Chapter 6

15 3 0
                                    

Adelaide POV

Bigla akong nagising dahil may narinig akong kumakanta.

"I'll be the one,that needs you again..and I'll be the one that proposes in a garden of roses.."
(Happiness by Rex Orange)

Ang ganda ng boses niya,ansarap pakinggan.Hindi ko pa pala alam ang pangalan niya.Pangalanan ko nalang kaya syang Mr.jacket?Nakatalikod sya sakin habang kumakanta.

Napatingin ako sa buong classroom at wala na ang mga kaklase ko pati ang prof ay wala na.

"Hala! Asan na sila?"

Biglang tumigil sa pagkanta si Reighn at tumingin sakin.

"Tapos na ang klase"

"What!?"

Tinignan ko ang oras sa relo ko at omg! Its already pass 3 in the afternoon.

"Bat di mo ako ginising?"

"Its not my fault kung bat di ka nagising agad"

"Kasi nga hindi mo ako ginising"

"Ayos lang na nakatulog ka umalis naman ang prof"

"Why?"

"Pinatawag sa office I guess?"

Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

"Pero may pinasolve syang activity sa calculus"

Literal na lumaki ang mata ko sa sinabi niya.Wat the ef!

"Bat di mo ako ginising!"

Tumawa lang sya sakin at umiling.

"Anong nakakatawa ?di ako nakagawa ng activity ko!"

Kinuha nya ang bag nya at nag umpisang maglakad palayo pero bago sya tuluyang makaalis sa classroom.tumigil sya sa pinto at lumingon sakin.

"Gumawa ako ng activity mo,dont worry"

Pagkatapos niyang sabihin yon ay umalis na sya.Naiwan akong mag isa sa classroom.Hindi nagproprocess sa utak ko ang sinabi niya.Gumawa sya ng activity ko?Hindi naman ata pwede yon.

Lumabas na rin ako ng classroom uwian na rin naman hanggang 3 pm lang ang klase namin at tinulugan ko pa.Pupunta nalang ako kila Lennox.

Habang nasa daan ako nahagip ng mata ko si Aiden sa tapat ng hospital.Madadaanan kasi ang hospital pag papunta ng bahay nila Lennox.Akala ko ba di pa sya pwedeng lumabas?anong ginagawa niya mag isa sa labas ng hospital?

Concern citizen ako kaya lumapit ako sakanya at nagulat sya ng makita niya ako.

"Adelaide?"

"Anong ginagawa mo dito sa labas?"

"Uuwi na ako"

"Ha?pwede ka na bang umuwi?"

"Nag aalala ka ba sakin?"

"Oo naman,bilang kaibigan"

Ilang segundo syang di nakasagot kaya binasag ko ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Susunduin ka ba ng parents mo?"

"I dont think so, nasa work sila"

"What?so magcocomute ka?"

"Yeah"

Bago pa man din ako makasagot ay nagsalita ulit sya.

"Pwede bang ihatid mo nalang ako sa bahay?"

Corduroy DreamsWhere stories live. Discover now