Chapter 28

7 1 0
                                    

Adelaide POV

Finally nakabalik na ako ulit sa school,kaya lang bilang  1st year college dahil natigil ako sa pag aaral dahil isang taon akong nacomatosed.Second year college na sila Beatrix at Lennox hindi ko na sila kaklase but its weird na kaklase ko parin si Reighn.I shifted my course into architecture,susundin ko na ang talagang gusto kong course,like what Aiden said amd this is the course that I want.Pinag isipan ko tong mabuti.

"Bakit kaklase nanaman kita?"
pabulong na sabi ko.

Tumingin sakin si Reighn at ngumiti.Nakapagpagupit na siya,hindi na ganon kahaba ang buhok niya nong nakita ko siya sa ospital.Andito kami ngayon sa may library nakatambay dahil wala pa namang klase.

"Hindi pa ba nababanggit nila Lennox sayo?"

"Nabanggit ang alin?"

"Tumigil ako nag aral last year"

"Ha?"

"I drop"

"Why?"

"Dahil gusto ko na sabay tayong mag aral"

Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya.Bumuntong hininga siya at tinignan ako ng deretso sa mga mata.

"I know that this is not the right time to tell you but.."

"But ?"

"But I think I need to say this now"

"Ano ba yon?"

Bakit parang kinakabahan ako.May kutob akonna hindi maganda sa sasabihin niya.

"You know Alexander Ramirez?"

Napakunot ang noo ko sa naging tanong niya.Bakit niya tinatanong bigla ang kuya ko?

"Kuya ko siya,bakit?magkakilala ba kayo?"

Huminga siya ng malalim bago nagsalita.
"Ako ang taong iniligtas ng kuya mo 3 years ago"

Para akong binuhasan ng malamig na yelo dahil sa sinabi niya.

"Reighn...hindi yan magandang biro----

"I am not joking Adelaide."

Sumeryoso ang muka niya at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Lasing ako non,I was really depressed that time,naging patapon ang buhay ko dahil simula bata ako hindi ko na naranasang maging masaya.Namatay ang kapatid ko sa harap ko,at naghiwalay ang mga magulang ko sa araw na yon.My father is the owner of this school,lahat ng gusto ko binibigay niya pero wala siyang oras sakin,hindi ko nararamdaman ang pagmamahal niya and my mom?may pamilya na siyang iba.I was really depressed sa mga panahon na yon ,naglasing ako at sinubukan kong tapusin ang buhay ko pero sinagip ako ng kuya mo.Nakita ko mismo kung pano siya inatake sa puso at binawian ng buhay sa mismong harapan ko habang nakahiga ako sa buhangin.Sinisi ko ang sarili ko sa nangyari sa taong nagligtas sakin dahil kung hindi dahil sakin hindi mangyayari yon sakaniya,kung hindi niya ako niligtas buhay pa siya ngayon."

Hindi ko namalayan na may mga tumulong luha sa mga mata ko.Ang taong iniligtas ng kuya ko,na sinisisi ko na dahilan ng pagkamatay ng kuya ko ay matagal kona palang kilala at nakalasama,at isa pa sa itinuring kong kaibigan.

"Nangako ako sa sarili ko na babawi ako sa pamilya ng taong nagligtas sakin pero hindi ko manlang nagawang magpakita sa inyo sa mismong burol niya,nasa malayo lang ako at hindi lumapit sainyo.Isang araw habang nasa school ako nakita kita sa hallway at namukaan kita.Kinompirma ko kung ikaw ba talaga ang kapatid ng taong nagligtas sakin at ikaw nga.Sinabi ko sa sarili ko na proprotektahan at tutulungan kita bilang kapalit sa ginawang pagligtas ng kuya mo sa akin at para man lang mabawasan ang bigat na nararamdaman ko dahil hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay ng kuya mo."

Pinipigilan kong tumulo ang mga luha na nanggagaling sa mga mata ko pero hindi ko magawa.

