Adelaide POV
Umalis si Aiden matapos pagkatapos niya sagutin ang tanong ko kaya napagpasyahan ko nalang matulog.
Nagising ako ng bandang alasdyes ng gabi at hindi maganda ang pakiramdam ko.Pumunta ako sa kusina at nagulat ako ng makita ko si Aiden sa kusina na kumakain.
"Akala ko nakatulog ka na?
Hindi ko sya nagawang sagutin dahil sobrang sama ng pakiramdam ko.Gusto ko uminom ng tubig.
"Namumutla ka ata?"
Lumapit sya sakin at pinagmasdan akong mabuti.
"May masakit ba sayo?"
Hinawakan nya ang noo ko at nagulat sya ng mahawakan niya ito.
"May lagnat ka Adelaide"
"Sinat lang to,magiging oky din ako bukas"
Kukuha na sana ako ng baso pero naunahan na ako ni Aiden at nilagyan nya ito ng tubig pagkatapos ay inalalayan akong maupo.
"Kukuha ako saglit ng gamot"
Tanging pagtango nalang ang naging tugon ko.Pakiramdam ko di ko kayang magsalita sa sobrang sama ng pakiramdam ko.Bakit ba biglang sumama pakiramdam ko huhu gusto ko na umuwi.
"Ubos na ang stock na gamot dito,bibili ako saglit"
"Hayaan mo na,delikado na lumabas "
"But you need it Adelaide,may bukas pang tindahan malapit dito,just wait for me sandali lang ako"
Tumalikod na sya at nag umpisang maglakad pero bumalik rin sya sakin bago tuluyang makalayo.
"Ihatid muna kita sa kwarto,just stay there habang bumibili ako ng gamot"
"Aiden...wag na----
"Wag ng makulit Adelaide "
Inalalayan niya ako hanggang sa makarating sa kwarto bago sya umalis,hindi manlang sya nagsuot ng jacket gabing gabi na at malamig pa sa labas.Humiga na ako sa kama at pinipilit kong matulog peri di ako makatulog sa sobrang sama ng pakiramdam ko,ansakit ng ulo ko na pakiramdam ko anytime ay mabibiyak na.
Tinignan ko ang oras sa phone ko at mag 15 minutes na pala mula ng umalis si Aiden.Baka napano na sya sa daan dis oras na ng gabi.
Babangon na sana ako para pilitin ang sarili ko na pumunta sa sala dahil nag aalala ako kay Aiden pero biglang bumukas ang pinto.
"Hey, san ka pupunta?"
Kitang kita ko ang tagaktak ang pawis ni Aiden ng makalapit sya sakin.
"Bat pawis na pawis ka?"
"Here ,inumin mo to"
Inabot nya sakin ang gamot kasunod ang baso na may lamang tubig na dala nya rin.Pagkatapos kong inumin ang gamot ay inabot ko sakanya ang baso at inilagay nya sa table sa tabi ng kama.
"Magpahinga ka na muna,dito na ako matutulog sa kwarto babantayan kita"
"What?"
"Sa sofa ako matutulog hindi sa tabi mo"
Itinuro nya ang sofa sa gilid at parang napahiya ako sa sarili ko dahil aa sinabi niya.Ano ba kasing nasa isip mo Adelaide huhu.
"Magpahinga ka na,im just right here ,tawagin mo lang ako pag may kailangan ka"
Inalalayan niya ako mahiga ulit at inayos pa nya ang kumot ko bago sya pumunta sa sofa.Napakacaring niyang taon ngayon akala mo naman hindi ako inasar kanina.
Tumingin ako sakanya at nakahiga na sya sa sofa ,buti nalang at mahaba ang sofa kaya nagkasya sya doon dahil matangkad na tao si Aiden. Napansin niyang nakatingin ako sakanya kaya napalingon din sya sakin.
"What?May kailangan ka ba ?may iba pa bang masakit sayo?"
Bigla syang napaupo sa sofa at halata sa tono ng boses niya na nag aalala sya.
