Adelaide POV
Hindi ko nakitang pumasok si Beatrix at ipinagtaka rin ni Lennox kung bakit wala siya sa classroom dahil sabay silang pumasok.Nag aalala siya kay Beatrix dahil hindi niya macontact kaya hindi na siya sumama samin ni Aiden dahil umuwi siya agad after class.Andito kami ngayon ni Aiden sa harap ng puntod ng kuya ko.May nadatnan kaming mga bulaklak sa harap ng puntod ng kuya ko nang makarating kami,siguro dumalaw dito si mama kanina.
"So, kuya Alexander died 2 years ago?"
Tumango ako sakaniya at nagturok ng kandila sa harap ng puntod ng kuya ko.
"May sinagip siyang nalulunod na tao at pagkatapos niyang mailigtas ay inatake siya sa puso at don na binawian ng buhay,hindi na siya naitakbo sa hospital"
"N-nalaman niyo ba kung sino ang sinagip niya?nakilala niyo ba?"
"Hindi....hindi namin nakilala kung sino ang tao na sinagip niya at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pag nakita ko ang tao na sinagip ng kuya ko.Siguro....siguro kung hindi niya sinagip ang tao na yon,kasama pa namin ang kuya ko ,buhay pa siguro ang kuya ko"
Ilang segundong natahimik si Aiden bago nagsalita.
"2 years ago.....nakausap ko pa ang kuya mo dito sa Taguig"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Naalala mo yong sinabi ko na sinundan kita sa Taguig ng hindi alam ng mga magulang ko?that day nakita niya ako"
"Talaga?walang nabanggit sakin si kuya"
"Dahil nakiusap ako sa kaniya na wag niyang sabihin sayo"
Sinindihan niya ang namatay na kandila ng namatay ito dahil sa hangin.
"Kuya Alexander is a very kind person, nong nalaman niya na nililigawan kita noon hindi niya ako sinungitan"dagdag pa niya.
"Talaga?ang sabi niya sakin nong una pahirapan daw kita manligaw hahhahahahah"
"Sinabi sakin ng kuya mo dati na mula elementary tayo ay alam na niyang may gusto ako sayo"
"Pano niya nalaman?"
"Nahuhuli niya raw ako na nakatingin sayo lagi at ang lahat ng ginagawa ko dati para magpapansin sayo"
Napangiti ako sa sinabi niya.Kung buhay pa siguro si kuya ngayon ay matutuwa siya na makita uli si Aiden at malaman na nagkabalikan kaming dalawa.
"Kuya....nagkabalikan na uli kami ni Aiden,narealized ko na hindi pala talaga nawala ang pagmamahal ko sa kaniya at mas minamahal ko pa siya ngayon"
Tumingin ako kay Aiden at ngumiti sakaniya.
"Wag kayong mag alala kuya Alexander,aalagaan kong mabuti si Adelaide....hindi ko hahayaan na maghiwalay kami uli"
Ilang minuto pa kami nagtagal bago kami tuluyang umalis.Habang nasa byahe kami pauwi ay may biglang pumasok sa utak ko kaya napatingin ako kay Aiden.
"Why?"
Umiling ako sakaniya at ibinalik ang tingin ko sa daan.Nagflashback sa utak ko ang pag uusap namin ni Aiden nong nasa Pangasinan kami,sinabi niya na may phobia na siya sa dagat dahil muntik na siyang nalunod 2 years ago at may nagligtas sakaniya.
"Aiden?"
"Yes?"
Lumingon siya saglit sakin at ibinalik ang tingin niya sa kalsada dahil nagmamaneho siya..
YOU ARE READING
Corduroy Dreams
Teen FictionAdelaide moved to another school and saw her ex again 2 years ago when they were in high school. The two of them got back together and promised each other that they would never separate but their promise did not become true because one day...