Chapter 4

19 3 0
                                    

Adelaide POV

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Am I dreaming?

"Long time no see Adelaide Ramirez"

Ilang segundo akong hindi nakaimik.Nakatingin lang ako sakanya.Anlaki ng pinagbago niya.Mas tumangkad sya, ang puti na rin nya lalo at higit sa lahat ang gwapo niya na lalo.Well,gwapo naman na sya dati kaya nga nagustuhan ko rin sya non.

"Kilala mo sya Addy?"

Napatingin ako kay Lennox at kita sa muka niya ang pagtataka.

"Im her ex"
"Siya si Aiden"

Sabay pa kami sumagot ni Aiden pero magkaiba ng sagot.Nakatingin na samin ang mga kaklase namin ngayon including that bruhang Beatrix na nakataas pa ang kilay.

Parang di makapaniwala si Lennox na ang taong nasa harapan ko ngayon ay ang kinuwento ko sakanya na naging boyfriend ko ng one week,  2 years ago.

Napatingin si Aiden kay Lennox at kumunot ang noo niya.

"Boyfriend mo?"

Bago pa man din ako makasagot ay naunahan na ako ni Lennox.

"Yeah,im his boyfriend.Any problem with that?"

Napangiti si Aiden sa naging sagot ni Lennox.Ano ba kasing nasa isip ng kupal kong bestfriend at yon ang isinagot nya.

"Ah I see,goodluck"

Wat the ef!?anong klasing sagot yan Aiden.

Tumingin sya sakin at ngumiti bago umupo sa tabi ko .Umupo sya sa left side at sa right side ang katabi ko ay si  Lennox.

I feel awkward.Naninibago ako na makita si Aiden.Hindi dahil sa apektado ako sa break up namin 2 years ago kundi dahil naninibago ako sakanya,sa buong sya.Omg! Ibang iba na sya bakit ako mukang patatas parin.Why so unfair!

Biglang nagvibrate ang phone ko and it was Lennox.Napatingin ako sakanya na nagtataka pero ngumiti lang sya.Binasa ko ang chat galing sakanya.

"Do you like my acting skills?"

Tumingin ako ulit sakanya.Magsasalita sana ako pero narealize ko katabi ko pala si Aiden.
Nagreply nalang ako sakanya.Para kaming ewan na nagchachat samantalang magkatabi lang kami.

"Boyfriend pala kita?di ako nainform"

"I just want to see his reaction"

Magrereply pa sana ako pero dumating na ang prof namin.
Akala ko introduce yourself muna pag first day pero bakit andami agad activities may assignment agad.First day of class in college nastress na ako!

Natapos ang klase na parang wala akong natutunan.Tama batong pinasukan kong course?bat pakiramdam ko ang course na to ang sisira sa buhay ko mayghad!

"Pupunta ba tayo sa kuya mo?"

Napatigil ako ng ilang saglit sa pag aayos ng mga gamit ko.

"Addy?"

Ngumiti nalang ako kay Lennox at nauna na akong lumabas.
Ramdam kong nakatingin mula sa likod ko Aiden.

Kalahating oras ang itinagal bago kami makarating sa kuya ko.
Nakamotor si Lennox at umangkas lang ako,gaya ng dati sya ang number 1 service ko.

Makikita ko na ulit si kuya.
Ilang segundo kaming naglakad bago nakarating kung nasan ang kuya ko.

"Hi kuya,andito na ang maganda mong kapatid"

Ipinatong ko ang dala kong bulaklak sa harap ng puntod niya at nagsindi ng kandila.

Corduroy DreamsWhere stories live. Discover now