Chapter 17

4 1 0
                                    

Adelaide POV

Andito sila Lennox at ang mga magulang niya kasama ang bruha niyang kapatid ngayon sa bahay dahil may family dinner kami ngayon.Once a month sabay kaming kumakain kasama sila dahil close rin ang mga magulang nila Lennox at magulang ko,yon nga lang wala ngayon dito si papa since last month dahil may business trip siya sa Pampanga.Minsan kami ang pumupunta sa bahay nila Lennox.

Mula ng dumating si Lennox ay hindi manlang niya ako pinansin samantalang si Beatrix ang sama agad ng tingin sakin pagpasok palang ng pinto.Pinaglihi ata to sa sama ng loob.

"Ang sarap talaga ng adobo mo mars, this is the best adobo"
sabi ng mama ni Lennox

"Ramirez specialty yan"

Tahimik lang akong kumakain ,katabi ko si Lennox sa kanan ko ,at katabi niya si Beatrix,samantalang katapat namin sa lamesa ang mga magulang nila Lennox at si mama.

"Kumusta naman si Lennox at Beatrix sa school?"tanong ng papa nila Lennox

"Uhm...nag aaral naman pong mabuti si Lennox"

"How about Beatrix?"

Aba malay ko sa bruha na yan,di naman kami close.

"Im doing good mom,don't ask her hindi naman kami close"sabi ni Beatrix at tumingin pa siya sakin at nag rolled eyes.

"Beatrix,ayan ka nanaman"
sabi ng mama nila Lennox.

"Why?Im just saying the truth mom,never in my life na makakasundo ko ang babaeng yan"

Napatigil kami sa pagkain dahil sa sinabi niya.

"Watch your mouth Beatrix,nasa harap tayo ng hapagkainan"
sabi ng mama niya.

"Whats wrong?totoo namang hindi kami magkasundo"

"Beatrix enough"
Sabi ng papa niya.

"Si Adelaide nanaman ang kakampihan niyo?why?ano bang mali sa sinasabi ko?tell me"

"Nasa harap tayo ng hapagkainan Beatrix,mamaya na yan"
Sumabat na si mama,pero hindi niya pinansin.

Alam ng mga magulang namin na di kami magkasundo ni Beatrix kaya gumagawa sila ng paraan para magkasundo kami.Sinusubukan ko rin namang makasundo siya pero everytime na susubukan ko,ako lang ang nahihirapan sa huli.Wala akong ideya kung bakit ganyan nalang ang galit niya sakin simula pa noon.

"Nawalan na ako ng gana kumain"

Tumayo si Beatrix at umalis.

"Beatrix!"

Tinawag siya ng mama nila pero hindi manlang siya lumingon.

Akmang tatayo sana si Lennox para sundan siya pero pinigilan siya ng papa nila.

"Hayaan mo siya Lennox,dont tolerate her being childish again"

Naguguilty ako sa nangyari.Pakiramdam ko kasalanan ko.

"Pasensya na po kayo tito,tita .Im sorry po"

"Wala kang kasalanan Adelaide,dont be sorry"
sabi ng mama nila Lennox.

Napatingin ako kay Lennox pero hindi parin siya umiimik.Bakit ba hindi niya ako pinapansin huhu.

Napansin ata ni mama na hindi kami nagkikibuan ni Lennox kaya napataas ang kilay niya sakin.

"Nag away ba kayo ni Lennox?"
tanong ni mama.Naagaw niya tuloy ang atensyon ng magulang ni Lennox at ngayon ay nakatingin na sila saming dalawa.

Corduroy DreamsWhere stories live. Discover now