Adelaide Pov
Hindi sumama si Lennox sa loob ng bahay nila Aiden at nagpaiwan siya sa loob ng sasakyan.Mangiyak ngiyak na sinalubong ako ng mama ni Aiden at yinakap.
"Kumusta ka na iha?salamat sa Diyos at nagising ka,kung andito si Aiden----- matutuwa siya"
Natahimik kami ng ilang segundo at hindi ko namalayang umiiyak nanaman ako.
"Ang batang yon...napakabata niya pa niya para mawala"
Hinawakan niya ang mga kamay ko at nag ngumiti.
"Wag kang umiyak Adelaide iha, hindi matutuwa si Aiden na makita kang umiiyak"
"Hindi ko manlang alam na may sakit pala siya tita,hindi ko manlang siya nakita sa huling segundo ng buhay niya,hindi ko malang siya nagawang mayakap at hindi ako nakapunta sa burol niya"
Yinakap ako ng mama niya at hinagod ang likod ko para mapatahan.
"Shhhhh,ang huling habilin ng anak ko ay wag ka naming hahayaang makulong sa lungkot,masaya na siya ngayon at buhay ka"
Kumalas siya sa pagkakayakap at ngumiti sakin.Kahit ngumiti siya ay kita ko ang mga lungot sa mata niya.
"P-pwede po bang pumasok sa kwarto niya?"
"Muntik ko nang makalimutan,may ibinilin siya na ibigay sayo nang nabubuhay pa siya, nasa kwarto niya,hindi namin inalis sa ibabaw ng kama niya.Lagi niyang sinasabi na kung isang araw ay mawala na siya ibigay raw namin sayo"
Sinamahan ako ng mama ni Aiden papunta sa kwarto niya at iniwan ako ng makapasok ako sa loob.Malinis ang loob ng kwarto niya,ganito kalinis ang nakita ko sa panaginip ko.Pakiramdam ko totoong totoo na nakasama ko siya ,na magkatabi kaming natulog.
Napatingin ako sa kama at may isang box na malaki na nakapatong.Ito siguro ang tinutukoy ng mama niya.Umupo ako sa kama at dahan dahang binuksan ang box.Tumambad saakin ang napakaraming litrato sa loob.Tinignan ko isa isa at lahat ng litrato ah may petsa sa likod.Ang lahat ng litrato ay mga litrato ko simula highschool kami,malabo pa ang kuha sa iba.Hindi ko alam na kinukunan niya pala ako lagi ng litrato simula dati.
Napangiti ako ng may nakita akong litrato na nasa mall kami.Ito yong araw na binilhan niya ako ng maraming damit.Napahinto ako sa huling litrato.Ang kaisa isang picture na maayos na mayroon kami,ang huling litrato namin na magkasama.
Ang litrato namin nong high school outing bago kami naghiwalay."I love you Aiden"
Yinakap ko ang picture at inisip ko na andito siya sa tabi ko at yakap ako.Kung maibabalik ko lang oras,andami kong gustong gawin kasama siya,andami kong pinagsisihan.
Ibabalik ko na sana ang mga litrato pero napansin kong may laman pa sa pinakaloob ng box,inalis ko ang nakapatong na envelope at nakita ko ang selpon ni Aiden sa loob.Binuksan ko ito at walang password,hindi pa siya lobat at 50% pa.Wallpaper niya ang picture namin nong high school.Binuksan ko ang gallery niya at wala itong ibang laman kundi ang mga pictures na nakalagay sa loob ng box at may kaisaisang video kaya binuksan ko ito.
Tumambad agad sa screen ng cellphone ang muka ni Aiden at nasa ospital siya.
"Hi Adelaide my princess,isang buwan ka nang natutulog jan hindi ka ba napapagod matulog?"
Biglang itinutok niya ang camera sakin sa video at kitang kita na wala akong malay .Hinawakan niya ang kamay ko sa video at hinalikan.
"Ang ganda ganda mo parin kahit nakahiga ka jan at di pa nagigising.Gumising ka na please?dalawang buwan ka ng tulog jan, kakain tayo ng maraming paborito mong shawarma pagising mo"
YOU ARE READING
Corduroy Dreams
Teen FictionAdelaide moved to another school and saw her ex again 2 years ago when they were in high school. The two of them got back together and promised each other that they would never separate but their promise did not become true because one day...