Chapter 23

4 1 0
                                    

Adelaide POV

"A-ayos lang kila tita magtabi tayo matulog?"

Nasa kwarto na kami ngayon at nakaupo siya habang nagbabasa ng libro habang ako nakahiga sa tabi niya.

"Yeah,tabi nga tayong natulog sa bahay niyo nong araw na sinagot mo ako diba?"

"P-pero...hindi alam nila mama"

Ibinaba niya ang aklat na binabasa niya at humiga sa tabi ko.Inilagay niya ang braso niya sa uluhan ko para magsilbing unan ko at yinakap ako.

"Aiden...."

"Kung pwede lang na mayakap kita ng ganto habang buhay...."

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya at yinakap ko nalang din siya.Napakakomportable sa pakiramdam na mayakap ang taong mahal mo,ngayon ko lang siya nayakap ng ganto kahigpit.

"Adelaide ..."

"Hmmm?"

"Naalala mo dati?may nagbigay ng regalo sayo sa araw ng moving up ceremony natin"

"Oo,si Mark ang nagbigay sakin isa sa mga kaklase natin,ang sabi niya pinapabigay raw"

Natawa ng mahina si Aiden sa naging sagot ko kaya napatingin ako sakaniya.

"Bat ka natatawa----

Nanlaki ang mga mata ko ng marealize kung bat siya tumatawa.

"Dont tell me sayo galing yon!?"
Tumawa lang siya at hindi ako sinagot.

"Sayo galing yon?answer me!"

"Yeah,sakin nga galing yon hahahAha"

Hindi ako makapaniwala.
Yes,I expected before na galing sakaniya pero nong binigyan niya ako ng kuwentas bago kami tuluyang umalis sa school hindi na ako umasa na galing sakaniya yon.

"Youre crazy"

"Hahahaha hindi mo ba nagustuhan?"

"Pano ko magugustuhan kung hindi ko alam kung sino ang nagbigay?"

"Now you know"

"Bakit ngayon mo lang sinabi sakin?"

"Wala akong chance sabihin sayo dati"

"Bakit hindi ikaw mismo ang nagbigay?"

"Kasi baka hindi mo tatanggapin"

"P-pero...binigyan mo pa ako ng isang kuwintas bago umuwi..."

"Para hindi mo isipin na sa akin galing ang regalo na pinaabot ko"

"youre crazy"

Hinalikan niya ako sa noo at mas yinakap ng mahigpit.

"Ngayon na alam mo na sakin galing yon,isuot mo na lagi"

"Ha?"

"Promise me na lagi mo ng isusuot ang kuwintas na yon"

"Promise-----ay sandali....alin don?"

"The expensive one"

"Ha?"

"Yong pinabigay ko sa kaklase natin...."

"So ibig sabihin mas mahal yon kaysa sa mismong inabot mo sakin?"

"Oo, 100 pesos lang ang bili ko sa inabot ko sayo...naisip ko lang na ibigay yon dati para di mo maisip na ako ang nagpabigay ng regalo na inabot ng kaklase natin"

Corduroy DreamsWhere stories live. Discover now