Adelaide POV
"I think that guy likes you,well its really obvious"
Napatingin ako kay Lennox sa sinabi niya at binigyan sya ng ARE YOU CRAZY look.Nandito kami ngayon sa bahay,sumabay sya sakin pauwi dahil wala pang susundo sa kanya.
"Nagiging mabait lang sya dahil tinulungan ko sya dati"
"Lalaki ako Addy,and I can see that he likes you"
"Tumigil ka nga jan Lennox,ikaw nga yong may crush sakin eh"
"In your dreams"
"Ma!crush ako ni Lennox!ahskwmdoankd---
Biglang tinakpan ni Lennox ang bibig ko kaya kiniliti ko sya sa bewang.
"Addy stop! Hahahhaa tama na!a-aray!"
Napatigil ako sa pagkiliti sakanya,mukang natamaan ko ata ang sugat niya.
"Anong nangyayari dito?dinig na dinig ko kayo sa kusina,nag aaway ba kayo?"
Napatingin ako kay mama na ngayon ay nandito na din sa salas at nakatingin samin ni Lennox
"Wala ma, si Lennox kasi nang aasar"
"What?Im just saying the fact that Reighn likes you----"
Sinamaan ko sya ng tingin.Nakalimutan nya atang nasa harap namin si mama.
"Sinong Reighn?"
"Ma wag kayo maniwala jan kay Lennox alam niyo namang sinungaling to"
Nagpeace sign si Lennox sakin at ngumiti.
"Hay naku,dalagat binata na kayo para parin kayong bata umasta"
"Eh si Lennox kasi ma"
"Nagmeryenda na muna kayo"
Inilapag ni mama sa table sa salas ang meryenda,pabalik na sana sa kusina si mama pero biglang may nag doorbell.
"Ako na ma"
Tumayo ako para tignan yong tao sa labas.Pagkabukas ko ng gate -----
"Dito pala ang bahay niyo?"
Bat andito si Aiden?Omg! anong ginagawa niya dito?
"May bisita ka ba Adelaide?"
Napatingin ako bigla sa likod ko,sumunod pala si mama.
"A-ah classmate ko ma"
Ano ba kasing ginagawa dito ni Aiden.Akala ko ba di pa sya magaling.
"Magandang hapon po tita"
Nagmano sya kay mama.Siguro di na sya mamumukaan ni mama.Kilala si Aiden ng mga magulang ko dati pero bilang kaklase at kaibigan ko lang.
"Napakagalang naman ng batang to,pasok ka sa loob iho"
"M-ma aalis din sya agad"
Tinignan ko si Aiden para umooo sya pero ngumiti lang sya sakin.
"Naku iho,magmeryenda ka muna tamang tama nagluto ako ng meryenda"
Pinapasok ni mama si Aiden sa loob at wala na akong nagawa.Pagpasok namin sa loob akala ko magugulat si Lennox dahil andito si Aiden pero parang wala lang syang nakita.
Umupo ako sa tabi ni Lennox at ito namang si Aiden ay umupo din sa tabi ko.Andami daming sofa dito bat dito pa nakiupo.
"Ano palang pangalan mo iho?pamilyar ang muka mo,nagkita na ba tayo?"
Ayan na ang interview ni mama.
Tumingin sakin si Aiden at ngumiti bago nagsalita.
"Aiden po ang pangalan ko....Aiden Navalta"
Ilang segundong di sumagot si mama at parang anlalim ng iniisip niya.
"Aiden Navalta?teka ikaw ba yong kaklase dati ni Adelaide nong high school?"
Tumango si Aiden at ngumiti kay mama,ito namang si mama parang di makapaniwala.
"Hindi kita agad nakilala,anlaki ng pinagbago mo"
"Hindi naman po ganon kalaki tita"
"Bat di mo naman agad sinabi sakin Adelaide na si Aiden na pala to?Sana sinabi mo agad"
Hindi ko sinagot si mama at kumain nalang ako.Ito namang si Lennox kaya pala nananahimik naglalaro nanaman ng mobile legend.Hays.
"Ano nga palang ipinunta mo dito iho?"
Ayan mama,very good question.Kanina ko pa yan gustong tanungin kay Aiden.
Napatingin ako kay Aiden at hinihintay ko syang sumagot ganon din si Lennox na tumigil na sa paglalaro.
Biglang tumayo si Aiden at tumingin sakin at ngumiti.
"Andito po ako para ipaalam sainyo na nililigawan ko na ang anak niyo"
Sa sobrang gulat ko ay naibuga ko ang juice na iniinom ko.
(Short update po muna, busy sa school huhu)
YOU ARE READING
Corduroy Dreams
Teen FictionAdelaide moved to another school and saw her ex again 2 years ago when they were in high school. The two of them got back together and promised each other that they would never separate but their promise did not become true because one day...