Adelaide POV
Wat the ef!Ano bang pinagsasabi ni Aiden.
"Ma hindi po,nag...nagbibiro lang si Aiden"
Sinamaan ko ng tingin si Aiden pero nginitian niya lang ako.
"So,he's courting you?"
Biglang nagsalita si Lennox sa tabi ko."H-hindi ah,di naman ako pumayag"
"Adelaide"
Nagsalita si mama at tumingin ng seryoso sakin.Hala!ayan na ang volcanic erruption."M-ma..nagbibiro lang si Aiden,wag kayong maniwa----
"Bat di mo sinabi sakin agad?"
Hindi ko alam kung ano ng isasagot ko.Naliligo na ako ng pawis sa kaba.Ano ba kasing nakain ni Aiden at bigla nalang pumunta dito para sabihin yan,hindi pa nga ako pumayag.
Biglang tumawa si mama ng malakas kaya napatingin ako sakanya.Tinapik ni mama ang balikat ni Aiden at ngumiti saamin.
"Hindi ako galit,ang sa akin lang bat di mo agad sinabi sakin anak na may manliligaw ka na pala at ang kaklase mo pa dati nong high school"
Ha?ano daw?
"Ha?"
"Nakapag usap na tayo ng papa mo dati diba na pwede ka ng magboyfriend"
"Pero hindi ko nga po sya boyfriend"
Tumawa lang si mama at di ako pinansin.
"Aiden , iho..ikaw ang kaunaunahang nagpaalam na manligaw sa anak namin kaya natutuwa ako dahil nakikita ko na agad kung gaano ka kaseryosk sa anak ko."
"Salamat po sa tiwala tita"
"Tignan lang natin kung magtatagal ka sa anak ko kasi maingay yan at -------
"Ma,tama na"
Tumigil si mama nagsalita pero may binulong sya kay Aiden at natawa silang dalawa.Ano nanaman yan mama huhu...I feel betrayed by my mother.
"Tita una na po ako"
Napatingin kami kay Lennox na biglang tumayo at nagpaalam.
"Ang aga naman ata?"tanong ko sakanya pero di niya ako pinansin.
"Anjan na ba ang sundo mo?"tanong ni mama kay Lennox.
Tumango si Lennox at umalis na.Hindi manlang ako kinausap bago umalis.Anong nangyari don?
"Maiwan ko na muna kayo dito ni Aiden at may ginagawa pa ako sa kusina"
Ngumiti si mama ng nakakaloka sakin na parang kinikilig pa.Sya nalang kaya magpaligaw kay Aiden total parang sya yong may gusto.
Umupo si Aiden sa tabi ko pero hindi ko siya kinausap.
"Hindi mo manlang ba ako kakausapin?"
Hindi ko parin sya kinausap at nagpakabusy sa pagkain.
"Kung di mo ako kakausapin sasabihin ko kay tita na naging tayo na dati."
Bigla akong napatingin sakanya dahil sa sinabi niya
"Alam mo Aiden...nakakainis ka"
"Just kidding"
Inirapan ko sya at hindi na ulit pinansin.
"Bat ba ang sungit mo ngayon?akala ko nakapag usap na tayo tungkol dito"
Bumuntong hininga ako at hinarap ko sya.
"Unang una Aiden,hindi ako pumayag na ligawan mo ako.Pangalawa,hindi mo ako tinanong,ikaw amg nagdesisyon agad, oky?tapos bigla mong sasabihin kay mama na nililigawan mo na ako?asan ka humuhugot ng kapal ng muka at ng lakas ng loob?"
Natahimik sya ng ilang segundo sa sinabi ko.Omg!naging harsh ba ako?nakokonsensya na ako agad sa sinabi ko.
"Pag tinanong ba kita kung pwede akong manligaw uli ang sagot mo ba ay oo?"
Wala akong maisagot.
"See?hindi ka papayag"
Bigla syang tumayo at ngumiti sakin.
"My desisyon is final Adelaide, liligawan kita ulit sa ayaw at sa gusto mo."
Tumalikod na sya at nag umpisang maglakad at ng nasa tapat na sya ng pinto ay tumigil sya.
"Pakisabi kay tita umalis na ako"
Pagkatapos niyang magsalita ay tuluyan na syang umalis.
Mayghad!Napakapangit talaga ng araw na to, hindi ko na kinakaya.
YOU ARE READING
Corduroy Dreams
Teen FictionAdelaide moved to another school and saw her ex again 2 years ago when they were in high school. The two of them got back together and promised each other that they would never separate but their promise did not become true because one day...