Chapter 29

5 1 0
                                    

Adelaide POV

Lumipas ang mga araw na hindi pumasok si Reighn.Handa na akong harapin sya.Hindi ko sya magawang masisi sa nangyari sa kuya ko.Naiintindihan ko na ang lahat,salanat kay Lennox na walang sawang nagpapaintindi lagi sakin ng mga bagay bagay ,he really is the best bestfriend in the world.

Wala si Lennox at Beatrix ngayon dahil wala silang klase.Kaklase ko dapat sila kung itinuloy ko ang course na yon pero masaya parin ako kahit na hindi ko sila kaklase dahil nakakasama ko sila at pinupursue ko na talaga ang course na gusto ko

Paalis na sana ako ng room pero biglang tumawag si Lennox sakin kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Hey?napatawag ka?"

(Addy,come here!")

"What happened!?"

(Si Reighn....")

"Ha?anong nangyari?nasan ka ba, bakit ang ingay ng paligid?"

(Reighn was here at our house but he suddenly collapse")

"Ha?!----

Magsasalita pa sana ako pero pinutol na niya ang tawag.Sa sobrang taranta ko ay tumakbo ako palabas ng campus at agad na tumawag ng taxi para magc commute papunta sa bahay nila Lennox.

Hindi ko na kinuha ang sukli ng isang libo sa taxi driver at nagmadaling bumaba pagkatapat sa bahay nila Lennox at dali-daling pumasok,buti nalang at nakabukas ang gate nila.Agad akong pinapasok ng katulong nila sa bahay nila.

"Manang asan po sila Lennox!?what happened?"

"Nasa rooftop sila iha-----

Hindi ko na pinatapos si manang at dali dali akong pumunta sa rooftop.Ramdam ko ng tumutulo ang pawis ko at magulo na ang buhok ko kakatakbo.Bakit ba andito si Reighn,samantalang ilang araw na syang hindi pumapasok.

"Lennox ,anong nangyari!---

Natigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang sitwasyon sa taas ng rooftop.
Nakahiga si Reighn at walang malay habang nakahiga sa lap ni Lennox habang si Beatrix ay mangiyak ngiyak at pinapaypayan si Reighn.Agad akong lumapit sakanila at hinawakan si Reighn.

"Anong nangyari?!"

"He came here and he said that he wanted to talk to us but then he suddenly collapsed"sabi ni Lennox.

"Mom and dad are here, I will call them"nagmadaling bumaba si Beatrix.

Tumingin ako kay Lennox at hindi sya makatingin sa akin.Parang pagod na pagod sya at tagaktak ang pawis niya.

"Ano ba talagang nangyari Lennox?"

Hindi siya tumingin sakin at nakatingin lang sya kay Reighn.Dahan dahang niyang inalis ang pagkakahiga ni Reighn sa lap niya at sininyasan niya ako na alalayan ito.Nagulat ako ng ipinahiga ni Lennox si Reighn sa may lap ko pero wala na akong nagawa.

Tinapik tapik ko ang pisngi ni Reighn para gisingin sya pero wala talaga siyang malay.

"Reighn,wake up!"

Biglang tumayo si Lennox at tumingin sakin.

"Just wait here Addy I will just follow Beatrix"

"Ha?pero----

Dali-dali siyang tumakbo pababa at naiwan kaming dalawa ni Reighn dito sa taas.

"Hey!Lennox ang gagawin ko!!"

Sumigaw ako kahit alam kung di na nya maririnig.Sobrang putla ng muka ni Reighn mukang nanghihina ang muka niya.Ano ba kasing nangyari sakanya.

Nagulat ako ng biglang dumilat si Reighn habang nakatitig ako sakaniya at ngumiti sa akin.

"Happy birthday Adelaide"

Biglang umingay ang paligid at napatingin ako sa kanan namin at nakita ko sila Lennox,Beatrix,sila mama at papa,pati na rin ang mga magulang nila Lennox at ang mga magulang ni Aiden.May hawak na malaking  banner na may nakalagay na Happy Birthday Adelaide sila mama at papa habang si Lennox at Beatrix naman ay may hawak na tig-isang cake.

