Chapter 11

7 1 0
                                    

Adelaide POV

Sana naman maging maganda na ang araw na to para sakin.Apakapangit ng araw ko kahapon !

Chinat ko si Lennox pero di manlang ako nireplyan.Pumasok tuloy ako mag isa.

"Asan ang mga tao dito?"

Pagdating ko sa classroom walang tao kahit isa.Tinignan ko ang oras sa relo ko, its already 12:35 pm.

"Hindi ka ba tumitingin sa schedule mo?"

May biglang nagsalita sa likod ko kaya sa sobrang gulat ko nabitawan ko ang cellphone ko.

"Omg!My phone..."

Pinulot ko agad ang cellphone ko bago lumingon sa nagsalita sa likod ko.Buti nalang di nabasag huhu, highly recommended ang shockproof case na binili ko sa shopee.

"Ano ba Aiden nakakagulat ka"

Bat ba pumasok na sya.Tsk.

"Wala tayong klase ngayon."

"Ha?"

"I said, wala tayong klase ngayon"

"E-ehh bakit andito ka?"

Napatingin ako sa suot nya at hindi sya nakauniform.

"Sinundan kita."

"Ha?"

"Ha ka ng ha, halikan kaya kita jan"

Napatigil ako bigla sa sinabi ni Aiden at napahawak ako sa labi ko.May naalala ako bigla.

"Bakit di ka makaimik?may naalala ka ba sa kiss?"

Ngumiti sya at kumindat sakin kaya tinarayan ko sya.Tinalikuran ko sya at nauna na ako lumabas ng classroom.

Narinig ko syang tumawa bago sumunod sakin.Hindi ko alam pero bawat araw parang nadadagdagan ang inis ko sakanya.

Bigla nya akong inakbayan ng maabutan nya ako pero inalis ko rin agad.

"Ano ba Aiden!Di ka na nakakatuwa"

Tinaas nya ang dalawang kamay nya habang nakangiti.
"Ops,nagagalit na ang future wife ko"

Sinamaan ko sya ng tingin at naglakad uli pero sumunod uli sya at sinabayan ako maglakad.

"Wag mo nga akong susundan ,uuwi na ako"

"Uuwi ka na agad?sasayangin mo lang ang magandang araw na to kung uuwi ka na"

"Masisira lang ang araw ko kung anjan ka"

"Bat ba ansama ng timpla ng dugo mo sakin?"

"Kasi nakakainis ka"

"Okay fine,sorry"

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

"Ha?sorry saan?"

"Sorry kasi naiinis ka sa mga ginagawa ko?"

Magsasalita sana ako ulit pero naunahan na nya ako.

"May alam akong lugar na magandang puntahan, lets go"

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at tumakbo .

"Aiden ,bitawan mo yong kamay ko!"

Hindi nya ako pinansin at nagpatuloy lang sya sa pagtakbo hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Sakay"

Napatingin ako sa kotse na nasa tapat namin ngayon.

"Sayo to?"

Corduroy DreamsWhere stories live. Discover now