Adelaide POV
"Dito ka lang"
Napatingin ako kay Aiden.Gising na sya.
"Aiden..."
Nakatingin lang sya sakin.Hinang hina pa sya
"Tawagin ko lang saglit ang nurse."
Tinawag ko ang nurse at chineck nila si Aiden.Oky naman raw sya,napalakas lang ang impact ng paglabagok ng ulo nya kaya matagal syang nawalan ng malay.Nacontact na rin ang mga magulang nya dahil binuksan ko ang cellphone niya,buti nalang walang password.Naalala ko tuloy ang wallpaper niya,isang babae na nakatalikod at mahaba ang buhok.Siguro girlfriend nya.
Ilang saglit pa ay sabay na dumating ang mga magulang ni Aiden at Lennox.
Lumabas muna ako saglit para kumain gutom na gutom na ako.
Pagkatapos ko kumain ay bumalik ako sa loob.Pwede na raw lumabas si Lennox anytime kasi konteng galos lang naman ang natamo niya kumpara kay Aiden.Napatingin sakin ang mga magulang ni Aiden kaya ngumiti ako sakanila.
"Adelaide iha ikaw na ba yan?"
Nagulat ako dahil binanggit ng mama ni Aiden ang pangalan ko.Sa pagkakaalam ko ay kilala lang ako ng mama niya bilang kaklase dahil hindi kami naging legal nong naging kami nong highschool.Si kuya nga lang ang nakakaalam na naging boyfriend ko si Aiden non at hindi alam ng mga magulang ko.
"Uhm.. opo tita"
"Its nice to see you again,dalagang dalaga ka na.Last time na nakota kita is on your moving up ceremony in junior high school"
"Dito na po kasi ako nag aral sa Taguig"
"Kaya pala naging malungkot si Aiden nong tumuntong sya ng senior high school kasi hindi ka na nya kaklase."
"P-po?"
Ngumiti ng todo ang mama ni Aiden .Isang ngiti na punong puno ng meaning.
"Ay naku nagbibiro lang si tita,Btw salamat sa pag asikaso kay Aiden nong wala pa kami."
"Your welcome po"
Nauna na akong umuwi sakanila dahil pagabi na rin at delikado sa daan lalot nakamotor lang ako.
Pagdating ko sa bahay wala paring tao kaya natulog nalang ako.
***********
Mag isa kong pumasok ng school ngayon dahil wala si Lennox.Ilang araw syang hindi makakapasok dahil sa mga galos nya nahihirapan pa sya gumalaw.Wala akong service today kaya nagmotor nalang ako,ayoko mag commute ,napaka hassle.
Habang nglalakad ako sa hallway bigla akong may narinig na boses sa isang room.
"Miss"
Napalingon ako at may nakita akong isang lalaki na nakatingin sakin.
Tinaasan ko sya ng kilay at tinuro ko ang sarili ko.
"Ako?"
Sinenyasan nya ako na lumapit sakanya .Hindi ko naman sya kilala baka mamaya ano pang gawin sakin kaya iniripan ko nalang sya at nagpatuloy na ako maglakad pero tinawag niya ako ulit.
"Miss pahiram ng jacket mo,I need your help!"
Napalingon ako ulit sakanya.Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at lumapit ako.
"Ano ho ba yon?"
Tingin ko ay mas matanda sya sakin kaya kailangan ko ng manners myghad ang bait ko.
"Pahiram ako ng jacket mo"
"What?"
Bigla syang tumalikod sakin at pinakita niya ang polo niya na puno ng pintura sa likod at may punit punit.
"Anong ho ba ang gagawin ko jan?"
"Napagtripan ako ng mga studyante sa labas ng campus"
"And then?"
Napabuntong hininga sya.
"Ikaw ang unang dumaan dito na lumingon nong tumawag ako"
"Tapos?anong connect non sa polo mo?"
Napakamot sya sa ulo niya na para bang naiinis na.Alam ko naman ang ibig niyang sabihin.
Hinubad ko ang jacket ko at nagulat sya.May tshirt pa naman ako sa likod nakajacket lang ako kasi mainit sa daan.
"Ito gamitin mo na ho muna"
Para bang hindi sya makapaniwala na ipinahiram ko ang jacket ko sakanya.
"T-thank you.."
Ngumiti ako sakanya at tumalikod na pero bago ako makalayo ay humarap ako ulit sakanya
"Wag mo ng ibalik,sayo na yan"
Ang awkward naman kasi kung hahanapin pa nya ako para ibalik yon.Mukang malabo namang magkita kami ulit sa laki ng campus na to.
Pagpasok ko sa room ay napatingin ako agad sa upuan nila Lennox at Aiden.Wala silang dalawa.
Ilang minuto pa ay nagstart na ang klase at natutuyo na ang utak ko.Nagsisisi ako na di ako nag aral ng mabuti nong high school.Sana pala di lang ako puro kopya kay Lennox dati .
Pesteng calculus to napakahirap!"Good morning sir,sorry im late"
Napukaw ang atensyon ng lahat sa kakapasok lang na kaklase namin.
Teka?kaklase? Sya yong lalaki kanina na binigyan ko ng jacket.Tinignan lang sya ng prof namin.Akala ko magagalit dahil terror ang prof namin sa calculus pero sinenyasan kang nya na maupo.
Napatingin sakin ang lalaki at pumunta sya sa direksyon ko at umupo sa kaliwa ko.Upuan yan ni Aiden eh.
"Hi "
"Sure ka bang tama ang room na pinasukan mo?"
"Yeah,nagshift ako"
"Ha?"
"Mechanical engineering ang first choice ko pero mukang mas interesting ang civil engineering."
Ano ba tingin ng lalaking to sa pagpili ng course laro?
"Ah I see"
Suot na niya ang jacket ko at kasyang kasya lang sakanya dahil oversize ang jacket na yon.Para nga akong natatabunan pag suot ko l.
"Di ako makapaniwalang makikita kita dito"
"Ako din"
"Whats your name?"
"Kahit tanungin mo pa about sa angkan ko di ako mafafall sayo"
"What"
"Nagbibiro lang.Adelaide pangalan ko"
"Nice to meet you Adelaide."
Inilahad nya ang kamay nya para makipag shake hands pero umiling ako sakanya.
"Hindi uso sakin yan,wag ka magpakapormal masyado"
Parang napahiya sya sa sinabi ko at napakamot sa ulo niya.
Antok na antok na ako.Ilang oras lang ang tulog ko kakaisip kila Lennox.
Wala naman sigurong masama.kong iidlip ako kahit 5 minutes lang.
YOU ARE READING
Corduroy Dreams
Novela JuvenilAdelaide moved to another school and saw her ex again 2 years ago when they were in high school. The two of them got back together and promised each other that they would never separate but their promise did not become true because one day...