Chapter 15

10 1 0
                                    

Adelaide POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa muka ko.Napatingin ako sa bintana at nakabukas na ang kurtina kaya pumapasok ang sinag ng araw.Napahawak ako sa ulo at medyo mainit parin pero nabawasan na ang sama ng pakiramdam ko.

Napatingin ako isang unan na nakalagay sa hinihigaan ko at nakita kong nakapatong ang cellphone ni Aiden, teka? asan pala siya?sa pagkakaalam ko andito sya kagabi at sinamahan ako sa kwarto at katabi ko syang nakatulog.

Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako at si Aiden pala.May dala syang mga pagkain.

"Gising ka na pala"

Panaginip ko lang ba na andito sya kagabi?Napahawak ako sa ulo at pilit na inaalala kung andito ba sya kagabi.

"Masama pa ba ang pakiramdam mo?"

Inilapag niya ang tray sa table malapit sa kama pagkatapos ay umupo sa tabi ko at hinawakan ang noo ko.

"Bumaba na ang lagnat mo"

Hindi ko maialis ang tingin ko sakanya.

"Why?may dumi ba sa muka ko?"

"Asan ka kagabi?"

Out of curiousity natanong ko sya ng wala sa oras.Gusto ko lang naman malaman kung panaginip lang ba yon o totoo.

"Why are you asking?"

Natawa sya sa naging tanong ko.Wala namang nakakatawa doon.

"Asan ka nga kagabi?"

"Andito ako sa tabi mo kagabi,hindi mo ba maalala?umiyak ka pa kagabi and you even hug me-----

Tinakpan ko bigla ang bibig nya at nilakihan ko sya ng mata.

"Enough! Oky na "

Inalis niya ang paggkakatakip ko sa bibig nya at tumawa

"Bat ganyan ang reaksyon mo?HAHAHA"

"W-wala"

Umiwas ako ng tingin sakanya.Pakiramdam ko namumula ako dahil sa hiya.Nahihiya ako sa ginawa ko kagabi na yinakap ko sya huhu.

Hinawakan niya ang pisngi ko at marahang pinisil kaya napatingin ako sakanya

"Ang cute mo"

Inalis ko ang pagkakahawak nya sa pisngi ko at umiwas uli ng tingin.

"Kumain ka na muna, naghanda ako ng food"

Tumayo siya at inayos ang mini folding table at inilagay ang mga pagkain sa harap ko.

"Ikaw ang ....nagluto?"

"Yeah"

"Kelan ka pa natutong magluto?"

"2 years ago"

Natahimik ako sa naging sagot niya.Oo nga pala, matagal na kaming di nagkita at maraming nagbago sa amin sa loob ng dalawang taon.

Kukunin ko na sana ang kutsara pero bigla niyang kinuha.

"Subuan na kita"

"Hindi na,kaya ko naman"

"Wag ka ng makulit, say ahhhh"

"Aiden...hindi na ako bata"

"Bata ka pa para sa paningin ko"

"Pero-----

"Wag ka ng makulit Adelaide Ramirez"

Napabuntong hininga nalang ako at sumunod.Sa kalagitnaan ng pagkain ko biglang pumasok sa kwarto ang lola niya.

Corduroy DreamsWhere stories live. Discover now