May nagpapabigay kaklase natin"

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Kaklase natin?"

Tumango sya at umalis agad matapos maiabit ang maliit na box .Inilibot ko ang paningin  ko sa mga kaklase ko pero wala akong ideya kung kanino to galing.Imposibleng namanh ang mga kaibigan ko o baka may nagpraprank lang sakin.

Dahan dahan kung binuksan ang box at pagkabukas ko ay may kwentas sa loob.Moon pendant ang nakalagay sa kwentas at mukang mamahalin.May card din na nakalagay sa loob.

To my classmate that I secretly admire for a long time,
Congratulations!Goodluck to your next journey.
                            - Your future husband

Omg!sino tong damuhong to.
Tinignan ko isa isa ang mga kaklase ko at wala talaga akong ideya kong sino sakanila ang nagbigay.Wala naman atang nagkakagusto sakin sa room,maliban kay Aiden--- teka baka kay Aiden galing ito,pero malabo.

Hanggang natapos ang moving up ceremony ay wala akong ibang inisip kundi ang box na yon.

Papaalis na sana kami ng school nila mama pero biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Adelaide!"

Paglingon ko ay si Aiden pala.Binati nya sila mama pagkatapos ay pinauna ko na muna sila.

"Anong meron?"
Kunot noong tanong ko.

"May ibibigay lang ako"

Hinawakan nya ang kamay ko at nilagay sa palad ko ang isang kwentas.
Literal na kwentas,hindi sya nakalagay sa box kumpara sa binigay ng di ko kilalang classmate ko raw kanina.

"Para saan to?"

"Graduation gift ko sayo AS A FRIEND"

Natawa ako sa naging sagot nya,diniin niya talaga ang linyang AS A FRIEND.

"Di ko naman kailangan ng graduation gift AS A FRIEND"

Diniin ko rin ang AS A FRIEND SA dulo gaya ng ginawa niya.Natawa nalang kaming pareho sa sarili namin.Kami lang siguro yong mag ex na ganto,nagbreak pero parang walang nangyari.

"See you in next life"

Natigil ako sa pagtawa sa sinabi niya.

"Hindi magandang biro yan Aiden"

"Biro lang"

Ilang segundong naging tahimik sa pagitan namin at walang nagsalita.

Babasagin ko na sana ang katahimikan pero naunahan niya ako.

"Goodluck sa next school na papasukan mo"

Lilipat na kasi ako ng school.Sa Taguig na ako mag aaral ng Senior High School at hindi na dito sa Pangasinan.

Tinapik ko ang balikat niya at ngumiti.
"Ikaw din,goodluck din sayo.Wag ka ng magpapasaway masyado"

Nagkuwentuhan kami saglit bago ako nagpaalam sakanya.

"Una na muna ako,nag aantay sila mama sa labas"

"Pwede bang humingi ng birthday gift in advance?"

"H-ha"

"Birthday ko next week,remember?"

Oo nga pala birthday niya na next week pero wala na ako dito sa Pangasinan sa araw na yon.

"Anong gift ba ang gusto mo?"

"Hug"

"H-hug?what?"

"Yakap sa tagalog Aidelaine"

"Bakit hug?"

"Please?"

Bago pa man din ako makasagot ay bigla na nya akong yinakap.

"Just give me a 10 second hug AS A FRIEND"

Di na ako umimik at hinayaan ko nalang sya.Ilang saglit pa ay kumalas na rin sya sa pagkakayap.

Ngumiti sya sakin.Isang klase ng ngiti na hindi pilit kundi puno ng saya.

"Thank you sa advance gift Adelaide"

Bago ako makasagot ay tumalikod na sya at naglakad papalayo.Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga oras na yon.

Habang pinapanuod ko sya maglakad papalayo sa akin ay parang may kakaiba akong nararamdaman.Bakit nga ba kami nagbreak ng ganon kadali?Siguro nga masyado pa kaming bata para sa mga bagay na to.

Napatingin ako sa kuwentas  na binigay nya.Meteor Shower pendant ang nakalagay.Kanina theres a 25% part of me na umaasa na sakanya galing yong box pero ngayon ang 25% na yon ay wala na.It was not him.


           
                 

Corduroy DreamsWhere stories live. Discover now