Chapter 16

3 1 0
                                    

Adelaide POV

Nagpalipas pa kami ng isang gabi sa bahay ng lolo at lola ni Aiden at kinabukasan ay nagbyahe na pauwi.Yinakap pa ako ng lola ni Aiden ng nagpaalam kami at nagpadala pa sila ng kakanin sakin.Hindi ko makakalimutan ang dalawang araw na pagstay ko doon kahit na nagkasakit ako , naging sobrang bait sakin ng lolo at lola niya.

Ngayon ay nakauwi na ako sa bahay at ng hinatid ako ni Aiden ay sobrang nagpasalamat pa si mama sakanya sa pag aalaga sakin,pagkatapos non ay umuwi na rin siya.Hindi na tuloy kami nakapasok kahapon sa klase at ngayon naman ay weekend na ,walang pasok.

"May pagkain sa ref kung nagugutom ka ha,may naluto na rin jan"

"Opo ma"

"Tumawag ka lang sakin pag may kailangan ka o tawagan mo si Aiden"

"Ma naman!"

Humagikgik ang mama ko at nagpaalam ng umalis,papunta na kasi siya sa trabaho niya.Mag isa nanan ako ngayon sa bahay.

Biglang may nag pop up na notification sa facebook account ko at pagtingin ko friend request ni Aiden.Ang alam ko friend ko naman na siya dati sa facebook account niya.Ichecheck ko sana ang profile pero biglang nagvibrate ang phone ko.

Anonymos number calling

Teka ito ba yong nagtext sakin na anonymos number kahapon?

"Hello?"

Walang sumagot.

"Hello?sino po ba to?kahapon ka pa nagtetext di naman kita kilala,sino ka ba?"

("Hey,Adelaide ako to")

"Aiden?"

("Binigay ng mama mo ang number mo sakin")

Napatingin ako sa phone ko at tinignan ang number na nagtext sakin kahapon at ang number ngayon na gamit ni Aiden.Hindi sila tugma.

("Adelaide? ")

"H-ha?bakit ka ba napatawag?"

("Im just checking you")

"Bakit?quiz ba ako para i-check?"

Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya.("No,youre not a quiz to check on but your my everything")

Natahimik ako sa sinabi niya.Hind ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya.

("Hey,Adelaide anjan ka pa ba?kinikilig ka na ata?")

"Ang korny mo!"

Binabaan ko siya at naglakad ako paalis ng kwarto.Gusto ko muna maglakad lakad.

Nakapagdesisyon ako na pumunta sa park malapit sa bahay.Naglakad lang ako at hindi na nagmotor,sayang gas.Wala naman akong ibang masakyan,wala akong bike at hindi ako marunong magbike.How funny right?marunong ako magmotor peto di ako marunong magbike.

Pakiramdam ko may sumusunod sa likuran ko habang naglalakad pero sa tuwing lilingon ako wala naman akong nakikita.Gosh!so creepy.

Pagdating ko sa park,as usual andami nanamang couples ang nandito,marami ring mga bata kasama ang mga magulang nila.Green park ang tawag dito,maraming nagpipicnic dito dahil sariwa ang hangin dito kaya gustong gusto kong pumunta dito.

Umupo ako sa damo kahit na wala akong dalang blanket para magsilbing sapin,hindi naman ako maarte at malinis ang damo dito kaya nga tinawag itong green park.

Corduroy DreamsWhere stories live. Discover now