"Happy birthday Adelaide!!!"

Biglang bumangon si Reighn mula sa pagkakahiga at tumayo sa harap ko habang nakangiti at inilahad niya ang kamay niya sa akin.

Tumingin ako sa gawi nila Lennox at lahat sila ay nakangiti.Ibinalik ko ang tingin ko kay Reighn na nakalahad parin ang kamay.Ilang segundo ko pa syang tinitigan bago ko inabit ang kamay niya at dahan dahang tumayo.

"Surprise"
Sabi ni Reighn pagkatayo ko at hindi maalis sa muka niya ang ngiti.

"Anong kalokohan ba to?"

Tumingin ako muli sa gawi nila mama na may pagtataka sa muka ko.

"Kasabwat niya kayo?"

Dahan dahang tumango silang lahat sa akin at nagpeace sign naman si Beatrix sakin.Nawala na ang mga luha sa gilid ng mata niya kanina.

Napailing nalang ako at napahawak sa ulo ko.Tumingin ako kay Reighn at tinignan siya ng masama.

"Alam mo bang anlayo ng tinakbo ko at nagcommute para makarating dito,kahit sukli sa taxi hindi ko na nakuha-----

Natigil ako sa pagsasalita at napatakip ako sa bibig ko ng marealize ko na nakakotse pala akong pumasok sa school kanina.Wat the heck!!!

"What?"

Natawa si Reighn sa reaksyon ko kaya sinamaa ko sya ng tingin.Sa sobrang inis ko ay tinalikuran ko na sya at pais na sana ako pero hinawakan niya ako sa braso at iniharap sakaniya.

"Bitawan mo nga ako"

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"I-im sorry.I just wanted to surprise you at your birthday"

Bumuntong hininga ako at tumingin ako isa-isa sa kanilang lahat,magmula kila Lennox,Beatrix,kila mama at papa,sa magulang nila Lennox at sa magulang ni Aiden..

"Alam niyong lahat to at pumayag naman kayo?"

Ngiti lang ang naging tugon nilang lahat sa akin at hindi makatingin si Lennox.

Nang ibinalik ko ang tingin ko kay Reighn ay nagulat ako dahil nakaluhod na siya sa harap ko at may hawak na bulaklak.

"Alam ko na alam mo na gusto kita,at alam ko hindi mo parin matanggap na kaya namatay ang kuya mo dahil sakin."

"Reighn anong ginagawa mo,tumayo ka nga"

"I know how you love Aiden so much at alam kung hindi ko siya matutumbasan jan sa puso mo pero hayaan mo akong mahalin ka.Hindi ako sinasabing mahalin mo ako pabalik pero hayaan mo akong manatili sa tabi mo."

"Reighn...."

Tumingin siya sa gawi ng mga magulang ni Aiden kaya napatingin din ako sakanila.Nakangiti silang dalawa sa akin habang mangiyak ngiyak ang mama ni Aiden.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Reighn na ngayon ay nakatingin na din sa akin.

"I already talked to them.Inayos ko lahat.I need to fixed some things kaya ilang araw akong hindi pumasok.Pinaghandaan ko ang araw na to Adelaide."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.Hindi ko na siya sinisisi sa nangyari sa kuya ko dahil tanggap ko na,at hindi magiging masaya ang kuya ko kung magtatanim ako ng galit sa tao na naging dahilan ng pagkamatay niya pero hindi pa ako handang magmahal ulit.

"Hayaan mo lang akong mahalin ka at mananatili ako sa tabi mo Adelaide,you don't need to love me back."

Hindi ko alam pero biglang may tumulong luha sa mga mata ko.Bigla siyang tumayo at pinunasan ang mga luha sa mga mata ko at niyakap ako.

"Im sorry Reighn...I cant love you back"

Nanatili siyang nakayakap sa akin at sinusubukang patahanin ako.Hindi niya ako deserve.He deserve someone better that can love him back.








Corduroy DreamsWhere stories live. Discover now