Adelaide POV
"Hindi ka parin daw lumalabas ng kwarto simula nang makauwi ka sa bahay niyo"
Andito ngayon si Lennox sa bahay.Isang linggo na simula nang nakauwi ako sa bahay.
"Addy....tingin mo ba matutuwa si Aiden pag nalaman niyang hindi mo inaalagaan ang sarili mo?"
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at pumikit.Naiiyak nanaman ako.
"Hindi ko parin matanggap Lennox"
Hinaplos haplos niya ang buhok ko habang nakasandal ako sa balikat niya.
"Shhhh....dont cry.Aiden dont want you to see you crying"
"Wala pang isang araw ang lumipas nong sinagit ko siya,bumisita pa kami sa puntod ni kuya,pumunta pa kami sa bahay nila at pinakilala niya na ako bilang girlfriend niya sa mga magulang niya..."
Sa tuwing inaalala ko sobrang naiiyak ako.Ansakit sakit sa pakiramdam.
"Hinatid niya pa ako sa bahay at yon na ang huling alaala na meron ako sakaniya..."
Pinipilit akong patahinin ni Lennox pero hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag iyak.
"Sana nagpaalam ako sakaniya bago umalis ng bahay nong gabing yon...hindi ko manlang siya nagawang itext o tawagan bago umalis ng bahay"
Napahagulgul na ako sa pag iyak at yinakap ako ni Lennox.Simula nang magising ako sa ospital walang araw na hindi ako binisita ni Lennox,anjan siya lagi sa tabi ko hanggang sa nakauwi na ako ng bahay lagi niya parin akong binibisita.
"Aiden is happy now that youre alive"
Ilang minuto akong umiyak habang nakayakap kay Lennox at nang napakalma ko na ang sarili ko ay dahan dahan akong kumalas mula sa pagkakayakap sakaniya.
"See?pumapanget ka pag umiiyak ka"
Pinunasan niya ang muka ko at pinisil ang pisngi ko.Naalala ko tuloy ulit si Aiden,lagi niyang pinipisil ang pisngi ko dati.
"I want to visit Aiden"
Simula nang makauwi ako sa bahay ay hindi pa ako nakalabisita sa puntod ni Aiden.Wala pa akong lakas ng loob noon na pumunta sa puntod niya dahil ayaw ko parin maniwala na wala na siya at ipinagdadasal ko bago ako matulog na sana pagising ko katabi ko na siya,na sana panaginip lang lahat nang to pero sa tuwing gumigising ako,walang Aiden sa tabi ko.
"Are you sure?"
Tumango ako sakaniya at pinilit kung ngumiti.Inayos ko ang sarili ko at pumunta kami sa puntod ni Aiden.Katabi ng puntod niya ang puntod ng kuya ko dahil yon sinabi niya sa mga magulang niya na kung mawala raw siya ,gusto niya na katabi niya ang puntod ng kuya ko.
Inilapag ko ang mga bulaklak na dala ko sa puntod ng kuya ko at sa puntod ni Aiden at nagtirik ako ng mga kandila.
Unti unti nanamang tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa puntod ni Aiden.Sinamampal na ako ng realidad na wala na talaga siya,at sobrang sakit na hindi manlang ako nakapunta sa burol niya,wala ako nang panahon na kailangan niya ako sa tabi niya,hindi ko manlang siya nakita sa huling segundo ng buhay niya.
"Aiden.....andaya mo naman,bakit hindi mo sinabi sakin na may sakit ka?"
Hinagod ni Lennox ang likod ko para mapatahan ako sa pag iyak pero balewala yon dahil tuloy tuloy ang pag agos ng luha sa mata ko kahit na paulit ulit kong pinupunasan ng panyo.
"Bakit hindi mo sinabi sakin na may heart disease ka?"
Napahawak ako sa bibig ko at napahagulgul ng iyak.Nalaman ko na namatay si Aiden dahil sa heart disease.Isa sa main reason kaya sila lumipat sa Taguig ay para sa operasyon niya sa puso pero hindi pa sila nakahanap ng heart donor.Inamin sakin nila mama na alam nila ang tungkol doon,at nagkita at nakapag usap na sila ng mga magulang ni Aiden bago kami nagkita ulit sa school.
"Diba sabi mo gusto hindi na tayo maghihiwalay ulit?sabi mo gusto mo pa akong makita maglakad papunta sa altar at magpapakasal pa tayo?"
Kung sana nagising ako agad,nakita ko pa si Aiden.Kung sana nagising ako agad,nakasama ko pa siya.Andaming oras na nasayang.
"Pano na ako ngayon?iniwan mo akong mag isa?ang sakit Aiden,andami ko pang gustong gawin kasama ka...."
"Addy,I have to tell you something"
Napatingin ako kay Lennox nang bigla siyang magsalita.
"Matagal ko na tong gustong sabihin sayo pero pinigilan ako ni Aiden dati"
"Ano yon?"
"Aiden and I know each other bago pa man siya lumipat sa school natin"
"W-what?"
"Do you still remember what I've said to you when we are grade 11?na may iniligtas akong nalulunod na lalaki when we are having an outing with my family?"
"N-naalala ko"
"The guy that I saved that time was Aiden"
"What!?"
"I just know his face that time and not by his name but on the other day I saw him here in Taguig and he is talking with youre brother"
Biglang nag sink in sa utak ko ang sinabi sakin ni Aiden dati na nagkita sila ng kuya ko sa Taguig nang sinundan niya ako dito.
"Lumapit ako sakanila at pinakilala ako ng kuya mo as youre bestfriend to Aiden"
Hindi naikuwento ni Aiden yon,dahil ang nasabi niya lang sakin ay nagkita sila ng kuya ko.
"Its not coincidence na naging kaklase natin si Aiden,before we go to college he contacted me through messanger at tinanong niya ako kung saan ka mag aaral at kung anong course ang kukunin mo"
"Bakit ngayon mo lang sinasabi lahat to?"
"Because he said that he wanted to say it personally to you"
"Pero hindi niya pa nababanggit sakin...ang akala ko siya ang iniligtas ng kuya ko.I suspected him before that he was the guy that my kuya saved 2 years ago"
"I just acted that I dont know him when you first see him in our school because thats what he want"
"Ibig sabihin.....alam mo na may sakit na siya dati pa?"
Dahan dahang napatango si Lennox.Ibig sabihin ako lang ang hindi nakakaalam.Nag unahan nanamang tumulo ang mga luha ko.Bakit hindi nila sinabi sakin agad?Napakaunfair nila.
Yinakap ako ng Lennox pero hindi ko siya yinakap pabalik.Hinaplos niya ang ulo ko at pilit na pinapatahan ako.
"Im sorry Addy...."
Parang bangungot ang lahat ng to,isang bangungot na gusto kong kumawala at magising.Hindi ko matanggap lahat ng nangyari.Sobrang sakit,sobrang bigat sa pakiramdam.
"Aiden wants you to be happy,finished the course that you really want and pursue your dreams,he dont want to see you suffering like this"
"Gusto ko pumunta sa bahay nila Aiden"
Kumalas siya mula sa pagkakayakap sakin at pinunasan ang mga luha ko.
"Lets go"
Gusto ko makita ang mga magulang ni Aiden at gusto kong makita ang kwarto niya kahit sa huling beses man lang.
YOU ARE READING
Corduroy Dreams
Teen FictionAdelaide moved to another school and saw her ex again 2 years ago when they were in high school. The two of them got back together and promised each other that they would never separate but their promise did not become true because one day...