Adelaide POV
Pagmulat ng mga mata ko puting kisame ang unang nakita ko.Hindi ko maigalaw ang katawan ko.Tinignan ko si Aiden sa tabi ko pero wala siya.
Asan ako?"Adelaide..."
Nakita ko si Reighn na lumapit sakin at halata sa muka niya ang gulat at mangiyak ngiyak ang kaniyang mga mata habang nakatingin sakin.
Ano bang ginagawa niya dito sa kwarto ni Aiden?Magsasalita sana ako pero may naramdaman ako nakalagay sa bibig ko.Hindi ko magawang makapagsalita.
"I...I will call the doctor"
Nagmamadaling umalis ng kwarto si Reighn at ilang segundo pa ay bumalik siya kasama ang mga doctor at nurse.Ano bang nangyayari?hindi ko maintindihan.Asan si Aiden?Nananaginip ba ako?
May mga ginawa ang doktor sakin at ilang minuto pa ay dumating ang mga magulang ko at si Lennox.
"Anak ko,buti nalang at nagising ka na"
Lumapit agad sakin si mama na umiiyak ganon din si papa.Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.Asan si Aiden?
"Isang milagro na nagising pa ang anak niyo"
sabi ng doktor at tumingin sakin."Sa ngayon imomonitor pa natin ang kalagayan ng anak niyo"
Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nila.Tumingin ao sa buong paligid at andito si Reighn at Lennox.
"Asan si Aiden?"
Ang mga unang salitang nabigkas ko.Nahirapan pa akong sabihin dahil pakiramdam ko ambigat parin ng katawan ko at sobrang nanghihina ako.Napahigpit ang hawak ni mama sa kamay ko at napaiwas ng tingin sila Reighn at Lennox.
"W-wala dito si Aiden ngayon anak..."
Hindi ko maialis ang paningin ko kay mama na hanggang ngayon ay umiiyak sa tabi ko.Andami kung gustong itanong sakanila pero hindi ko magawa dahil nanghihina ako.Wala akong maintindihan sa mga nangyayari.
Nakita kung lumabas ng kwarto ang doktor kasama ang papa ko at sa tingin ko ay nag usap sila.Tahimik lang na nakaupo sa gilid sila Reigh at Lennox habang nakatingin sakin.Kailan pa naging kasundo ni Lennox si Reighn?
"A-akala ko mawawala ka na samin ng papa mo"
Napatingin ako kay mama na biglang nagsalita uli sa tabi ko.Hindi niya parin inaalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Sobrang natakot kami ng papa mo"
Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni mama.Kung panaginip ang lahat ng to,gusto ko nang magising.
"Wag kang mag-alala anak,pagkalabas mo dito magiging oky na ang lahat"
Biglang may pumasok sa loob at nagulat ako nang makita kung sino ito.Dahan dahan siyang lumapit sakin at nginitian ako.
"H-hi...do you remember me?"
Anong ginagawa niya dito?patay na siya,bakit andito siya?Tumingin ako kay mama ,andami kung gustong itanong.
"Bakit anak?"
Napatingin siya kay Beatrix nang tumingin ako sakaniya.
"Ahh..Iha mukang hindi pa ready si Adelaide na makita ka...."
"I-im sorry tita,Lennox called me and saidethat Adelaide is already awake so I immediately come here to see her"
Tumingin siya sakin at ngumiti.Pakiramdam ko sumasakit ang ulo ko ,hindi nagproproseso sa utak ko ang mga nangyayari.Napahawak ako sa ulo at nataranta sila mama,tumawag ng doktor si Lennox.
YOU ARE READING
Corduroy Dreams
Teen FictionAdelaide moved to another school and saw her ex again 2 years ago when they were in high school. The two of them got back together and promised each other that they would never separate but their promise did not become true because one day...