Adelaide POV
Second week of school naging sobrang busy na namin.Ramdam na ramdam ko na ang buhay college.Kung dati ay hindi ako natutulog dahil sa paglalaro ng online games ngayon ay dahil na sa mga activities.Dadating nalang ako sa punto na parang gusto ko na magshift ng course pakiramdam ko hindi ko kaya pero anjan si Lennox na lagi akong chinicheer up,lalong lalo na si Aiden.
"Hindi ka pa ba uuwi Addy?"
Umiling lang ako kay Lennox.Nasa library kami ngayon at kasama ko sila Lennox at Aiden.Nakakapagkasundo naman silang dalawa.
"I'll go first Addy,my mom texted me to go home earlier today.I think something came up"
"Sige ,ingat ka"
"Take care of her oky?"
sabi ni Lennox kay Aiden."Wag kang mag alala nasa mabuti siyang pangangalaga"
Kinindatan pa ako ni Aiden ng sinabi niya yon.
Umalis na si Lennox at naiwan nalang kaming dalawa Aiden ang naiwan.May iilang studyante rin ngayon sa library.
"Bakit ba sinosolve mo parin yan?tapos na yan"
sabi ni Aiden at inihiga niya ang ulo niya sa mesa habang nakatingin sakin."Di ko nakuha ang tamang sagot kanina,gusto ko makuha ko ng tama"Napangiti siya sa sinabi ko.
"Hindi ka parin talaga nagbabago"
Napatigil ako sa pagsosolve at tumingin sakanya.
"Ha?"
"Nagpupursige ka lagi para sa bagay na gusto mo"
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.
"Kailangan"
Umayos siya ng upo at inilapit pa ang upuan niya sakin.
"Let me help you with that "
Kukunin na sana niya ang papel ko pero inilayo ko sakanya.
"Ayoko,gusto ako ang gagawa.Pano ako matututo kung ipapagawa ko sa iba?"
"Tutulungan lang kita hindi ko sinabing ako ang gagawa lahat"
"Still I. DONT. WANT."
Itinaas ko ang papel na hawak ko habang nakatingin ako sakanya.Ngayon ko narealize na sobrang lapit ng muka namin sa isat isa.He's face is so perfect.Ang gwapo niya lalo sa malapitan.
Nakatingin lang siya sa mga mata ko na parang nakikipag usap gamit ang mga ito.Unti unti niyang nilapit ang muka niya sa muka ko at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ako gumalaw at napapikit ako.
Ilang segundo akong nakapikit pero wala akong naramdaman.Narinig ko siyang napabuntong hininga kaya napadilat ako at inilayo na niya ang muka niya sakin.Nakaramdam ako ng hiya sa ginawa ko,bat ako pumikit huhu.
"Sorry,nadala ako sa emosyon"
sabi ni Aiden."Ha?"
"Hindi dapat kita halikan kasi hindi pa naman tayo, I respect you"
Nawala ang hiya na naramdaman ko at napangiti ako sa sinabi niya.I think I made a right decision.
"W-why are you smiling?"
"Wala"
Nag umpisa na akong iligpit ang mga gamit ko,itutuloy ko nalang sa bahay total hapon na rin.
"Lets go Aiden"
Bago pa man din ako makatayo ay kinuha niya ang mga gamit ko at siya ang nagdala.Ganyan lagi ang ginagawa niya,hindi niya hinahayaang ako ang magdala ng gamit ko,tumatanggi ako pero mapilit siya.
YOU ARE READING
Corduroy Dreams
Teen FictionAdelaide moved to another school and saw her ex again 2 years ago when they were in high school. The two of them got back together and promised each other that they would never separate but their promise did not become true because one day...