Umiling nalang ako sakanya bago ko iniwas ang tingin ko at ipinikit ko ang mga mata ko.Sobrang sakit ng ulo ko,pakiramdam ko umaapoy na ang mga brain cells ko sa ulo .
Ilang minuto o oras na ba akong nakapikit at hindi parin ako makatulog.Napatingin ako kay Aiden at nakacross arms sya habang nakaupo at tulog na.Kukunin ko sana ang cellphone ko sa may table sa tabi ng kama pero nahulog ito at naging dahilan para magising si Aiden.Lumapit sya agad sakin at pinulot ang cellphone ko at inabot sakin.
"Bat gising ka pa?its already 12 in the midnight"
Hindi ko sya sinagot at binuksan ko ang phone ko at tama sya 12 midnight na nga.Bigla nyang hinawakan ang noo ko kaya nagulat ako ,hindi ako nakakibo agad.
Kitang kita ko ang pag aalala sa mga muka biya kaya inalis ko ang kamay nya mula sa pagkakahawak sa noo ko.
"Oky lang ako wag kang mag alala"
Pero ang totoo niyan sobrang sakit ng ulo ko,ansama ng pakiramdam ko huhu.
"Your lying"
"Ha?"
Napabuntong hininga sya at umupo sa tabi ko.
"Matulog ka na, uuwi na tayo bukas pag gumaling ka na ,oky?"
"Hindi ako makatulog......"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak dahil sa sakit ng ulo ko.Bihira lang ako magkalagnat pero pag nilagnat ako napapaiyak ako sa sakit,kay kuya ako dati umiiyak pag nagkalasakit ako at hindi niya ako iniiwan sa kwarto mag isa.
"Shhhhh,tahan na ...mas lalong sasakit ang ulo mo kung iiyak ka"
Marahan akong yinakap ni Aiden at hinaplos haplos nya ang buhok ko.
Pakiramdam ko sa mga oras na to na buhay ang kuya ko,naalala ko si kuya gantong ganto ang ginagawa niya pag umiiyak ako kapag may sakit ako.Dahil sa naghalong sakit ng ulo at emosyon ko ay napayakap na rin ako kay Aiden habang umiiyak.Iisipin ko nalang muna na sya ang kuya ko,kahit ngayon lang maramdaman ko na may kuya ako sa tabi ko.******
Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom pero pagdilat ng mga mata ko ay muka ni Aiden ang nakita ko at natagpuan ko ang sarili ko na nakayakap sakanya at nakahiga ang ulo ko sa may braso niya.
Napatulala ako ng ilang segundo dahil at pilit inaalala ang mga nangyare kung bakit katabi ko na sya ngayon.Bigla syang nagising at napatingin sakin.
"Kumusta ang pakiramdam mo?"
Hinawakan niya ang noo ko at mas hindi ako nakagalaw dahil sa ginawa niya.Bat ba napakalaking big deal na sakin ngayon ng mga ginagawa niya.
"Mainit paring ang ulo mo"
Ngayon ay unti unti ng nag sisink in sa utak ko ang lahat kung bakit katabi ko si Aiden ngayon.Naalala ko na ang ginawa nya kagabi at di ko namalayang nakangiti na pala ako ngayon habang nakatingin sakanya.
"Why are you smiling at?matulog ka na uli ,1 am palang ng madaling araw."
Ramdam ko parin ang sakit ng ulo ko, hindi parin maayos ang pakiramdam ko.Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero imbis na sagutin ko ang sinabi nya ay biglang ko siyang yinakap habang at ipinikit ko ang mga mata ko.Hindi alam pero ramdam ko na secure na secure ako sa tabi niya at sobrang panatag ng loob ko sakanya ngayon.
Naramdaman kong nagulat sya sa pagyakap ko sakanya pero makalipas ang ilang segundo ay naramdaman kong dahan dahan niyang hinahaplos ang buhok ko para makatulog ako.
YOU ARE READING
Corduroy Dreams
Teen FictionAdelaide moved to another school and saw her ex again 2 years ago when they were in high school. The two of them got back together and promised each other that they would never separate but their promise did not become true because one day...