Chapter 13

6 1 0
                                    

Adelaide POV

Tahimik lang akong kumakain ngayon kasabay sila Aiden at ang lolo at lola niya.Hindi ko parin makalimutan ang nangyari kanina,ang awkward tuloy humarap kay Aiden pero bakit parang wala lang sakanya, he is acting normal.

"Iha kumain ka pa ng marami,wag ka mahiya"sabi ng lola ni Aiden,napakabait ng lola at lolo niya,sobrang welcome ako sa bahay na to.

Nilagyan pa ng ulam ni Aidena ang plato ko dahil katabi ko sya at katapat naman namin ang lolo at lola niya

"Mabuti naman at napadalaw kayo dito"sabi ng lolo ni Aiden kaya ngumiti nalang ako.

"Ano nga uli ang pangalan mo iha?"
Tanong ng lola ni Aiden.

"Adelaide po..."

"Napakagandang pangalan...naalala ko na ,ikaw yong kaisa isang babaeng bukambibig nitong apo ko mula elementary"

Napatingin ako kay Aiden na tahimik na kumakain sa tabi ako at hindi manlang ako tinignan.

"Bumibisita sya dito tuwing sabado at sa tuwing bumibisita sya palagi syang may dalang kuwento tungkol sayo"

Nacurious ako kaya nagtanong na ako."Ano pong sinasabi niya?"

Nagtingin ang lolo at lola ni Aiden at tumawa ng sabay.Napaka genuine ng ngiti nila sa isat isa ,makikita mo kung gano parin sila kainlove sa isat isa.

"Nong elementary palang sya palagi niyang sinasabi na may kaklase siyang babae na gusto niya pero hindi nakakausap dahil mahiyaing bata ito si Aiden,takot yan sa maraming tao dati ,madalas hindi makihalubilo sa maraming tao"sagot ng lola niyan

Kaya siguro hindi ko maalala na naging kaklase ko sya nong elementary.

"Paulit ulit bukambibig ng batang yan dati na ang ganda raw ng babaeng gusto niya, hanggang sa tumuntong sya ng highschool"
Natatawang sabi ng lola niya at maging ang lolo niya ay napapangiti sa kuwento ng lola niya.

Maging ako ay di ko na napigilang ngumiti.Oo na,inaamin ko medyo natouched ako mga 1%.

"Tapos isang araw na bumisita sya dito nagulat ako kasi tumatakbo syang pumunta dito hingal na hingal...alam mo ba kung ano ang sinabi niya?"

"Ano po?"

"Binalita niya sakin na karelasyon na raw niya yong babaeng gustong gusto niya mula elementary"
Nakangiti ang lola ni Aiden habang nagkukuwento.

"La tama na,binubunyag mo na ang sekreto ng gwapo mong apo"
Biglang nagsalita si Aiden at napatawa naman ang lola at lolo niya.

"Hayaan mong malaman niya apo,nasisiyahan pa ang lola mo na magkwento at ngayon ko lang sya nakita"

Tumingin sakin ang lola niya at ngumiti."Mahal na mahal ka nitong apo kung to,kaya alagaan mo sya ha"

Natahimik ako sa sinabi ng lola niya.Anong ibig niyang sabihin?

Tinignan ko si Aiden at tumingin rin sya sakin,lumapit sya ng konte sakin at bumulong

"Hindi pa nila alam na naghiwalay tayo"

"What!?"

Napahawak ako sa bibig ko agad ng marealize ko agad na napalakas ang boses ko.

"Ano yon iha?"tanong ng lolo ni Aiden .

"Ahh..wala po heheheh ansarap po ng pagkakaluto ng gulay"

"Buti naman at nagustuhan mo iha"
Sagot ng Lola ni Aiden at mukang natuwa sa sinabi ko.

Pagkatapos namin kumain ay nag offer ako na magligpit ng pinagkainan pero tumanggi sila lalo na si Aiden.

"Ako na ang magliligpit"sabi ni Aiden kaya hinayaan ko nalang sya.

Pumasok na rin sa kwarto nila ang lolo at lola niya dahil maaga raw talaga silang natutulog kaya pumasok nalang din ako sa kwarto.

Humiga ako agad sa kama at pinikit ang mata ko.Nakakapagod na araw.
Hindi ko maiwasang hindi maisip ang mga sinabi ng lola niya at nakakaramdam ako ng guilty dahil sa loob ng 2 years na lumipas ang alam parin nila ay kami pa,kaya pala sobrang bait nila sakin at sobrang welcome ko sa bahay na to.

"Are you already sleeping?"

Napadilat ako agad ng mata at napabangon ng wala sa oras nang marinig kong nagsalita si Aiden .

"Bat andito ka?"

"Im just checking you"

"Uso kumatok Aiden,hindi ka pa ba nadala sa nakita mo kanina?"

"I loved it"

"Bastos!"

Binato ko sya ng unan at tumawa lang sya.

"Nagbibiro lang ako"

"Nakakaasar ka talaga!"

Di na sya nagsalita at derederetsong  umupo sa kama kaya napatayo ako bigla.

"Umalis ka nga dito!"

Imbis na makinig ay humiga sya at pumikit.

"Hoy!umalis ka jan!"

"Shhh,magigising mo sila lola sa ingay mo"

"Eh bat ba kasi andito ka?hoy Aiden...."

Hindi manlang sya nagsalita.Wag niyang sabihing dito rin sya matutulog at makikishare ng higaan.

Umupo ako sa may sofa malapit sa kama at umupo.Kung jan sya matutulog dito nalang ako sa sofa matutulog.

"Hindi ka ba talaga aalis jan Aiden..kikilitiin talaga kita pag di ka umalis .....isa"

Hindi parin sya nagsalita kaya tumayo ako umupo sa kama.

"Umalis ka na kasi jan,matutulog na ako"

Di parin sya sumagot.
"Dalawa"

Still no responce.

"Ayaw mo talagang umalis ?"

Kiniliti ko sya bigla sa bewang kaya napadilat sya,akala ko makikiliti sya pero tinignan niya lang ako.Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako papalapit sakanya.

"Hindi ka ba tatahimik?"

Nakahiga na kaming pareho sa  higaan at sobrang lapit namin sa isa isa.

Ilang segundo bago ako bumalik sa katinuan at inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tumayo mula sa kama..

Umupo sya at tumingin sakin.
"Bat ka namumula?"

"H-ha?hindi ah"
Iniwas ko ang tingin ko sakanya.

"Kinikilig ka ba?"

"H-ha?hindi ah "

"Bat nauutal ka"

"H-hindi nga ...teka!bakit pala hindi pa alam ng lola at lolo mo
naghiwalay tayo?"
Hindi ko alam kung bakit out of nowhere ay natanong ko to.

Napaiwas sya ng tingin at hindi nakasagot agad.Napabuntong hininga nalang ako sa naging reaksyon niya.

"Hindi ko sinabi dahil malulunkot si Lola..."

Tumingin sya deretso sa mga mata ko.
"Nakita mo naman kung gano kasaya si lola habang nagkukuwento kanina,malulungkot sya pag nalaman nyang naghiwalay tayo dahil alam niya kung gano kita kamahal mula pa noon"

Hindi ako nakaimik sa naging sagot niya.Nakakaramdam ako ng konsensya.















Corduroy DreamsWhere stories live. Discover now