Chapter 12

6 1 0
                                    

Adelaide POV

"Pero nakipagbreak ka din sakin after 1 week"

Wala akong maisagot.Parang umatras yong dila ko sa mga sinabi ni Aiden.

"Adelaide?Aiden?kayo na ba yan mga anak?"

Napatingin kami bigla sa nagsalita at si Ma'am Fortalejo pala.Ang adviser teacher namin nong grade 10.

"Ma'am!"

Yinakap ko bigla dala ng excitement.Sa lahat ng techers ko dati sya ang pinakanaging close at favorite teacher ko.

"Kumusta na kayo ma'am,ang ganda ganda niyo parin"

"Naku,bolera ka parin talaga Adelaide"

Napatingin si maam kay Aiden na nakatingin lang at hindi umiimik.
Kung gano nga pala ako ka close sa mga teachers namin dati,kabaliktaran naman ni Aiden.

Kinausap ko nalang ulit si maam para
malibang sya at di na sitahin si Aiden.

"Anlaki na ng pinagbago ng school na to ma'am,ngayon nalang ako uli nakabisita dito afrer 2 years"

"Naku Adelaide,bago na ang principal dito ngayon at andami niyang ng projects na nagawa sa school na to"

Napatingin uli si maam kay Aiden at pagkatapos ay ngumiti sya saming dalawa

"Natutuwa ako at hindi parin kayo naghihiwalay "sabi ni ma'am.

Nakita kung napangiti si Aiden sa sinabi ni ma'am.

Hindi ba updated si ma'am na nagbreak kami ni Aiden befire the before the moving up ceremony dati?

"Uhmm..matagal na po kaming----

"Ganon po namin kamahal ang isat-isa, di namin kayang maghiwalay"

Biglang sumabat si Aiden at inakbayan ako.

"Aiden!"

Tumawa si ma'am Fortalejo sa naging reaksyon ko.

"Nakakatuwa talaga kayong tignan,"

"Ma'am nagsi-----

"Mauna na muna ako sainyo at may meeting pa kami,masaya ako at nakita ko ulit kayong dalawa"

Pagkatapos magsalita ni ma'am Fortalejo ay umalis na sya.

"Ma'am matagal na po kaming bre-4ajxmslahxks

Tinakpan ni Aiden ang bunganga ko nangg sumigaw ako kaya di na ako narinig ni ma'am Fortalejo.

Inapakan ko ang paa niya kaya nabitawan niya ako.

"Aray!"

"Bat ka nagsinungaling kay ma'am Fortalejo?"

"Magiging totoo din naman ang sinabi ko"

"Ha?"

"Nevermind, lets go"

Hinawakan niya uli ng mahigpit ang kamay ko at bumalik na kami sa kotse .

"Tigil tigilan mo nga ang kakahawak sa kamay ko,hindi kita boyfriend, oky?"

"Correction, hindi Pa "

"Ha?"

"Tigil tigilan mo nga yang kakasalita mo ng ha kung ayaw mong halikan kita jan"

Napalunok ako bigla sa sinabi niya at di na nagsalita.Takot ko nalang baka totohanin niya .

Pinaandar na nya ang kotse.Akala ko uuwi na kami pero ang direksyon na dinaanan niya ay pamilyar at tama nga ang kutob ko kung san ito papunta.

Corduroy DreamsWhere stories live. Discover now