Chapter 19

4 1 0
                                    

Adelaide POV

Aaminin ko sa sarili ko unti unti na talagang nahuhulog ang loob ko kay Aiden.Inaalagaan niya ako na parang isang prinsesa,siguro kung anak niya ako at tatay ko siya spoiled na spoield akong bata.Hindi ko sinabi kay mama ang ginawa ni Beatrix kahapon dahil siguradong magagalit si mama.

"Bakit parang antahimik mo ngayon?"tanong ni Aiden habang nasa sasakyan kami.Papunta na kami ngayon sa school at sinundo niya ako uli.Walang araw na nakakaligtaan niya akong sunduin simula nang pumayag akong manligaw siya.

"May iniisip lang"

"Iniisip mo parin ba ang ginawa ng kapatid ni Lennox?"

Hindi ako sumagot at deritso lang ang tingin ko sa daan.

"Look at the back seat"

"Ha?"

Tinignan ko ang back seat at may nakita akong box kaya kinuha ko.

"Ano to?"

"Buksan mo"

Nagtatakang tinignan ko siya bago ko binuksan ng dahan dahan ang box.Pagkabukas ko ay nga libro ang nakita ko,wattpad books!hindi lang isa kundi sampo..Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

"Nagustuhan mo ba?"

"Sakin to?"

"Obviously Adelaide"

Sa sobrang saya ko nayakap ko siya at nagulat siya sa ginawa ko.Tinignan ko isa isa ang mga books,ito yong mga bagong released na books ni "aymjackie" pinakapaborito kong author simula high school ako,hindi pa siya ganon kasikat dati pero fan na fan niya na ako ng mga stories niya pero hanggang ngayon hindi parin siya nagfaface reveal,lagi siyang nakamask at sombrero tuwing may pa book signing events kaya wala paring nakaalam kung ano talagang itsura niya.Maiksi ang buhok niya,maputi at maganda ang katawan.Marami na akong nacollect na books na nareleased na pero itong mga to bagong labas palang at lahat ay may pirma niya .Omg!!!

"Thank you so much!sobrang nagustuhan ko Aiden ,alam mo naman na gustong gusto ko ang mga stories niya simula high school tayo"

"Buti naman at nagustuhan mo,wag ka ng sumimangot jan oky?"

Nginitian ko siya at niyakap ko ang mga libro,ang saya saya ko.Nang makarating na kami school ay pinapaiwan na sa kotse ni Aiden ang mga libro para hindi na raw madala sa room pero kumuha ako ng isa at inumpisahan kong basahin habang nasa naglalakad kami papunta sa room.Nabasa ko na to ng dalawang beses pero ito ang isa sa pinakagusto kong story niya tungkol sa lalaki na hinanap ang kaniyang girlfriend ng matagal na panahon,parang finding nemo hahahhahaha.

"Baka matapilok ka,mamaya na yan"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy paring magbasa.Biglang may mga studyante na tumatakbo sa hallway kaya hinatak ako ni Aiden papunta sakanya.

"Muntik ka na nilang masagi"

Napatingin ako sa muka niya,ang gwapo niya talaga sa malapitan.

"Duguan daw siya"
Narinig namin sa isang studyante na tumatakbo at dahil umiral nanaman ang pagkachismosa ko ay tinawag ko ang isang studyante na sa tingin ko ay kaklase ko.

"Anong nangyayari?"

"May nangyaring gulo sa second floor at napuruhan ang isang kaklase natin"

"Sino?"

"Hindi ko rin alam kaya nga titinignan namin"

Umalis na siya at tumakbo uli pababa ng building.Nasa 3rd floor kami ngayon at andaming studyante na bumaba sa second floor.

Corduroy DreamsWhere stories live. Discover now