"Naalala mo ang unang araw na nakita mo ako?yong jacket?sinadya ko na dumihan at sirain ang damit ko at magpanggap na humihingi ng tulong sayo para mapansin mo ako at para mapalapit ako sayo lumipat ako ng course.Nong una ang gusto ko lang matulungan ka at maprotektahan para mabawasan ang guilty  na nararamdaman ko sa pagkawala ng kuya mo pero habang tumatagal na nakasama kita hindi ko namalayan  na nahulog ako sayo.
I like you Adelaide..but I wont ask you to like me back.Malaki ang respeto ko kay Aiden,gusto kita pero hindi ko sinasabi sayo to para gustuhin mo ako,sinasabi ko to para gumaan na ang pakiramdam ko at wala na akong itatago sayo."

Wala akong mahanap na tamang salita,hindi ko maibuka ang bibig ko para makapagsalita.Ang sabi ko dati pag nahanap ko ang tao na iniligtas ng kuya ko magagalit ako sakaniya,at isusumbat ko ang pagkamatay ng kuya ko pero bakit ngayon na alam ko na kung sino ang taong yon hindi ko magawang magalit.

"I-im sorry Adelaide....sorry kung ngayon ko lang sinabi sayo ang tungkol don,natakot ako na baka layuan mo ako at magalit ka sakin but now I realized may karapatan kang magalit at malaman thats why Im saying this to you.Nasabi ko na sa mga magulang mo ang tungkol dito nong nasa ospital ka,akala ko magagalit sila sakin pero yinakap lang ako ng mama mo at sinabi niya sakin na ingatan ko na ang buhay ko.Siya ang nagsabi sakin na pagising mo ako mismo ang magsasabi sayo dahil karapatan mong malaman"

Huminga ako ng malamim at pumikit.Kuya Alexander , I know now kung sino ang taong niligtas mo and he really deserve to live.

"You know what?ang sabi ko dati sa sarili ko pag nahanap ko ang taong iniligtas ng kuya ko sisisihin ko siya at isusumbat ko ang nangyari sa kuya ko pero ngayon?hindi ko magawa kahit magalit sayo"

Pinunasan ko ang mga luha na tumutulo mula sa mata ko at hindi ko inalis ang tingin ko sakaniya.

"Bakit hindi ko magawang magalit sayo?Hindi ko maintindihan ang sarili ko"

Lumapit siya sakin at yinakap ako.
Hindi ko siya yinakap pabalik dahil nagulat ako sa ginawa niya.

"Im really sorry Adelaide"

Hindi ako sumagot at inalis ko ang pagkakayakap niya sakin.

"Im sorry Reighn.Kailangan ko munang mapag isa"

Tumayk ako at umalis sa library.Tinawagan ko si Lennox at sinabi ko na magkita kami sa parking lot at kinuwento ko sakaniya lahat.

"Addy look....pareho lang kayo ng ginawa ng kuya mo"

"Hindi kita maintindihan"

"Kung mauulit ang oras na yon gagawin at gagawin parin ng kuya mo ang ginawa niya,ililigtas at ililigtas parin niya ang taong nalulunod na yon like what you've said to Beatrix na kung mauulit man ang oras na yon ay hindi ka magdadalawang isip na iligtas ulit siya"

Natahimik ako sa sinabi niya.Naalala ko nga ang sinabi ko kay Beatrix.

"Kung ikaw ang nasa sitawasyon ng kuya mo im very sure that you will do the same thing,ililigtas mo.rin ang taong nalulunod kahit hindi mo kilala.Walang may gusto sa pagkamatay ng kuya mo,hindi ginustong magyari ni Reighn yon sa kuya mo"

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Lennoxat ipinikit ang mga mata ko.

"I think...I get it know pero...ang isang bagay na hindi ko maintindihan ngayon ay kung bakit ako nagustuhan ni Reighn"

Natawa si Lennox sa naging tanong ko at ginulo niya ang buhok ko.

"Youre beautiful Addy,youre kind,smart ,and have a very nice personality.Hindi malabo na maraming magkagusto sayo at hindi malabo na magustuhan ka niya,atlike what Ive said before he likes you,hindi ka lang naniwala."

Inalis ko ang pagkakasandal sakaniya at tinignan siya.

"Ibig sabihin..nagkagusto ka din sakin ?"

Nagulat ako ng binatukan niya ako bigla.

"Aray!"

"Never in my life na nagkagusto ako sayo Addy,I only see you as my bestfriend at para na kitang kapatid."

Napangiti ako sa naging sagot niya.He really is my bestfriend and im very lucky to have a boy bestfriend like him.


Corduroy DreamsWhere stories live. Discover now